Richard
"Hi anak."Nakangiting bati ko sa sanggol na nasa loob ng incubator.Nakatanaw lang ako sakanya pagitan ng salamin."Ang ganda oh, mana sa mama."
"Hindi ka muna makakarga ni papa ngayon dahil kailangan mo muna dyan sa loob ng isang linggo.Pagkatapos nun, kakargahin na kita."Kausap ko sa anak ko.
"She's so adorable."
Napalingon naman ako sa nagsasalita.It's Ruben.Napangiti ako ng napagtanto na unti unti na kaming nag uusap ngayon.
"She is."Sagot ko.
"Kamukha mo.Paano ikaw pinaglihian."
Natawa naman ako sa sinabi nya.Totoo naman na ako ang pinaglihian ni Rachel."Oo nga eh, magtatampo na talaga si Rachel nito.Kamukha ko lahat wala ng sakanya."
"Hayaan mo pag nagising yan, gawa kayo ng madaming madami!"Biro nya.
"Shhh! baka magalit si Rachel!"Pabiro ko syang sinita.
Nagtatawanan naman kaming dalawa.
Hawak hawak ko ang kamay ni Rachel habang nakapikit at nakasandal sa upuan.
"Richard, bro."Mahinang yugyog saakin ni John.
Nagising naman ako kaagad."Bakit?"
"Magpahinga kana, sige na.Akonng bahala dito."
"Ako na."Pagmamatigas ko.
"Ilang araw ka ng walang maayos na tulog."
"John, gusto kong bantayan ang asawa ko and I want to make sure na okay sya."
"Pero kailangan mo ring magpahinga, sige na.Para namang wala kang tiwala saakin nyan."
"No, no! it's not like that."
"Bro, magpahinga kana.Nandito naman ako eh hindi ko pababayaan ang mahal mo."Nankangiting sabi nito.
Napangiti naman ako at tumango.Hinalikan ko naman ang likod ng palad ni Rachel tsaka tumayo para halikan sya sa noo."Matutulog lang ako, love.Good night, I love you so much."
Pinupunasan ko ang katawan ni Rachel ngayon habang kinakausap sya."Alam mo, love, ang daming damit doon pang baby gusto ko na ngang bilhin ang buong store eh."Bahagya akong natawa.
"Pero buti nandoon yung dalawang ate nya, tinulungan ako.Pero kung wala bibilhin na talaga buong store!"Biro ko.Natigilan naman ako at sumeryoso.
"Hindi ko na muna pinangalanan si Baby, gusto ko kasing ikaw ang mabigay ng pangalan sakanya pag gising mo."
Pinagpatulot ko naman ang pagpunas ng braso nya."Kaya gumising kana dyan, hinahanap na nya ang karga mo.Parati nalang daw kasing ako."Biro ko.
"Five more days, makakalabas na sya sa incubator.Sana by that time magising ka na rin.Gusto na kitang yakapin ng mahigpit na mahigpit at halikan sa labi."
"Miss na miss ka na rin ng mga bata lalo na si Javi? gabi gabi umiiyak bago matulog.Buti at nandyan si Ruben at John at tinutulungan ako magpatulog."
Nakaupo ngayon ako dito sa bench.Madilim na.Gusto ko lang magpahangin.
"Coffee?"Napalingon ako ng may biglang nag abot ng kape.
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
FanfictionTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM