Chapter 35

195 10 7
                                    

Richard

Bigla nalang akong nagising.Tinignan ko ang relo ko at alas dose na pala.Tinignan ko naman ang babaeng nakahiga sa dibdib ko.Hinalikan ko sya sa noo dahilan ng pag galaw nya."Hmmm?"

"I love you."Sabi ko.By the way, We're both naked.We both missed each other.

Umupo kami ay kaagad akong nagbihis.Binihisan ko naman sya at hinayaan na matulog sa backseat at ipagpatuloy ang pagmaneho.Chineck ko ang Phone nya kung may nag text o tumawag ba.

Mama, Nakarating na po kami ;) 8:20pm

Mom, nasa bahay na kami <3 9:00pm

It's already 4am ng makarating kami sa Manila.Itinabi ko naman muna ang kotse at pumunta sa likod."Rachel, love..."Gising ko sakanya at mahina na tinapik ang pisnge nya.

"Hmmm?"

"Nandito na tayo sa Maynila."

Dumilay naman sya."Anong oras na?"

"It's 4:40am"Check ko sa wrist watch ko.Lumipat naman sya sa frontseat at kumakain sya ng isang tupperware na biskwit habang sinusubuan ako.

Papunta na kami ng bahay kaya medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila.

"Oh ba't nanlalamig ka?"Sabi nya ng hawakan nya ang palad ko habang nagmamaneho

"Kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon nila."

"Matutuwa ang lahat kapag nakita ka."Lumingon naman ako sakanya at ngumiti.

Mas lalo akong kinabahan ng makapasok na kami ng gate.Lumabas naman kami ni Rachel at naabutan ko si Manong."Manong, kayo na po bahala sa mga gamit namin sa loob ng kotse."Utos ni Rachel at kaagad akong hinila paitaas.Tulog pa naman ang lahat maliban kay Manong.

Nang makapasok kami sa kwarto ni Rachel ay naabutan namin si Ruben na pinapatahan si Lia.Habang nakatalikod saamin."Shhh, Lia, what do you want?"Malambing na sabi ni Ruben iyak ng iyak lang naman ang anak ko.

Nginitian ko lang naman si Rachel at kaagad na lumapit kina Ruben, I just want to surprise him."Ruben, ako na."

Gulat naman sya napalingon saakin.Kunwari naman na nakay Lia ang atensyon ko."Lia, papa, you know me ha? you know me?"Kausap ko sakanya kaya napatigil sya sa pag iyak at tinignan lang ako."Come."Itinaas naman nya ang dalawang kamay nya nagpapahiwatig na gusto nya magpakarga saakin.

Kinarga ko sya.Natatawa naman akong napatingin sa anak ko na naguguluhang nakatingin saakin.Pinunasan ko naman ang tuyong luha nya sa pisnge."You miss, Papa?"Tanong ko sa anak ko, nag baby talk naman sya na para bang naintindihan nya ang sinasabi ko.

Naramdam ko ang malakas na paghampas ni Ruben sa braso ko kaya doon na ako lumingon sakanya."Walangya oh!"

"Ano?"Natatawang tanong ko.

" Ano ano ka pa dyan, akala namin sumabog na yang katawan mo! gong gong kang hayop ka na demonyo ka!"

"Psst! marinig ka ni Lia oh."

"Pero in fairness, na miss kita!"Yakap nya sa braso ko.Tinignan naman nya si Rachel na nakatitig lang saamin."Taray ng hair! inutos lang ng ama may nabingwit na!"

"Inaantok pa ako, 3 days akong walang tulog daiiiii!"Kaagad naman itong naglakad.

"Ahm Ruben, shhh ka muna ah."

"Sure sure!"At tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nagising ako sa maliliit na hampas sa mukha ko.Tinignan ko ang orasan at alas nuwebe na pala.Wala na si Rachel dito, malamang nasa baba na yun.

"Baabbashn sha shaaaaa shaa!"Baby talk ni Lia.Umupo naman ako sa kama at binuhat sya.Hinalik halikan ko ang leeg nya ng dahilan ng malakas na tawa sa loob ng kwarto.

Pinangigilan ko ring halikan ang matataba nyang pisnge.Nagulat naman ako ng biglang umingit at umiyak.

Mabilis naman akong tumayo at inalo sya."Oh! shhhhh!"Pagpapatahan ko pero hindi sya nakinig at mukhang ang mama na nya talaga ang hinahanap.

"Look lia oh, may bird oh!"Turo ko sa labas ng bintana.Binuksan ko naman ito at pinakita sakaniya.Buti nalang at tumahan.Natatawa naman sya habang pumalakpak ganit ang maliliit nyang mga kamay.Ang cute sobra!

"Tara, punta tayo kay mama, surprise natin sila."Kausap ko sa anak ko na tawa lang naman ang isinagot nya.Hindi na ako nagbihis at tanging boxer at tshirt lang ang suot ko.

Sumilip muna ako sa staircase at nakits ko silang masayang nag aalmusal.Kaagad naman ako umatras ng napalingon saakin si Matthew.

"Mom, sino ang nasa itaas?"Narinig kong sabi nya.

"Ha? wala naman, bakit?"Pagsisinungaling ni Rachel.

"Hindi meron eh, buhat buhat si Lia."

"Wala! baka may muta pa yang mata mo, check mo."Biro ni Ruben.

Hindi nalang ito nagprotesta at nagpatuloy na sila sa pagkain.Buhat buhat ko si Lia at bumaba na para bang matagal na ako dito sa bahay na ito at para bang hindi ako nawala ng isang taon.

"Hi, Goodmorning."Diretsong bati ko kay Rachel at hinalikan sya sa labi.Kinuha naman nya si Lia saakin.Tumingin ako sakanilang apat at may bahid sa mukha ang pagka gulat as in gulat at napaawang na lamang ang mga labi nila.

"What?"Natatawang tanong ko sakanila.

Napangiti ako ng dali daling tumayo si Matthew ay niyakap ako."Pa!"Isinandal nya ang noo nya sa balikat ko at narinig ko pag sinok.

"Pa, I'm sorry, I'm really sorry."

Hinagod ko naman ang buhok nya."Okay na anak, hindi mo na kailangan nag sorry."Humarap sya saakin.

"Para ka namang bakla umiyak, anak."Panunukso ko.tumawa naman sya.

"Papa!!!"Yakap rin saakin ni Javi.

"Tangkad na ah!"Sabi ko at lumingon kay Rachel.

"Sabi ko sayo."

"Pa."

"Dad."

Lapit naman sa dalawa na umiiyak na.

Nagsidatingan naman ang lahat sina Monny at Daddy at ang Parents ni Rachel at syempre ang nga kaibigan namin.Di mo maipagkaila na natutuwa sila.At natutuwa rin ako doon dahil meron rin palang mga taong nakakamiss saakin.

We're having our Dinner dito sa bahay at Celebrate na rin sa pagbabalik ko.

Masayang nagkukwentuhan naman ang lahat maliban saamin ni Rachel na nanonood lang ng palabas habang nakasandalnsya saakin.

Nakita namin na papalapit saamin ang daddy nya kaya umupo sya ng maayos."Ahm dad, I think hindi maganda tayuan ng bar-"

"Hindi naman talaga ako magpapatayo ng Bar, I just want you to go there at kunyaring wala na kayong matutuluyan na hotel dahil fully booked.Mabuti nalang at kilala ni Manong ang tinitirhan mo."

"What?!You planned this?"

Ngumiti at nagkibit balikat lang ang daddy nya."You ask for it kaya binigay ko, nahanap ko si Ricky."Biro nya."At magkasama na kayo."

********************
🤣

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon