"Listen up, after ng bonfire bumalik kayo agad sa tent and I'll call your walkie-talkie and you'll go straight to the forest" biglang sabi ni Nathan sa gitna ng katahimikan kaya pinanlakihan namin siya ng mata
"At paano naman namin yun gagawin?" tanong ni Trinity "Kayo ng bahala, ang importante lang sakin ay pumunta kayo sa gubat without getting caught, okay?" sabi ni Nathan kaya umirap si Trinity
"Teka lang Nate, paano kami?" tanong ni Gabriel "Sa tingin mo ba iisipin ko tong plano kung wala akong plano para sating tatlo?" sabi niya at tinaasan siya ng kilay
"May plano ka sa kanila habang kami wala? Wow naman Nathan" sabi ni Trinity kaya umiling si Nathan "Tutulong na din ako sa inyo, pero tutulong lang ako para hindi kaya mahuli and I'm staying in the tent" sabi ni Apple
"See?" sabi ni Nathan na ikinailing ni Trinity "I'm gonna kill you if we get caught Nate" sabi ni Trinity na parang nanggigigil na sakalin si Nathan
"Besides you have Agatha" sabi niya kaya nanlaki ang mata ko, anong ako? "Oo nga noh?" gulat akong napalingon kay Trinity ng sabihin niya yun, they are seriously counting on me?
"Wait guys, I am not sneaking out late at night, paano kung mahuli tayo ng mga faculty?" sabi ko.
_
Ano ang use ng pag-angal ko kaninang lunch kung ako parin ng magiging team leader ng sinasabi ni Gabriel na Operation: Sneak out?
"Ready na ba kayo?" tanong ni Apple kaya tumango kami habang sinusuot ko ang jacket "Walang gagawa ng ingay okay? Wala din gagamit ng flashlight at magpapaa lang tayo sa labas" sabi ko kaya pinanlakihan ako ng mata ni Trinity
"Bakit tayo magpapaa?" bulong niya "Para hindi tayo makagawa ng ingay?" sabi ko at kinuha ang flashlight ko sa bag "Okay! Okay! Fine!" pagsuko din niya sa huli
"Fighting!" sabi ni Apple bago kami lumabas ng tent "Walang gagamit ng flashlight ah? Pinapalibutan tayo ng mga tent, baka magising sila" bulong ko at nagsimula ng maglakad pero nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko sa kaba at dali-daling dumapa na sinunod ng dalawa
"Bakit?" tanong ni Trinity so I pressed my finger on my lips telling her to shut up "May faculty na naglilibot" bulong ko at kita ko ang pagngiwi nila, bumuntong hininga ako bago sinilip kung nandun pa si Sir at tumayo bago maglakad ulit
"When I count to three, we run okay?" bulong ko at kita ko pa ang pagkagulat nila "One" pagbilang ko "What? Bakit tayo tatakbo?" bulong ni Trinity "Two" bulong ko "Teka lang Agatha-"
"Three" and just like that parang kaming tangang tumatakbo papunta sa gubat "My god Agatha! Pinakaba mo ko dun!" sabi ni Trinity habang hinihingal
"Sorry, nakita ko kasing walang nakabantay na faculty kaya tinakbo ko na" sabi ko at ngumiti then nagulat kami ng may kumalabit kay Trinity kaya agad niya itong sinuntok
"Aray ko!" daing nito at sa boses parang alam ko na kung sino "Gabriel?" sabi ni Trinity "Bat ka ba nanununtok Trinity?" daing ni Gabriel habang nakahawak sa pisngi niya
"Bat ka ba nanggugulat ha?" pabalik niyang tanong at inirapan si Gabriel "Nandiyan na pala kayo" sabi ni Drake habang ino-on namin ang flashlight
"Nakakatakot naman pala sa gubat na toh" sabi ni Trinity at kumapit sa braso ko "Trinity madadapa ako sa ginagawa mo" sabi ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakakapit sakin
"Sa tingin niyo, bakit sa karami-raming babae sa camp site si Sasha pa ang napili ng killer?" sabi ni Nathan "Kung iisipin mo mas naunang nawalan ng gamit si Adrianna pero bakit si Sasha ang naunang namaty?" sabi ni Trinity
"Maybe the killer is waiting for the right time to kill? Eksakto naman na pabalik si Sasha ng camp site kaya baka siya ang nauna" sabi ni Gabriel
"Or maybe the killer planned it, baka sa simula pa lang inisip na niya na babalik si Sasha para kumuha ng jacket" sabi ni Drake
"Pero magagawa niya lang yun kung..." nagkatingin kami at tumango si Drake "Kung alam niya ang mga pinanggagawa niyo sa camp site" sabi niya
"Nakakatakot naman yan, parang stalker lang ang ampeg niya?" sabi ni Trinity "Masyadong mahirap, buong araw tayong may activity sa magkahiwalay na camp at nakabantay satin ang mga faculty lalo na't kasama niyo ang Guidance Councilor at Faculty Head" sabi ko
"That's why were here, aalamin natin kung paano lumipat-lipat ang killer sa dalawang camp site" sabi ni Nathan kaya tumango kami lahat
"Magagawa niya lang na magpalit-palit ng mabilis kung alam na niya ang gubat na toh" sabi ni Gabriel "Pero masyadong delikado" sabi ko kaya tumingin sila sakin
"Kung iisipin mo gaya ng sabi sa mga chismis, pumapatay lang ang killer tuwing gabi diba? Kung gagamit siyang flashlight makikita natin mula sa labas ang ilaw at bakit hindi sumigaw ang biktima para humingi ng tulong?" sabi ko kaya nanlaki ang mata nila
"Oo nga noh? Bakit hindi natin narinig ang sigaw ni Sasha?" tanong ni Trinity "Maybe she's unconcious and just like the Bathroom case na hinawakan natin four months ago na his neck was sliced and broken breaking his vocal cords baka ganun din ang nangyari sa kanya" sabi ni Gabriel kaya umiling si Hazel
"I saw the body, walang slice sa leeg and its impossible kung broken leg dahil wala akong nakitang mali kundi ang saksak sa dibdib niya" sabi ni Hazel
"Saksak? May kutsilyo ba? We can trace the fingerprint" sabi ni Drake kaya umiling si Hazel "Just a stab, walang naiwan na ebidensya" sabi ni Hazel
"Baka pina-amoy siya ng sleeping gas" sabi ni Drake "Like a kidnapper would do?" sabi ni Trinity kaya tumango siya "Yes, then the killer killed her" sabi ni Drake
"Then why does the killer have to remove her clothes?" sabi ni Trinity "That's the question, why did the killer have to kill Sasha? What was the killer's intention?" sabi ni Drake then an idea clicked to me
"Is it possible that the killer is killing ransomly?" sabi ko at sakto naman na nakarinig kami ng sigaw. A whisper. A cry for help.
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
