♠71♣

83 4 0
                                        

"Puntahan na muna natin ang mga Grade 8 sa second floor" sabi ni Trinity habang nakatingin sa listahan

"Kailangan ba talaga natin yan isa-isahin?" tanong ni Gabriel at kita mo na nababagot na siya "We have to, idiot" sabi ni Trinity kaya napairap si Gabriel.

[Two Hours Later]

"Ano ba yan! Halos lahat kilala si Agatha" sabi ni Trinity "Sino naman kasi ang hindi makikilala si Agatha? Simula ng tumapak yan dito sa school pinag-chismisan na yan" sabi ni Gabriel

"And some of them are even your admirers" sabi ni Drake at kita ko ang pagtawa ni Gabriel "Oo nga, grabe kita ko ang irita ni Nathan while that Enrique flirted with Agatha" sabi ni Gabriel kaya napakunot ang noo ko, Enrique flirted with me?

"He flirted with me? Kailan?" tanong ko "Duh! Hindi ba halata? He was batting his eyelashes at you" sabi ni Trinity at umirap

"And he was showing you his white teeth na mukhang commercial ng colgate" sabi ni Gabriel "And don't get me started sa pakindat-kindat niya sayo, no wonder Nathan is pissed" sabi ni Drake at umiling

"Last one na toh, Grade 12" sabi ni Trinity kaya tumango kami at pumunta sa third floor kung saan ang mga Grade 12 classrooms

"Excuse me, pwede po ba namin makausap si De Leon, Delos Soria, Marqueza at Evans?" sabi ni Gabriel "Cris, Kai, Zander at Cain, may tumatawag sa inyo" sabi ng kaklase nila sabay ng pagsulpot ng apat na lalaki sa harapan namin

"Oh Agatha, anong maitutulong namin sayo?" tanong ni Kai at nginitian ako "Agatha is dealing with a stalker at ang hula namin ay isa yun sa mga ka-myembro niyo sa baseball team" sabi ni Drake

"Hindi na nakakagulat kung may stalker ka, sa ganda mong yan?" sabi ng isang lalaki "Ako nga pala si Cain" sabi ng lalaki kaya nginitian ko siya

"Umiikot ang balita dito sa building natin na may bago daw na myembro ang Journalists Club at girlfriend pa daw ng President" sabi ng isang lalaki

"And you are?" tanong ni Trinity "Zander, nice to meet you" sabi ng lalaki "Marami din ang nagkakagusto sayo sa team namin, by the way I'm Cris" sabi ng isa lang lalaki

"Paano ka namin matutulungan?" tanong ni Kai "We just want to know kung anong oras kayo pumupunta dito?" tanong ni Drake kaya nagkatinginan ang apat habang kunot noong tumingin samin

"Sabay kami ni Kai pumasok dahil magkakapit bahay lang kami, alas-tres kami pumasok" sabi ni Zander

"Alas tres din kami pumapasok pero mas nauuna sila" sabi naman ni Cris na sinangayunan ni Cain kaya tumango si Drake habang si Hazel ang nagsusulat sa maliit na notepad

"Yun lang ang tanong namin" sabi ni Drake "Mag-ingat ka Agatha ah?" sabi ni Kai kaya tumango ako at ngumiti bago kami umalis

"Ayaw ko ang paraan ng pagtingin sayo ng Kai at Enrique na yun" sabi ni Trinity kaya napakunot noo ako "Bakit naman?" tanong ko

"Kai looks at you like you are the most precious thing in the world and Enrique looks at you like your the hottest woman in the world and that's how a playboy thinks!" sabi ni Trinity at umirap kaya natawa ako

"Kung ano-ano na lang ang na papansin mo Trinity" sabi ko at umiling "I'm just telling the truth" sabi niya at nagkibit balikat

"By the way, tiningnan ko kahapon ang locker ni Agatha and for the meantime walang bakas na may nagbubukas nun" sabi ni Hazel

"May ibang tao pa ba na may alam ng susi sa mga locker ng school?" tanong ni Drake "Si Nathan lang ang may duplicate key ng locker ko eh" sabi ko

"Ang janitor may mga duplicate keys siya na nagbubukas ng locker tuwing linilinisan niya yun" sabi ni Gabriel

"Pero hindi na nila ginagawa yun, remember last year? Ninakaw ng janitor ang mga underwear ng babae at personal things dahil sa duplicate key kaya hindi na nila yun inulit" sabi ni Drake

"Sabagay" sabi ni Gabriel at nagkibit balikat "Sa ngayon, mag-attend na muna tayo ng klase natin at ipagpatuloy toh mamaya" sabi ni Nathan kaya sumangayon na lang kami.

[Nathan's Point of View]

Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan "Siya ang pinaghinalaan niyo diba?" sabi ni Gabriel kaya tumango kami, the stalker is so easy to read pero nagmamaang-maangan pa siya

"Paano natin siya ibubuking?" tanong ni Trinity

"We are using a bait and let him introduce himself" sabi ko kaya tumingin sila sakin at sumangayon, patay ka sakin na lalaki ka.

[Agatha's Point of View]

From: Nathan

Pumunta ka sa rooftop, may sasabihin ako sayo.

Kumunot agad ang noo ko pagkabasa ko ng message, ano naman ang sasabihin niya sakin? Pwede naman sa bahay niya sabihin diba? Baka importante?

Inayos ko ang gamit ko bago lumabas ng classroom at umakyat sa rooftop, binuksan ko ang pinto at sinara ulit yun pero bumungad agad sakin ang isang lalaki na nakatalikod sakin

"Nathan?" pagtawag ko, hindi yan si Nathan, hindi ganyan ang body built niya "Agatha" sabi niya at unti-unting humarap sakin kaya agad nanlaki ang mata ko

"Kai?" sabi ko kaya tumango siya "I miss you" sabi niya kaya bigla akong kinabahan "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, nasan na ba si Nathan?!

"You wanted to meet me right?" sabi niya at ngumisi kaya napaatras ako "Your still so beautiful as I remembered" sabi niya at kinabahan ako ng maramdaman ko na tumama ang likod ko sa pader as he cornered me

"Can't you remember me Agatha? Kasi hindi kita kinalimutan" sabi niya at hinaplos ang buhok ko "K-Kai? Ikaw ang stalker ko?" sabi ko

"I'm always am, unang kita ko pa lang sayo sinundan na kita" sabi niya at tumawa, it can't be.

Siya yung Kai na tinulungan ko nung Grade 7 ako? Nakilala ko si Kai three years ago pero nerd siya nun at karaniwan ay binubully siya.

I suggested that we change him at ganun nga ang nangyari, I changed him and he became a heartthrob in an instant pero kailangan namin umalis nun kasi naglipat kami ng bahay pero hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit and worse obssessed stalker ko pa

"I love you Agatha and I hate how that Harris hold your arm because your body and soul is all mine" sabi niya at ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko at inaamoy-amoy pa ang leeg ko that sent shivers down my spine

"Your a freak" sabi ko at tinulak siya ng malakas pero hindi siya nagpatinag at nanatiling nakahawak sa braso ko

"You don't know how angry I am when rumors spread na girlfriend ka daw ng bwisit na Nathan na yun 'cause you are only mine since the beggining" sabi niya kaya kumabog ang puso ko sa kaba at takot

"Your hurting me Kai" sabi ko at napangiwi "You are caught in the action Kai De Leon" biglang sabi ng isang tinig kaya humiwalay sakin si Kai at nanlalaking mata na tiningnan ang nagsalita at agad akong napaupo sa sahig ng makita ko si Nathan na may hawak na camera

"I can show this to the President and you'll be kicked out in no time" sabi ni Nathan at ngumisi

"Agatha is mine and mine alone! I'll show you that she is mine" sabi niya at pilit akong pinatayo bago linapit ang mukha niya sakin, is he going to kiss me?

Sinubukan kong tulakin siya pero hindi siya nagpatinag and in lightning speed he was now on the floor at nagulat ako ng hawakan ako sa braso ni Gabriel na siyang sumipa kay Kai

"You freak! Bastard! Jerk!" sigaw ni Trinity habang sinisipa-sipa si Kai sa tigiliran kaya napangiwi ako "Okay ka lang?" tanong ni Gabriel kaya tumango ako

"Sorry kailangan namin gawin toh para mapaamin siya" sabi ni Drake, so they made me a bait?

Yung takot at kaba ko kanina ay napalitan ng galit at tumingin kay Nathan tsaka nginitian siya.

How dare they made me bait without me knowing?!

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon