Ruben
Rachel is here, nakayakap kay Richard habang namimilipis sa sakit.She's wearing a hospital dress.Nag lilabor sya ngayon at masasabi ko talagang, lahat kami na nandito sa kwarto nya ay awang awa sa nakikita namin.Hindi nya kasi maintindihan ang nararamdaman nya.
Nakatayo silang dalawang habang nakayakap si Rachel sakanya.Dahil hindi na kaya ang sakit nito.Hindi pa naman pumuputok ang panubigan nya at 'yon ang hinihintay namin.
"R-richard, ang sakit."Mangiyak ngiyak na sabi nya.Ngayon ay nasa leeg na ni Richard ang mga kamay nya at hindi makatayo ng maayos.
"Shhh!"
"Make me calm down.Kantahan mo ako."Unti unti namang sumasayaw si Richard para lang kumalma sya at kinantahan ito.Nandito naman ang mga magulang nila at pati ito ay awang awa rin sa anak.
Umuwi na muna si Alice.Si John naman may shift pa dito sa hospital.And Nathalie is taking good care of Lia na muna hanggang nandito ako.dahil may pasok ang tatlo.Si Richard ay nag leave na muna nung kabuwanan na ni Rachel.
Masakit rin daw nung ipinagbubuntis nya si Javi ang sabi naman ng mommy nya ganoon talaga pag pangalawang anak pero mas masakit raw itong pang apat na ipinagbubuntis nya.Since, walang malay sya nung ipinanganak nya si Lia kaya ito ang pangatlong paghihirap nya.
Sabi naman ng doktor ay ilakad na muna si Rachel para talagang bubuka na at lalabas na ang panubigan nya.Ilang araw na syang ganito.Wala sila dito dahil ayaw ni Rachel na pupunta sila dito at makita ang paghihirap nya sa pag labor.
Ang daddy na muna ni Rachel ang pumalit kay Richard dahil kausap na muna nito ang OB nya.
"Dad..."Yakap nya sa tatay nya.
"Okay ka lang?Ganoon talaga, anak, masakit talaga.Sa pag gawa lang talaga masarap yan pero ng ilalabas muna, ayan na nga naramdaman mo na ngayon."
"Dad!"Pilit syang tumawa."Hindi ko na nga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon nagbibiro pa kayo ng ganayan."
Lumapit naman sakanya si Tita."Are you okay?Medyo namumutla ka."
Tumango naman ito.Kaagad ring bumukas ang pinto at iniluwa si Richard.mlumapit sya sa asawa nya."Dad."
"Love."Tawag ni Rachel sakanya at yumakap."Masakit."Umiiyak nyang sabi.
"Shhh, Oo, oo, I know."Pagpapatahan ni Richard dahil ayan nanaman sya umiiyak nanaman sa sakit."But Love we need to wait, okay?"
Baby boy, labas ka na.Nahihirapan na si Mama mo oh.Naiiyak nga ako tuwing iiyak sya sa sakit.
Ngayon nakahiga sya sa kama.Kagigising lang nya.Si Richard naman ay sinusundo ang mga bata.
"Nagugutom ka?"Tanong ko.
Umiling sya."Sumasakit nanaman ba?"Tanong ko ulit.
"Buong likod ko masakit."
"Gusto mong tumayo?"Tumango sya.Kay ingat na ingat kami ni Alice sa pagpapa upo sakanya.Dahan dahan naman syang tumayo at nakahawak sya sa akin at naglakad lakad.Bilin ng OB nya yan ang maglakad lakad para bumuka na yung cervix nya.
She's having a hard time sa pag lakad lakad.
"Mama!!"Malakas na tili ang narinig namin habang papasok sila ng kwarto.Si Lia buhat buhat ni Richard."I missshh you si much, mama."Yakap nya sa leeg ni Rachel habang buhat buhat parin ni Richard.
"Mama..."Bati ng tatlo at isa isa itong humalik sa pisnge.Binigay naman muna ni Richard saakin si Lia.
"R-richard."Napalingon naman kaming lahat.
"Bakit?"Nag aalalang tanong nito.
"Ahhh!"Sigaw nya and there we saw a flowing water on the floor.Pumutok na ang panubigan nya."My water just broke!"
Richard
"Rachel, don't stop!"Galit na sigaw ng doctor."Na stock na sa leeg ang bata! push! Rachel, mamatay ang bata kung titigil ka sa pag ere!"
Nandito kami ngayon sa Delivery room at mag lilimang oras na kami dito sa loob.
"Love, sige na."Sabi ko habang hawak hawak ang kamay.
"Hindi ko na kaya..."
"Rachel! I said push!"Sigaw ng doctor na kaagad namang sinunod ng asawa ko.Naiiyak na rin ako dito dahil sobrang nahihirapan sya.
And here it is, we heard a baby crying.Kaagad na inilagay ito sa dibdib ni Rachel.
"Baby ko."Naiiyak nyang sabi at pati na rin ako ay nakangiting tumutulo ang luha seeing our baby boy.
Kaagad ko syang hinalikan sa labi."I love you!"
Pinalabas na muna ako ng doctor dahil lilinisan pa nila ang bata at si Rachel.Kaagad nila akong sinalubong pagkalabas ko.
Lahat sila nag hihintay.Niyakap kaagad ako ni mama."How's Rachel?"
"Okay na po na sya."Nakangiting sabi ko.
Nandito kami ngayon sa kwarto habang nakaupo si Rachel sa kama habang nasa mga bisig nya ang new born baby boy namin.
"Mama, he is so cute!"Sabi ni Sam habang nakadungaw sa kapatid nya.
"Oo nga eh, para ngang kamukha ko."Segunda ni Matthew at sinuklay pa ang buhok gamit ang daliri nya dahilan ng pagtawa namin.
"Saakin kaya sya nagmana!"Sunod naman kaagad ni Javi na ngayon ay nagkainitan nanaman sila ng kuya nya.
"Magsitigil nga kayo, walang ibang kamukha si Baby kundi ang mama nyo.Kayong apat kamukha ko!"Natatawang sabi ko and yes, kamukha ni Rachel ang bata at yun ang ikinatuwa nya dahil sa wakas may kamukha na rin daw sya.
Si Lia naman ay tahimik lang habang akbay akbay ng mama nya.Tahimik lang talaga yan.
Nakangiting nakatitih ako sa mag iina ko at masasabi kong salamat panginoon.Wala na akong ibang hihilingin pa kundi sila lang.Mahal na mahal ko sila.
**********************
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
FanfictionTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM