Chapter 40

259 8 8
                                    

Rachel

Lahat kami nangulila sa pag alis ni Belle.Lalo na ang mga bata.Nagkamabutihan na sila, ngayon pa aalis.Masakit dahil anak na talaga ang turing ko doon.Hindi ko na inisip kung kanino sya galing at iniisip ko nalang na saakin sya.Pero ganoon talaga.Wala na tayong magagawa.

It's been 5 months nung nangyari yon.Mahirap pero kinaya ni Richard.Palagi namang tumatawag si Belle dito kaya kahit papaano medyo nababawasan rin ang pangungulila.

So I'm here getting ready for the wedding of Richard's friend.

Nakasuot na ako ng puting gown ngayon.

Mag isa akong pupunta sa simbahan dahil may isang operation pa si Richard at dahil malapit lang yung simbahan sa hospital hindi nalang sya uuwi at doon nalang kami mag kikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag isa akong pupunta sa simbahan dahil may isang operation pa si Richard at dahil malapit lang yung simbahan sa hospital hindi nalang sya uuwi at doon nalang kami mag kikita.

The kids are not here, dahil kinuha sila kagabi ni mommy at daddy.Namiss daw kasi nila.

Matapos ko ilagay ang hikaw ko ay kasabay rin nito ang pag ring ng cellphone ko.It's Richard.

"Hello, babe?Yes, papunta na ako.Okay."

Nasa simbahan na raw sya.

Pagkarating ko ng simbahan ay kaagad akong kinabahan dahil sarado na ang pintuan nito.Traffic kasi!Yan tuloy na late ako.

"Ahm excuse me."Sabi ko sa isang lalaking nasa may pintuan."Nagsimula na ho ba ang ceremony?"

"Hindi pa po, Maam."

"Ah eh, bakit nakasara na."

"Isa isa raw po kasing papasukin ang dadating, pasok na po kayo Maam."

"Wait."Sabi ko.Tanging cellphone lang ang dala dala ko.Kaya kaagad kong dinial ang number ni Richard.

Bago paman nakasagot si Richard ay nagsalita ang lalaki."Maam, pasok napo kayo magsisimula napo ang misa."Tumango ako at kaagad na pumasok.

"Hello?Richard, asan ka ba?"Kaagad na tanong ko sakanya habang nakayukong naglalakad dahil matatapakan ko ang suot kong gown.Bago sya nakasagot ay gulat akong napatingin sa kawalan ng biglang may tumugtog.(Play the song👆🏻)

Lahat ng tao ay nakangiting nakatingin saakin.Lahat ng malalapit naming kaibigan at pamilya ay nandito.Gulat na gulat ako sa nakikita ko ngayon.Pero isa lang ang hinanap ng mga mata ko.

Nakita ko syang naghihintay sa altar nakangiting ibinaba nya ang telepono nya.Bahagya pa itong natawa dahil nakakunot noo ko syang tinignan.

Kaagad kong napansin si Ruben na papalapit saakin.Inabot nya saakin ang boquet at kinuha ang telepono ko.Meron namang naglagay sa ulo ko ng mataas na belo.

"Anak."Agad rin akong napalingon ng dumating si Mommy at daddy.

"M-ma."Naluluhang tumingin ako sakanya.Binigyan nya ako ng ngiti at kaagad na pinunasan ang luha ko.

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon