♠85♣

63 4 0
                                        

"Agatha can I talk to you?" napalingon ako sa nagsalita at nagulat ng makita si Dana "Uhm, Kathie ikaw na muna bahala dito ah?" sabi ko at kita ko din ang gulat sa mukha nila

"Saan tayo maguusap?" tanong ko "Sa ilog" sabi niya at susunod na sana ako sa kanya ng pigilan ako ni Trinity habang matiim na nakatingin kay Dana

"Kung may mangyari kay Agatha na hindi namin magustuhan, hindi lang ako makakalaban mo" sabi niya and the shocking part is tumango lang si Dana bago maglakad palayo

"I'll be okay" sabi ko bago dahan-dahan tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at sinundan si Dana, bakit niya kaya ako gusto makausap? Tumigil siya sa tapat ng ilog at sandaling tinitigan yun

"Uhm, Ano yung paguusapan natin?" tanong ko "Right now, I'm trying to forget my hatred and anger towards you because of our situation" sabi niya bago lumingon sakin

"I want Journalists Club's help" sabi niya kaya sa sobrang gulat ay hindi ma-process ng utak ko ang sinabi niya, the gossip queen and queen bee is asking for help from her nemesis?

"W-Why?" utal ko sa sobrang gulat "Natatakot na ako, my friend, Adrianna lost something at hanggang ngayong hindi parin na hahanap, natatakot ako na baka siya na ang susunod" sabi niya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya, so kahit may attitude problem pala siya she still cares for her friends

"I know were enemies but can you help me? Ikaw lang kasi ang malalapitan ko sa kanila, they hate me" sabi niya at umiwas ng tingin

"Of course" sabi ko even though I feel like I'm the next one but seeing that happy face of yours, paano ako tatanggi kung alam ko na ang desisyon ko sa huli ay magpapasaya sayo? Her face beamed with delight at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko pa

"Thank you Agatha, you don't know how happy I am" sabi niya na ikinangiti ko "No problem" sabi ko pero bigla niya akong inirapan

"But don't get me wrong, I still hate you" sabi niya kaya natawa ako

"Yeah" pagsangayon ko na lang bago siya umalis. Mom, Dad, gabayan niyo na lang ako sa kasong toh.

_

Pagbalik ko sa kusina ay sinalubong ako ng nagaalalang mukha ni Trinity, Hazel at Kathie "Okay ka lang ba? May ginawa ba siya sayo?" tanong niya at inikot-ikot pa ako para tingnan kung may sugat ako

"Okay lang ako" sabi ko habang natatawa and they suddenly sighed in relieve "Mabuti naman, gagamitin ko ang President powers ko sa kanya kung may gawin siya sayo, narinig ko kasi ang ginawa niya sayo sa hallway dati" sabi ni Kathie kaya tumango ako

"Ano ba yung pinagusapan niyo?" tanong ni Trinity "Humihingi siya ng tulong" sabi ko at kita ko ang panlalaki ng mata nila

"Dana Ferrer the drama queen asked for Agatha Ward's help?" gulat na dabi ni Trinity "Guguho na ata ang mundo" sabi ni Hazel habang umiiling na parang hindi parin siya makapaniwala

"Bakit naman siya hihingi sayo ng tulong?" tanong ni Kathie "Natatakot na siya para kay Adrianna at baka daw si Adrianna ang susunod kaya humingi na siya ng tulong, hindi daw niya kayo makausap dahil galit kayo sa kanya" sabi ko kaya nagkibit balikat si Trinity

"Sabagay" sabi niya kaya natawa ako "At pumayag ka naman?" sabi ni Hazel kaya tumango ako "Syempre, she needs help at hindi din biro ang nangyayari ngayon" sabi ko

"Oh, I heard na kayo daw ang nakakita ng bangkay ni Kristel ng Grade 12" sabi ni Kathie kaya tumango kami "Mabuti okay lang kayo" sabi niya kaya nagkatinginan kami

"Perks of being part of Journalists Club" sabi ni Trinity at tumawa "Speaking of kagabi, tama nga ang hinala natin na rinape ang mga babaeng yun" sabi ni Trinity

"No wonder puros babae lang ang pinapatay" sabi ko "What? Rinape?" sabi ni Kathie na nakakunot noo "Basta, this is Journalists Club's job" sabi ni Trinity kaya natatawang umiling si Kathie

"Okay then, balik na ako sa kusina ah?" pagpapaalam niya bago umalis "So isa talaga sa mga boys ang killer?" sabi ni Trinity kaya tumango ako

"Now the question is paano niya nalalaman kung kailan aalis ang biktima?" tanong ko "Exactly, kung ngayong lunch wala siyang kapangyarihan para malaman kung anong mangyayari mamaya diba?" sabi ni Trinity kaya tumango ako

"Is this some kind of trick?" sabi ko at nagisip, kung isipan mo talagang mabuti hindi mo talaga makikita kung paano yun magagawa ng killer, even in another point of view.

Kung sa kabilang camp site ang paguusapan, strikto dun dahil lahat ng lalaking faculty member ay nandun at halos kalahati ng population nila ay mga strikto lalo na si Sir Trinidad at Mr. Choi or maybe hindi siya ang pumupunta dito?

Ano ang pwedeng gamitin para makapunta dito at makikita? CCTV Cam? Impossible, mahahalata siya nun or maybe mas tago?

Something that can pass through trees like...something aerial! Think of something aerial Agatha...

think..

think..

think..

think..

And something clicked into me "A drone!" sabi ko kaya nagtatakang tumingin sila sakin "Anong kinalaman dito ng drone?" tanong ni Trinity kaya ngumiti ako

"Just think of it, paano kung hindi yung killer ang pumupunta dito? At right from the start ay nakatingin na siya satin, the killer is using something mechanical and that is a drone! Hindi mo siya masyadong mahahalata diba?" sabi ko at mukhang na gets nila ang sinasabi ko

"Oo nga! Ang talino mo talaga Agatha!" tili ni Trinity "Now lets see kung may drone nga dito" sabi ko at tiningnan ang buong paligid but nothing came into view

"Ayun oh" sabi ni Hazel at nginuso pa ang puno sa gubat "Saan?" tanong ni Trinity at niningkitan pa ang mata "Wala naman ah" sabi niya

"I have good eye sight than you are Trinity kaya malamang hindi mo yan makikita, basta nandiyan yung drone, nakatago sa mga dahon" sabi ni Hazel

"Aminin mo nga, may superpowers ka noh?" sabi ni Trinity na ikinatawa namin ni Hazel

"Ngayon alam na natin kung paano tayo nakikita ng killer" sabi ko, the last thing to know is who is the killer?

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon