Ayaw sakin ibigay ni Lysander ang antidote para kay Sherley, ano pa nga ba ang inaasahan mo Agatha?
Ginawa ko lang naman yun baka sakaling may makuha man lang ako, napayuko ako ng unti-unti ng tumulo ang luha ko.
I can't save Sherley.
Ni hindi ko nga alam kung may antidote ba talaga ang Lycana, Lycana is something that can't be cured but I still tried.
"Ms. Ward?" rinig kong pagtawag sakin ni Sir pero hindi ako kumibo at pinagpatuloy ang pagiyak ko, hindi ko na kaya, masyadong mabigat sa dibdib
"Ako na lang po Sir" rinig kong sabi ni Apple na mukhang nakita akong umiiyak at binasa ang pinapabasa sakin ni Sir.
I am being an idiot here, I am killing a poor girl.
A freaking Twelve years old girl.
_
"Magiging okay ka lang ba? Nakita ko ang pagiyak mo kanina habang naglelesson" sabi ni Apple ng matapos ang klase namin
"Okay lang ako" sabi ko at ngumiti pero mukhang hindi siya naniwala sa sagot ko "I'm always here okay?" sabi niya at ngumiti na nagpangiti na din sakin "Thank you, Apple" sabi ko.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may humawak sa braso ko at pinaharap sa kanya na nagpangiwi sakin
"Pupunta ka ba sa clubroom?" tanong niya kaya pilit akong tumango ng makita si Gabriel "Sabay na tayo" sabi niya kaya tumango ako at napahinga ng maluwag ng bitawan niya ang braso ko
"Okay ka lang? You look... relieved" may pagtataka niyang sabi kaya tumango ako at ngumiti "Halika na baka naghihintay na sila sa atin" sabi ko kaya tumango na lang siya
"Kumain ka na ba?" tanong niya kaya tumango ako "Nakilala mo na ba yung kuya ni Trinity?" bigla kong tanong pero hindi ko na ito mababawi
"Hindi pa pero si Drake oo na, bakit?" sabi niya habang nakakunot noo kaya umiling ako "Nothing, just curious" sabi ko at ngumiti.
Pumasok kami ng clubroom at agad bumungad sakin si Trinity "Agatha nandito ka na pala! Hurry may ipapakita ako sayo" sabi niya at hinila ako sa dulo ng clubroom
"Aren't this video tapes?" tanong ko ng ipakita niya sakin ang ipapakita "Yeah, nakita namin toh ni Hazel habang naglilinis ng clubroom, sa pagkakaalam ko may player dito" sabi niya at sakto naman na lumapit samin si Hazel dala ang player
"Kay sino yan galing?" tanong ko "Sa pagkakaalam ko sa dating myembro ng Journalists Club dati" sabi ni Trinity
"Dati na tong club? Akala ko ngayon lang toh ginawa ni Nathan" sabi ko "Well may gumawa na ng Journalists Club dati but that was fourty-four years ago at simula nun ay wala na ang gumawa ng Journalists Club kundi tayo sa generation natin" sabi ni Trinity
"Panoorin na natin" sabi niya kaya tumango ako. Pinasok na ni Trinity ang tape ng maayos na ang player, ilang sandali pa kami naghintay ng may lumabas na sa video, unang pinakita ay isang gubat kung saan may apat na tao, dalawang lalaki at dalawang babae na mukhang kasing edad lang namin na nakasuot ng pang-hiking
"Claire dalian mo na!" sigaw ng isang lalaki sa babaeng may hawak ng camera "Oo na!" sigaw nito pabalik "Teka si Principal yun diba?" sabi ni Trinity at tinuro ang lalaking sumigaw kanina
"Oo, si Principal Montenegro nga yan" sabi ni Drake na sumasangayon kay Trinity kaya tiningnan ko ang lalaki sa video, teka bakit may kahawig siya?
"Si President Maxwell yan diba?" sabi ni Gabriel at tinuro ang isang lalaki na nakikipagusap sa dalawang babae
"Grabe ang gwapo niya parin kahit nung high school" sabi ni Trinity na sinangayunan ni Hazel, kasama pala sila sa Journalists Club dati?
"Maxwell tulungan mo nga yan si Claire!" sigaw ni Principal Montenegro sa video na liningon ni President Maxwell at linapitan yung babae na may hawak ng camera
"Dapat kasi mag-ingat ka sa susunod eh" sabi ni President "Oo, sorry na" sabi ng babaeng nangangalang Claire "Yan kasi, ang kulit eh" sabi ng isang babae na may glasses
"Che!" singhal sa kanya ni Claire "Maxwell buhatin mo na nga yan" sabi ng babae na tinawanan lang ni President
"Inaasar mo nanaman si Claire, Bea" sabi ng isa pang babae, bakit parang may kahawig din siya? "Ang pangit niya kasi tumawa, Reena eh" sabi ng babaeng nangangalang Bea sabay tawa
"Ang sama niyo sakin" sabi ni Claire "I-off mo na kasi yan na camera mas lalo kang mahihirapan" sabi ng babae na ang pangalan ay Reena
"Yung pangvi-video pa ang inaatupag niya eh" sabi ni Principal "Oo na, hindi niyo kailangang pag-isahan ako okay? Titigil na" sabi niya at dun na natapos ang video
"Grabe yun pala ang mga myembro ng Journalists Club fourty-four years ago" sabi ni Trinity "Kasing edad lang natin sila sa video so sixty na sila ngayon" sabi ni Drake pero agad akong napangiwi ng may humawak sa braso ko at nagulat ng makita ang nagaalalang mukha ni Gabriel
"Anong nangyari dito? Kaya ka ba ngumiwi kanina?" sabi ni Gabriel at tinaas ang sleeve ko at kita ko sa mukha nila ang gulat
"Anong nangyari diyan?" napalunok ako ng magtanong si Nathan "Tumama lang sa bakal" sabi ko at ngumiti "Don't lie to me Agatha, anong nangyari diyan?" tanong ni Nathan, bumuntong hininga na muna ako bago sinabi sa kanila ang nangyari and I readied myself sa sermon na makukuha ko kay Nathan
"And why the bloody hell did you do that?" tanong niya kaya napayuko ako "K-Kasi naman, I need to find something para gumaling si Sherley" utal ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko
"Kaya ka pumunta kay Lysander and confronted him? Ano ba ang iniisip mo Agatha? You always get in trouble because of that mind of yours!" sigaw niya making me flinch, pakiramdam ko din na nanunubig na ang mata ko
"Paano kung tinuluyan ka na talaga ni Lysander ha? What will you do? For pete's sake! Hindi mo pa nga yan ginagamot na sugat mo!" sigaw niya, napakagat labi ako ng naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko kaya agad ko yun pinahid
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo sakin tinatago toh! Madali lang naman sabihin sakin-" "Nathan tama na" rinig kong sabi sa kanya ni Gabriel
"No! Kailangan niya toh malaman, hind tayo lagi nandiyan para kay Agatha kaya magingat ka naman Agatha, I can't take that mind of yours-"
"Nathan!" sigaw ni Drake "What?!" sigaw pabalik ni Nathan pero ramdam ko na natigilan sila "Look" mahinang sabi ni Drake at sa tingin ko ay liningon ako ni Nathan sabay ng pagpahid ko sa luha ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ko maramdaman na i-angat niya ang ulo ko sa pagkakayuko "I'm just worried Agatha" sabi niya at pinahid ang luha ko
"I'm sorry" sabi niya bago ako niyakap kaya napahikbi na lang ako.
The scariest thing is when he shouts at me dahil natatakot akong tuluyan na nga siyang magalit na pumunta na sa puntong iiwan niya ako.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Drake kaya napatingin kami sa kanya at kita namin kung paano mag-panic ang mukha niya habang kausap ang caller
"Sino yun?" tanong ni Trinity pagkababa ni Drake ng tawag at kita ko sa mata niya ang pagaalinlangan and he's words made my mind blank and my heart quicken.
"Nag-aagaw buhay si Sherley"
Hindi ito pwede mangyari!
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
