Rachel
"Sa hospital-"
"Sinungaling!"
"Sabi ng sekretarya mo kumakain ka, tapos hospital ang sagot mo? wrong!"
Natawa naman ako hitsura nyang takot na takot.Kaagad ko syang niyakap sa beywang."Joke lang love."
Naramdaman ko naman ang malalim nyang paghinga."Akala ko galit ka saakin eh."
Humarap ako sakanya."Bakit naman ako magagalit? may ginawa ka ba saakin? wala naman eh!"Nag tip toe ako at hinalikan sya sa labi ng mabilis at yumakap ulit.But I smell something.
Amoy babae.
Kaagad akong napahiwalay sakanya.And he gave me a questioning look.
"Bakit amoy babae ka?"Nakataas kilay kong sabi.
"Ha?"At dali dali naman nyang inamoy ang sariling shirt nya.
"Niloloko mo ako? nambababae ka? kailan pa?"
"hindi! nagp-punta kasi ako sa m-mall balak ko sanang b-bilhan ka ng perfume at nag testing ako pero naisip ko mas maganda kung magkasama tayo."
Kaagad naman nyang hinubad ang polo nya at inagbayan ako."Bakit gising ka pa, late na."Malambing nyang tanong saakin.
"hindi kasi ako makatulog."Nakanguso kong sabi.
mabilis nya akong hinalikan."Okay, matulog na tayo, hmm?"
Nandito ako ngayon sa kusina.Gusto kong magluto ng umagahan para kay Richard.Kasama ko ngayon si Ruben.
"Aw!!"Hiyaw ko ng madaplisan ang daliri ko ng kutsilyo."Aray!"
Nagmadali namang lumapit si Ruben saakin na halatang kagagaling lang uminom ng tubig dahil may dala syang baso."Anong nangyari?"
"Nadaplisan lang."
Tinignan nya naman ang daliri ko.Nakita ko kung paano sya nag panic."Juskooo! alam mo namang nagpapanic ako kapag nakakakita ako ng dugo."
Mukhang malalim kasi ang sugat ko dahil walang tigil na pagdurugo nito."Yaya! kumuha ka nga ng first aid kit!"Sigaw ni Ruben.
"Ma! what happened!"Narinig naming sigaw ni Matthew habang nagmamadaling bumaba ng hagdanan.
Nagsibabaan naman ang tatlo at nag aalalang lumapit saakin.
Kaagad namang naghanap si Ruben ng pantakip nito.
Naghubad ang anak ko at dali dali nyang itinakip ang white tshirt nya sa daliri kong kanina pang nadudugo."Aray!"Sigaw ko dahil napapalakas ang pag hawak ni Matthew.
"Anong nangyari!"Tumatakbong sabi ni Richard habang papalapit saakin at halatang kakagising lang dahil na siguro sa ingay namin.
"Doon na muna kayo."Utos ni Richard sa mga bata.Kaagad naman nila itong sinunod.
Sakto naman ang pagdating ni Ruben at ng yaya na may dalanh first aid kit.
"Ano ba kasing nangyari ha?"Tanong ni Richard habang tinatanggal ang tshirt na nakatakip dito.
"Gusto ko sanang lutuan ka ng almusal."
"Sana hindi ka na nag abala may mga yaya naman."Pagsesermon nya saakin."Naku! ang lalim ng sugat oh!"
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
FanfictionTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM