Samantha's Point Of View

234 5 0
                                    

(This is the point of view of Sam sa simula palang, may mga nakaraang scene na nabago ko na nandoon sa first book na nandito sa pov nato because I was'nt able to change the first book kasi nga hindi ko na oopen yun.Yun lang po hehe.)



"Sam, nak, gising na."Nagising ako dahil sa malakas na boses ni mama, umalis na si mama may gagawin pa siguro 'yon.Kahit na inaantok pa ay tumayo ako at inayos ang higaan ko.Naligo ako at nag ayos nang sarili ko.Tinuruan na ako ni mama kung paano maghanda ng almusal ko dahil araw araw syang marami syang ginagawa at hindi na nya ako naasikaso.Sabi ni mama saakin mas maganda yung marunong ka sa gawaing bahay para hindi kana umaasa sa kahit na sino.

Marami kaming pagkain ni mama dito sa kwarto namin, yung katulad ng kay Belle.Nagtataka nga ako kung bakit kami pareho ng pagkain eh, ang sabi naman ni mama ganoon daw sila kabait at pati kasambahay nila ay pareho ng sakanilang kinakain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labas ng bintana kaya hinawi ko ang kurtina at nanood sa labas habang kumakain.Nakita ko ang Daddy ni Belle na nakatayo sa may garden habang naninigarilyo minsan rin naabutan ko syang umiinom dyan ng alak.Minsan ko lang sya makita dito sa bahay ng ganitong oras din, siguro dahil doktor sya.Sabi saakin ni mama iwasan ko raw na lumapit sakanya dahil mahilig sya manigarilyo eh may hika paman din ako.

Nararamdaman nya sigurong nakatingin ako sakanya kaya nilingon nya ako.He smiled at me.I smiled back at him.Kinawayan nya ako pero hindi ako kumaway, nahihiya ako.Nakita ko na pinatay nya ang nakasindi nyang sigarilyo bago lumapit saakin.Mahinang kumatok sya sa bintana kaya binuksan ko.Wala naman si mama eh.

"Hello."

Ngumiti lang ako.Hindi pa ako tapos kumain.

"Is that your breakfast?"

"Y-yes."Tumango ako habang ngumunguya ng cereal.Ngayon lang kami nakapag usap.

"Bakit nag cecereal ka lang? You should eat some rice and bacon or eggs, hotdogs."

"Kadalasan po ganyan breakfast ko, ngayon lang ako nag cereal.Hindi papayag si mama."Tumango tango lang sya habang nakangiti saakin.Sa sobrang tangkad nya abot na abot nya ang dulo ng bintana ng kwarto namin.

Nahihiya akong kumain pero pinagpatuloy ko."W-wala po kayong trabaho?"

"Bakit,"

"Wala lang po, minsan lang po kasi kita makita dito, ayaw nyo po dito?"

"Oo— oo, may trabaho ako pero ngayon wala."

Dahil tapos na akong kumain, tumayo na ako at nilagay ang pinagkainin ko sa lababo namin dito sa kwarto.

"Oh tapos kana?"

"Opo,"

"Are you not going to school today?"Nakita kong tumingin sya sa relo nya."It's already 7:15, hatid na kita—"

"Hindi po ako nag aaral."Sapaw ko.

Kita ko sa mukha nya ang hindi makapaniwala."B-bakit?"

"Walang pera si mama, tsaka bawal ako."

Kumunot ang noo nya, he was about to say something pero nag ring ang telepono nya.Sinagot nya ito."S-sige, papunta na ako."

Magtatanong pa sya sana pero baka anong masabi ko sabi ni mama huwag nga akong pakipag usap sakanya."Isasara ko na po."

Dahan dahan syang tumango at pinagmasdan akong isara ang sliding window.

Nasa hamba ako ng pintuan habang nagsimulang magwalis.Nakita ko syang iniiwasan ang pinagwalisan ko na alikabok.Kaya tumigil muna ako para makalabas sya.Nakayuko ako habang hinihintay syang makalabas pero huminto sya sa harapan ko dahil nakita ko ang sapatos nya.

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon