Rachel
Nandito kami ngayon sa dining, kumakain ng hapunan.Ruben is not around dahil may inuman raw sila kasama mga dating kaibigan nya.Si James naman umuwi ng probinsya panandalian para bisitahin ang pamilya kaya kami lang talang anim dito.
Narinig naman namin ang paang tumatakbo palapit saamin at yun ay si Javi na may nakasunod na yaya.Habang kumakain ay biglang nagsalita si Matthew.
"Javi, ba't ang tagal mo? saan ka ba galing?"Ito nanaman ang panganay nag fefeeling ama nanaman sya sa mga kapatid nya.Nakikinig lang naman sakanila si Richard habang kumakain.
"Sa Japan 3rd floo!"At malakas na tumawa.Nagulat naman kaming lahat sa sagot nyang yun at natawa nalang at pati si Richard ay humalakhak na rin.
"Kuya! may katapat na sayo!"Natatawang pang aasar ni Sam sa kapatid.
"Javi, lagot ka mamaya."Belle.Nagkamabutihan na silang apat kaya.
Si Matthew naman ay nananatiling nakasimagot sa hindi magandang sagot ni Javi."Javi, saan mo natutunan nyan ha?"Natatawang tanong ni Richard sa anak.
Bigla namang sumimangot si Javi ng makita ang kuya nyang galit nanaman sakanya."Tito Ruben.Mama si kuya!"Turo nya kay kuya nya dahil natatakot na sya sa mukha nito.
"Matthew! tama na yan."Saway ko.
"Javi gave me an idea, why dont we go to Japan? para naman makapag relax tayo."
"Are you sure?"
"Yes, kahit one week lang.Para na rin makapag relax ka at si baby."
Kaagad naman silang na eexcite maliban kay Belle.
"Belle anak? bakit hindi ka masaya?"Tanong ko.
"P-po?ay! masaya po ako para sakanila."Nakangiting sabi nya.
"Sakanila? eh bakit ikaw hindi ka ba masaya pupunta tayong Japan."
"Po? kasama po ako?"
Tumawa naman ako."Oo naman! tayong lahat!"
Bigla namang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito."Thank you po!"
Nakangiting napasulyap naman ako sa asawa ko na nakangiti rin.
We're already here in Japan, at pahinga na muna ngayon dito sa hotel dahil kararating lang namin.Si Sam, Belle at ang yaya ni Javi ay kasama sa isang room.Si Matthew at Ruben naman ay magkasama at si Javi ay dito saamin.At yun ang kinakalungkot ni Richard at parang batang umuungot dito sa tabi ko ngayon.
"Pwede naman syang kina Ruben eh!"At niyakap nya ang braso ko.
Malayo naman si Javi saamin at abala ito kakalaro ng iPad nya.
Kaagad ko namang tinggal patulak ang braso ko."Ano ba! bakit ayaw mo makasam ang anak mo?"
"Hindj naman sa ganun, kaya lang alam mo na-"
"Magsitigil ka! kararating nga lang natin."
Napatingin naman kami kay Javi na lumalapit saamin habang daladala ang iPad nya."Mama."
"Yes, anak?"Yumakap naman sya saakin at inisiksik ang mukha nito sa dibdib ko.
"Why?"Malambing na tanong ko.