Chapter 27

168 7 8
                                    

Richard

Karga karga ko sya at hinihili habang nakahawak sa feeding bottle nya.And I start humming a song.Kanina pa itong umiiyak pero nung kunin ko sya sa yaya nya ay tumahimik na."Gusto mo talaga si papa, ano."Kausap ko sa kanya.

Ayan, nakatulog na ulit.Dahan dahan ko syang inilapag sa kama at inayos ang mga unan sa gilid nito.Hinalikan ko sya sa noo at pinagmasadan.Inilapit ko naman ang ilong ko sa may bibig nya at inamoy ang hininga nya.Ito ang paborito kong gawin sa tuwing natutulog ang bunso ko.Inaamoy ko ang hininga nyang amoy gatas.

Napangiti naman ako ng bigla syang ngumiti habang natutulog.

Nandito ako ngayon sa kitchen.Gusto ko lang silang lutuan ng paborito nilang pagkain.Javi loves Carbonara, Samantha loves tenderloin, Belle loves steak medium and Matthew loves just any kind of seafoods.

"Pa, anong meron?"Masayang tanong saakin ni Sam habang nakatingin sa mga hinanda ko.Parating narin ang tatlo sa mesa.

"Wala...matagal tagal na rin kasi nung huli kong kayong nilutuan ng mga paborito nyo.Maupo kana."Kaagad naman nya itong sinunod.

"Wow! sarap naman nyan, dad."Sabi ni Belle habang umuupo at mukhang excited.

"Carbonaraaaa!!!"Tumatakbong sabi ni Javi habang nahihirapan na sinundan ng yaya.

"Be careful!"Paalala ko dahil nagsimula nanaman syang lumikot."Yaya, ako ng bahala sa kanya."

Naka airphones lang naman si Matthew at mukhang walang balak na purihin ako at diretso lang syang naglakad sa pwesto nya.

Na kay Javi ang buong atensyon ko.Sinusubuan ko sya habang ang tatlo naman ay abala lang sa pagkain."Ang sarap mo naman magluto!"Nakangiti puri saakin ni Javi.Ngumiti lang naman ako at sinubuan sya.

"Ahh, mga anak."Napalingon naman sila saakin at pati si Javi ay nakinig na rin."Aalis kasi ako-"

"What? saan?"Belle.

"Outside the country."

"What for?"Sam."Kung business, Pa, pwede naman sigurong ipagliban na muna.Mama needs you lalo na ngayon na unti unti na syang lumalakas at sabi ni Tito Vince anytime magigising na talaga sya."

"No, it's not business."

"Then, para saan? trip mo lang, ganoon?"Matthew.Hindi ko nalang sinagot baka humaba nanaman ang sagutan namin.

"It's for your own good."

"W-wait, I don't really understand, daddy."Belle."I mean, Tita Rachel needs you at ngayon ka pa po aalis?"

"I'm doing this para sainyo, para sakanya.Kung mananatili ako dito sa tabi nyo puro sakit lang ang maidudulot ko at ayaw ko ng ganoon."Lahat sila nakakunot noong nakikinig saakin.

"Are you doing to leave us?"Tanong ni Javi.Bigla namang magtubig ang mata ko at pilit kong hindi umiyak sa harap nila.

"H-hindi, Jav-"

"Aalis ka, edi ganoon na rin yun.Iiwan mo kami.Bakit? magkikita ba kayo ng Alex na 'yon, that's why aalis ka?"Matthew.

"No! wala nang ibang taong involve dito, ang saakin lang, can't you see?Nasira ko nanaman! sinira ko nanaman.sige, tanungin ko kayo.Gusto nyo bang maulit ito? hindi diba, kaya aalis ako dahil puro sakit lang ang dala ko.Naintindihan nyo ba ako? mahal ko kayo! lalo na ang taong naghihirap doon!"Turo ko sa itaas."Kaya nga aalis ako, hindi para saakin kundi para sainyo at sa mama nyo."

"Ang ibig mo bang sabihin, tatakasan mo ang maling ginawa mo? dahil alam mong magigising na si mama."

"Kuya, can you just please shut up!hindi ka nakakatulong!"Sigaw ni Samantha."Mali na kung mali ang nagawa nya, pero pwede naman sigurong respetuhin?pwede?kahit kaunti lang kahit katiting lang, ibigay mo yun sakanya kahit ngayon lang sa usapang ito."

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon