(Mas maganda kung may tugtog🤓)
Richard
"Grabe tsong! ang ganda na sana nun pinakawalan mo pa!"Janny.
"Alam mo kasi itong si Ricardo, hawak na nya pinakawalan pa!Ang laking tanga!"Yeoj.
"Hindi ko naman tipo yun!"Balik sigaw ko sakanya.
"Hindi tipo, pero kong makatitig ang lagkit!"Janny.
Naging malabo ang pandinig ko ng may umagaw ng atensyon ko."R-rachel."
Napatayo naman sya kaagad."R-richard?"
Akala ko sasampalin nya ako o mumurahin pero kaagad nya akong niyakap sa leeg.
Hindi ko naman mapigilan ang luha ko na tumulo at mapangiti.Narinig ko ang pag iyak nya.Kumalas naman sya at humarap saakin.Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko at para bang sabik na sabik na tinignan ang kabuohan ng mukha ko.
Nagulat ako ng hinalikan nya ako sa labi ng paulit ulit at yumakap ulit sa leeg ko."Hayop ka!"Humarap sya saakin at kaagad akong sinuntok sa may pusonan.
Lahat naman sila nagulat sa ginawa ni Rachel."Ah!"Sigaw ko dahil ang lakas talaga ng pagkakasuntok nya.
"Tol okay ka lang, tol?"Narinig kong nag aalalang sabi ni Janny.
"Ang bakla mo naman, Ricky!"Yeoj.
"Gago!"Sabi ko sakanya.Pilit ko namang pinatuwid ang pagkakatayo ko habang hawak hawak prin ang puson ko.
"Bagay yan sayo! Umalis ka ng walang paalam."Cross-armed at nakataas kilay nyang sabi.
"Nagpaalam ako..."
"Nagpaalam? wala ka na nung pag gising ko at halos mabaliw ako dahil akala ko nakasama ka na doon sa Eroplanong sumabog!"
Nang unti unti ng mawala ang sakit ay hinawan ko sya sa balikat."S-sorry, pero nagpaalam talaga ako sayo."
Nakita ang pag iyak nya."Akala mo ba madali para saakin yon?Gabi gabi akong umiiyak, alam mo ba 'yon, iniwan mo saakin ang limang anak mo."
Pinunasan ko naman ang luha."Sorry, Kailangan lang talaga."
"Ano sa tingin mo, nakakatulong ang pag alis mo?!"
"Maybe?"
Napaatras naman ako at pilit na pinoprotektahan ang sarili ko dahil pinaghahampas nya ako."Rachel!"
"T-teka! ano ba kayo?"Naguguluhang tanong ni Amy.Napatigil naman si Rachel sa kakahampas saakin at napatingin kay Amy.
"We're friends."Nakangiting sagot ko kay Amy.
"Friends?!Narinig ko sabi may limang anak kayo, tapos friends lang?!"Sigaw ni Cyntia.
"Kahit hindi nga magkaibigan nakakabuo eh!"Yeoj."Hindi malabo yun, Cynthia!"
"Paano yun, bespren?"Janny.
Nginitian ko lang naman sila ng nakakaloko.Napatingin naman ako kay Tita Minerva na naguguluhan rin at napasapo sa noo.
"Dyan ka na nga,"Irap saakin ni Rachel."Tara na, Bet, sabihin mo kay manong babalik na tayo ng mani-"
Hinawakan ko naman sya sa kamay.At pinaharap saakin."Joke lang eh!"Sabi ko.Inirapan lang naman nya ako."Ito naman hindi na marunong tumanggap ng biro."
"Mag asawa ba kayo, hijo?"Tanong ni Tita Minerva.
"Dati po, hindi na ngayon-"
"Hindi na talaga nakakatawa."Seryosong sabi niya at akmang aalis na sana sila ng pigilan ko sya.
"May iniwan akong annulment, diba?"Bulong ko sakanya.
"Pinunit ko."Tumango tango naman ako.
"Ay hindi pa pala, tita.Soon po."
Malditang tinignan lang nya ako at lumabas."Hoy! joke lang!Rachel."Napakamot nalang ako ng noo at pilit na hawakan ang kamy nya pero inilayo nya ito.Hanggang sa makalabas kami ng bahay ay nakasunod parin ako sakanya.
Kinuha naman ng driver at ni Bebet ang mga gamit nila at ipinasok ito sa kotse.
"Rachel."Sa wakas at nahawakan ko ang kamay nya.Pinaharap ko sya at sya naman itong nakasimangot at umiiwas ng tingin.
"Yan ba ang napala mo sa isang taon na pagtira dito?"Irap nya saakin."hindi kana makausap ng matino."
"Hindi naman, nagbibiro lang ako."
"Then why are you saying those?Ayaw mo na saakin?"
Napakamot naman ako ng batok."Hindi.Alam kong alam mo na."
"Oo, makikipaghiwalay ka dahil ayaw mo na akong masaktan?Do you think hindi ako masasaktan?Ha?"
"Rachel kasi...sobra kitang nasaktan, hindi ko naman-"
She gave me a smack kiss."Alam ko na, naintindihan ko.Hindi mo na kailangang magpaliwanag."
"Sana mapatawad mo pa ako."Nakatungong sabi ko.
"Pinapatawad na kita..."
Napatingin naman ako sakanya."Talaga?"
Tumango sya."Oo, kaya huwag ka ng mag inarte.Kahit pa bigyan mo ako ng isang libong annulment, hahabulin at hahabulin parin kita kasi mahal na mahal kita."
"Mahal kita, kaya lang......natatakot akong masaktan ka at ang mga bata...Baka makagawa nanaman ako ng pagkakamali na ikakasakit ng damdamin mo, ayaw ko ng ganoon.ayaw kong nasasaktan kayo."Nanginginig boses kong sabi."Kaya lumayo ako..."
Ngumiti sya at hinawakan ang isang pisnge ko."Lahat naman tayo nagkakamali, hindi natin maiiwasan yon.Kung magkakamali ka edi sabay nating harapin, hindi mo naman kailangan lumayo saamin."
She cup my face."Asawa mo ko, kasama ako sa lahat ng laban mo, Nandito lang ako parati.Hindi kita iiwan.Huwag mo rin akong iwan."
"Mahal na mahal kita."At hinalikan ko sya sa labi.Na kaagad naman nyang sinagot.
"Ahem!"Napalingon naman ako kay Yeoj ag nakita ko silang lahat na nakatitig saamin pati ang driver at si bebet.
Hinalikan naman ako ulit ni Rachel at para bang sabik na sabik talaga sya saakin.
"Aheeeemmmm!aheeeeeeemmmm!"Janny.
Yumakap naman si Rachel sa leeg ko at isiniksik ang mukha sa likod ko.
"Ayieeee okay na silaaa!"Panunukso ni Janny.
"Sana ako din, tsong!"Sigaw ni Yeoj.
"Edi kayo na may love life!"Cynthia."Mommy, gusto ko din ng ganyan."Yakap nya sa braso ni Tita Minerva.Si Amy naman nakangiti lang na nakatitig saamin.Natawa naman ako.
Pilit namang nilayo ni Tita ang braso nya."Oh sya pasok na muna kayo at bakit ba nandyan kayo sa labas!"Sabi ni Tita.Nagsipasukan naman silang lahat.
Nakalambitin parin sya sa leeg ko.Ibinaba ko naman sya."Bakit ka nga pala napadpad dito?"
"Pinapunta ako ni Daddy para echech daw ang lugar kung pwede bang gawan ng Bar at wala kaming mahanap na hotel lahat fully booked.Sabi naman ni manong may pinsan daw sya dito si Tita Minerva kaya dinala nya kami dito."
"Hanggang kailan ka dito?"
"One month, ewan ko nga kung bakit one month.Naiwan ko tuloy si Lia."
Napangiti naman ako.The last time I saw my baby girl isang buwan pa lang sya.Namimiss ko na rin ang apat.Ako din kaya na miss nila?
"Oh ba't natulala ka nalang dyan?"
"Wala... namiss ko lang silang lima."
Pinagsikop naman nya ang mga kamay namin."Tara sa loob natin yan pag usapan."Hila nya saakin.
I miss this...
****************
Ang corny!