Rachel
Pinauwi ko na si Manong at Bebet.Nandito naman si Richard na tutulong saakin sa dapat kong gawin sa lugar na 'to.
Sabay kaming uuwi.Kahit sa ayaw o gusto nya.Iuuwi ko sya.Ako ang masusunod.
Kasama ko sa kwarto si Amy at Cynthia.Dahil hindi pa raw nalilinisan ang kabilang kwarto.At masasabi ko talagang napakabait nila, nakakaaliw sila.Si Cynthia yung tipong akala mo sinto sinto pero talagang ganoon talaga sya ang galing ngang mag englis eh.Si Amy naman yung hindi kunsintadurang kapatid.Palagi silang nag aaway parang asu't pusa.Nakakaaliw tignan.
May kaunting napapansin ako dito kay Richard...
Hindi na sya yung tipong, pormal.Ang wild nya na, ang likot!Parang mga bata kasama yung si Janny at Yeoj.Hindi na sya nag susuot ng branded clothes.Simple lang.And I really like it.
Nagising ako ng ako nalang mag isa sa kwarto.Naka sleeveless silk at pajama lang ako.Tumayo ako at lumabas ng kwarto.Paglabas ko palang naririnig ko na kaagad ang tawanan at sigawan galing sa sala.
Dumungaw naman ako at nakita ko silang nagbabasaan at ang gulo gulo na ng mga gamit.
Naguguluhang bumaba naman ako.Kunot na akong nakatingin sakanila.Nakita ko rin na problemadong nakatingin sakanila si Amy at Tita Minerva.
Pero parang wala silang pake.Nakita ko rinh Buhat buhay ni Yeoj si Cynthia.
"Hi ganda!"May lumapit saaking lalaking kasing edad lang nila pero parang bata.
"H-hello."Alinlangan kong sabi at pilit na ngumiti.
"Hoy tikboy!"Turo nya sa lalaki."Huwag mong lapitan yan!"
"Kuya, Ricky.Ang ganda ganda nya naman."Parang bata sya kung magsalita.
Lumapit naman saakin si Richard at kaagad akong inakbayan."Ano bayang damit na yan."Mahinang sabi nya at pilit na tinatakpan ang dibdib ko.
"Ganda diba?"Pagmamalaki nya kay sa lalaking palangan ay tikboy.Hinalikan naman nya ako sa pisnge."Hmmm! soooroop!"
"Kuy Ricky, akin nalang sya."Nakangiting sabi ni Tikboy.Sumimango naman si Richard.
Natawa ako sa hitsura nya."Hindi! akin 'to.Si Cynthia nalang sayo!"
"Ew!"
"Tikboyyyy!!!!"Galit na sigaw ni Cynthia.Napatingin naman ako sakanya at puno ng pulbo ang buong mukha nya.
Tumakbo naman si Tikboy palabas ng bahay ng habulin sya ni Cynthia.
Nagulat naman kami ng sipain ni Tita Minerva ang isang upuan."Linisin nyo yan!"Galit na sigaw nya at nag walk out.
"Mommy!"Pigil nya dito pero hindi na ito lumingon.Napakamot nalang sya ng ulo.
"Ba't ba kasi ang gulo nyo?"Naguguluhang tanong ko sakanya.
"Hay nako! ganyan yang mga 'yan, Rachel.Puntahan ko na muna."Tumango naman ako.
Naguguluhang nakatingin parin ako sakanya at hinihintay ang sagot nya.
Bumitiw naman sya saakin at napahawak sa batok nya."Ganoon lang talaga kami..."
Tumango tango naman ako.
"Teka, bakit lumabas ka ng naka ganyan lang?"Tinignan nya ang kabuohan ko, napayuko naman ako para tignan ang suot ko."You didn't even wearing bra,"
"Hindi naman halata-"
"Sayo, pero doon sa mga kaibigan ko halatang halata.Magbihis ka, sige na."
"Oa..."
"Sige na, maghihintay ako dito."At naglakad sya para ibalik sa dati ang mga sofa."Oh? bakit hindi ka pa kumikibo dyan? Sige na."