Matthew
Hindi ko sya nirespeto at hindi inintindi ang ginawa nya.Ang gusto lang naman nya ang kasiyahan ng pamilya nya kaya nya nagawa ko.Sana inintindi ko nalang sya at kaagad na pinatawad.
It's been a year.Pero sariwa parin isip ko ang pag iyak ni mama nung nalaman namin na sumabog ang eroplanong sinasakyan nya.Naging routine na ata ni mama ang umiyak bago matulog sa gabi.
Wala kaming mahanap na bangkay.Kaya para saamin buhay sya.And until now pinapatuloy parin ang paghahanap sakanya.Hindi pinatigil.
Kaya naisipan namin dito sa bahay na kailanman hindi banggitin ang pangalan ni papa.At gumana naman unti unti na syang bumalik sa dati pero pag may araw na namimiss nya si papa, magkukulong nalang sya sa kwarto nya.
Let's talk about siblings.Samantha and Belle, nasa Australia sila ngayon at doon nila naisipang mag aral sa Australia Walden.Kasama naman nila si Tita Alice at Tito Albert.
Sam and Boboy? They getting stronger and stronger.Belle? ayun may umaaligid na.But I always remind them na mag aral na muna bago e prioritize ang boys dahil may oras naman para dyan pero sa ngayon pag aaral na muna ang aatupagin nila at ayon nakinig naman.
Javi?kaka nine years old nya lang pero kunti nalang malalamangan na nya si mama.
Lia, she's turning one year old in 2 months.Kaya yun ang pinaghandaan nina Mama at Tito Ruben.
It's weekend.And this is my first weekend na wala akong gagawin.These past few months kasi ang dami kon inaasikaso sa school.
Nagising ako dahil narinig ko ang boses ni mama na nagbibilang.Isang mata lang ang ibinuka ko dahil inaatok pa ako.
Binibilang nya ang boxes ng mga sapatos ko dito sa loob ng kwarto na nagkalat.
"28, 28 boxes?! ang dami naman, 28 ba ang paa mo at ganyan ka dami ang binili mo kahapon?!"
Umupo ako habang papikit pikit pa."It just shoes, no big deal."
"No big deal?! nag aksaya ka lang ng pera.Tingnan mo nagkalat pa dito sa kwarto mo."Sabi niya.
"Dagdag collection ko lang ma."
"Ewan ko sayo! linisin mo itong kwarto mo ha, linisin mo ngayon din!"
"Yes mom."And I yawn.Napaiwas naman kaagad ako ng may isang box ang lumipad sa mukha ko."Bilisan mo, mag bebreakfast na."At lumabas na sya ng kwarto ko.
See? that's my mom.I love you mom hahahah!
Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay bago bumaba at naabutan ko silang tatlo na nag aalmusal.Humalik naman ako sa pisnge ni Mama.Napangiti naman ako ng marinig kong nagsasalita si Lia sa may high chair nya na hindi maintindihan.Kaagad na nag landing ang labi ko sa matambok nyang mapupulang pisnge.Pinangigigilan ko naman ito at narinig ko ang pag iyak.Lumuhod naman ako para pantayan sya.
"Ohh, sorry sorry."Natatawang pagpaumanhin ko dahil umiiyak sya at pulang pula na ang mukha.Kinuha ko naman sya sa high chair nya at kaagad na inaliw.Nag baby talk naman ako at kaagad syang tumigil sa kakaiyak at tumingin saakin.
Napapikit naman ako ng ilagay nya ang kamay nya sa mukha ko.
"Bomooooromnskakshjjjshaaa!"Kausap nya saakin.Tumawa naman ako at hinalikan ang leeg nya dahilan ng pag hagikhik nito.
"Tama na."Natatawang sabi ko at ibinalik sa high chair nya.
"Javi, eat vegetables."I teased him kahit nakikita ko naman ang gulay sa plato nya.
"I'm eating vegetables!"Sigaw nya saakin.
"Ah okay."Natatawang sabi ko."Ma, may lakad ka?"Tanong ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
أدب الهواةTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM