♠112♣

71 3 0
                                        

What to do?

What to do?

What to do?

ANONG GAGAWIN KO?!

I'm having a major break down ngayon, wala naman kasi nakapagsabi na may ginagawang ganito ang St. Pristine eh!

"Calm down Agatha" pagpapakalma niya sakin "Anong calm down? Bakit kasi hindi mo sakin sinabi na kasama ako sa bwisit na Campus Royalties na yan?" sabi ko

"Nagkaroon ng campus poll kagabi at akala ko nabalitaan mo na pero hindi ka sumasagot ng cellphone" sabi niya, nasa gubat kami kagabi kaya paano ko naman masasagot ang phone ko? "Sino ang mga kasama?" suko kong tanong

"Eto oh" sabi niya at pinakita sakin ang cellphone niya "Naka-post yan sa website ng school" sabi niya, speaking of website, hindi ako masyado updated sa mga balita ng school.

Ang mga tiningnan ko lang ay ang mga kilala ko and luckily nakasama kami lahat pero nagulat ako sa posisyon ko

"Alam mo bang kayo lang ng bagong transferee ang nakasama sa Campus Royalities kaya ang mga inggetera galit" sabi niya at tumawa.

ST. PRISTINE's CAMPUS ROYALTIES

JUNIOR AND SENIOR
CATEGORY:

CAMPUS KING:
LYSANDER EVERGREEN

CAMPUS PRINCES:
WILLIAM EVERGREEN
NATHAN ISLE
CHARLES WILHEILM
GERALD CASTRO
TYRON JORDAN
TYLER JORDAN
DRAKE ADAMS
GABRIEL WINSTON
HIRO KUROSAWA

KING OF THE COURT:
BILLY SMITH

KING OF ACADEMICS:
LYSANDER EVERGREEN

CAMPUS BADBOY:
ZACHARY MONTENEGRO

CAMPUS PLAYBOY:
GERALD CASTRO

CAMPUS QUEEN:
AGATHA WARD

QUEEN BEE:
DANA FERRER

GOSSIP QUEEN:
ADRIANNA KIM

CAMPUS PRINCESSES:
KATHIE GOMEZ
TRINITY HEMSWORTH
HAZEL WINSTON

CAMPUS NEWSCASTER:
CASEY McMURPHY

QUEEN OF THE COURT:
TRINITY HEMSWORTH
BILLIE DAM
GRACE PERYA

Teka nga! Tama ba tong nakikita ko?! Naka-partner ko si Lysander? "Galit na galit si Pia Cooper ng Grade 12 dahil kinuha mo ang posisyon niya bilang Campus Queen" sabi niya

"Grabe naman kasi ang kaartehan ng school! Para saan naman kasi toh?" sabi ko "Irereto ka sa harap ng mga tao and anyone who has the highest bid gets to take you out on a date" sabi niya kaya nanlaki ang mata ko

"Hindi parin nagbabago ang ranking, campus king parin is Lysander at campus princess parin si Kathie pero ang pinagkaiba lang ay ikaw na ang campus queen, congrats!" sabi niya pero hindi ko nagawang ngumiti. I'm hella pissed, ano kami mga Grade 7 para magkaroon pa ng ganito?

Pero kung iisipin mo mas mabuti ng ganito kesa sa isang beauty pageant pero kahit na! Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko yun.

From: Anghel

Pumunta ka daw dito. May pinadala nanaman ang unknown number na video.

Nag-seryoso ang mukha ko at tinago ang cellphone "Apple mauna na ako ah?" sabi ko kaya tumango siya bago ako umalis.

Ano nanaman kaya ang kailangan niya? But I'm still pissed sa nangyari! Why does this have to happened to me? Padabog kong sinara ang pinto ng clubroom at umupo katabi ni Gabriel

"Okay ka lang Agatha?" tanong ni Trinity "Nakita mo na ba Agatha? Campus Queen ka" mas lalo akong nangiyak ng sabihin yun ni Gabriel

"Ayokong sumali" sabi ko "Okay lang yan, surely Nathan will buy you" sabi ni Trinity kaya hindi ko mapigilan mapanguso

"Parang sinasabi mo naman na bayaran akong babae" sabi ko at nagsimangot kaya natawa siya

"Every year na kami nakasali diyan since nag-first year high school, binibili lang namin ang isa't-isa" sabi ni Trinity "Magaganap daw ang reto mamayang alas-otso ng gabi" sabi niya

"Hala! Paano yan? Diba may plano tayo mamayang gabi?" sabi ko "Yun nga eh, baka tumagal hangang alas-dose ang pagrereto" sabi ni Drake kaya natahimik kami then I remembered why I'm here

"Ano nga pala yung ipapakita niyo?" tanong ko "Eto, may nagsend sakin nito kanina lang" sabi ni Drake at pinakita sakin ang laptop niya at plinay ang video.

Makikita mo ang lalaki dati na naka-kalo at kalahati ng mukha niya ay hindi makita dahil sa shadow "Mamayang gabi ay full moon at alam niyo ba kung ano ang ginagawa ng mga hari noon tuwing buo ang buwan?" sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko

"Umiinom ang mga hari ng masarap na alak. Mamayang gabi habang buo ang buwan, maraming mamamatay. I'll give you a toast kung napigilan niyo" sabi niya at humalakhak bago natapos ang video

"Anong plinaplano nila?" tanong ni Trinity "Manghohostage nanaman ba sila?" sabi ni Gabriel kaya umiling ako

"Nandun si President Maxwell, hindi nila kakayanin na mapabagsak ni President Maxwell" sabi ko at bumuntong hininga "Excuse me" pagpapaalam ko at mabilis na lumabas ng clubroom.

Maraming mamamatay mamayang gabi, ano nanaman ba ang plinaplano nila? Kung gagawin nila yun then dapat hindi yung masyadong halata, sniper? Assassination?

Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Hiro Kurosawa sa garden ng school na mukhang malalim ang iniisip, ano naman ang problema niya? Napagisipan kong lapitan siya

"Hiro" pagtawag ko sa kanya "Naiinis ako" sabi niya habang hindi ako linilingon kaya kumunot ang noo ko "Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong

"It was just sugar coated words but why did it put me in a huge stop?" sabi niya at liningon ako pero nanatili akong tahimik

"Dapat mainis ako.." sabi niya at kumuyom ang kamao niya "Pero yun ang kinakainisan ko! Bakit hindi ko magawang magalit?" sabi niya at napahilamos

"Tell me Ms. Ward.." sabi niya at seryosong tiningnan ako sa mata "I've perfected everything my father tells me to do pero bakit sa pinapagawa mo sakin hindi ko man lang magawa?" sabi niya at ginulo ang buhok

"Paano ko magawang ngumiti para maging sapat sayo ah?" sabi niya kaya hindi ko na napigilang matawa "Bakit ka tumatawa ha?" singhal niya sakin

"Dahil hindi yun ginagawa.." sabi ko na nagpatigil sa kanya "Dinadama yun Hiro" sabi ko at tinuro ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya "Tell me.." sabi ko at sinuri ang mukha niya

"What does true happiness means?" sabi ko and I saw him stilled "Tss, nonsense" sabi niya at nag-walk out kaya nakangiting tinanaw ko ang papalayo niyang likod. A boy who thinks that happiness can be mastered is a broken one.

A boy who doesn't even know the true meaning of happiness. Napabuntong hininga ako at mapait na ngumiti. Naalala ko ang sarili ko sa kanya.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon