Chapter 14

748 12 7
                                    

Richard

"In one condition..."


"Anong kundisyon?"


"Magiging akin ka kahit dalawang linggo lang.Pagkatapos nun hindi ko na kayo guguluhin at magpapakalayo na ako just give me two weeks."Pagmamakaawa nya."A-at hindi ko na guguluhin ang anak ko, hahayaan ko na sya sayo dahil alam kong hindi ko syang kayang buhayin."


Napasandal naman ako sa upuan ko at napbutong hininga.Dalawang linggo lang naman hindi naman ganoon kahaba.Siguro maayos na ito.


"S-sige.Pero sana walang makakaalam nito, kahit sino."


"Kahit ang asawa mo?"Tanong nya saakin.


"O-oo!"


Kaagad syang tumayo at mabilis na kumandong saakin patagilid at pinalupot ang kamay sa leeg ko."Thank you!"At kaagad akong hinalikan sa labi.


Pilit ko namang inilayo ang sarili ko sakanya at pilit sya itinulak."A-alex."Pero nagmamatigas sya.Kaya malakas na pwersa ang nailabas ko kaya napatayo sya at napatayo rin ako.


Gulat na gulat syang napatingin saakin.


"S-sorry, you can leave now, tatawagan nalang kita sa lunes."


Inaayos naman muna nya ang sarili nya, ang maiksi nyang skirt at nag aalinlangang tumango."S-sige."and she tried her best to smile at me.


Nang makalabas sya ay parang nanlumo akong bumalik sa kinauupuan ko at napasapo ng sariling noo.


Tama ba itong ginagawa ko? Pero para sa pamilya lahat gagawin ko kahit pa magkaroom ulit ako ng kasalanan.Hindi pa nga ako sigurado kung napapatawad na ba ako ng Panginoon sa nagawa ko dati at ito nanaman.


Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwa si Sandra.


"Sandra, wala naman akong gagawin ngayon diba?"


"Yes, doc."


Tumayo naman ako at kinuha ang cellphone at susi ng kotse."Sige, I have to go medyo sumama kasi ang pakiramdam ko."

Habang naglalakad ako palabas ng hospital ay hindi parin mawala sa isip ko ang inalok nya at ang sinagot ko.Nangyari na ito dati, niloko ko ang asawa ko.Pero ang pinagkaiba lang ngayon ay ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko.Pamilyang hindi ko kayang mawala saakin pamilyang hindi ko kailan man ipagpapalit sa kahit ano mang bagay, pamilyang pilit ko buohin ulit...

Habang papasok ako ng bahay ay naabutan ko silang Apat na masayang nanonood ng telebisyon.Kaagad silang nagsilapitan saakin at isa isang humalik sa pisne ko.I tried to smile, ayaw ko namang ipakita sa mga anak ko na malungkot ako.

"Si Mama?"Tanong ko kay Sam na huling humalik sa pisnge ko.

"Nasa kwarto po, nagpapahinga."

"Sige, puntahan ko muna sya."Sabi ko.

Nang makapasok ako ay kaagad ko syang naabutan sa may sofa na natutuwang nakatuon sa telepono nya at mukhang may nakakatawang pinapanood.

Napangiti naman ako at tila nawala ang matagal kong iniisip kanina pa.

"Hi mama!"

Napadako naman ang tingin nya saakin at kaagad na itinabi ang telepono nya at tumayo para salubungin ako ng yakap at halik.

"Hi love.How was your first day in the hospital?"

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon