Chapter 21

208 9 10
                                    

Nathalie

"Javi, you have to eat."Subo ko sakanya pero ayaw nyang buksan ang bibig nya at iniwas ang sarili.


"No! i want mama to feed me."Nakabusangot na sabi nito.




"Javi naman, alam mo namang wala dito ang mama mo."Kunti nalang bibigay na talaga ako sa batang ito.




"Exactly, that's why we need to go home."Nanlambot akong tumingin sakanya.Nakakawa na rin itong apat na ito, lalong lalo na itong nasa harap ko.He's too young para pagdaanan to.




"Eh Javi, mapapagalitan ako ng mama mo pag umuwi tayo."Pagpapaliwanag ko sakanya.Kung ako lang masusunod, iuuwi ko kayo ngayon din kaso lang kailangan lang talaga."




"But, I miss her so much and papa."Tumutulong luha na sabi nito.



Niyakap ko naman sya."Shhh, uuwi rin naman tayo eh, kailangan lang talaga natin mahintay."



"Hanggang kailan, tita? hanggang puputi ang mga mata natin?"Napalingon ako kay Sam na papalapit saamin."Hanggang kailan natin maghintay? ayaw ko ng ganito."



Kaagad naman nyang pinakuha si Javi sa yaya nito.



"Nag usap kami ni Boboy, sabi nya hinahanap rin ni Papa si Mama.Ibig sabihin wala rin sya doon.Asan ba sya? ano ba kasing nangyari?"




Gusto kong sagutin yan, Sam.Pero pipilitin kong manahimik na muna.Ayaw ko kayong masaktan.


Umiwas ako ng tingin."I told you, hindi ko masasagot yan."



Napatingin ako ng hawakan nya ang kamay ko."Tita, please?"Nakita ko ang pag iyak nya."Sabihin mo naman saakin kung anong nangyari, nagmamakaawa po ako sa inyo."


Dahan dahan kong binawi ang kamay ko."Kung anong sinabi ko sainyo nung nakaraan yon parin yun, I'm sorry, Sam."



"Ruben naman, awang awa na ako dito oh."

Kausap ko sakanya sa kabilang linya.

"Malapit na, malapit na talaga."

"Sabihin nalanh kasi natin ang totoo, hindi habang buhay maitatago natin ito.By the way how is she?."

"Ito, walang pinagbago.Pero don't worry nandito naman si John."

"Yeah yeah, basta tawagan nyo ako kaagad ha para makauwi na kami dyan."

"Oo nga!"

Richard

Gusto ko prinohin ang kotseng bumangga sakanya."Noooooo!"

Cold blue. Cold blue . Cold Blue-

Napaupo ako sa kama.Hinihingal at pawis na pawis.Napapanaginipan ko nanaman.Letcheng panaginip!

Simula nung umalis sila bumalik na ako sa bahay ko.Malulungkot lang kasi ako kapag nasa bahay ako ni Rachel dahil nakikita ko ang imahe nya sa loob ng bahay.Yung ngiti nyang matamis nakikita ko at ang malakas na tawa nya, naririnig ko.I miss her so much.I want to hug her and kiss her.Cuddle with her everytime we going to sleep at night.


I miss her voice.Yung mga pagmamamaldita nya saakin at paglalambing nya.

Namimiss ko na rin ang mga bata.Si Matthew na parang ako lang din kung mag sermon sa mga kapatid nya.Si Sam na malambing at tahimik lang.Si Belle na mabunganga pero malambing rin naman.And si Javi na palaging nakakabuko saamin ni Rachel sa tuwing naglalambingan kami.Nakakamiss.Hindi ko aakalain na ganun ganun na lang silang aalis ng walang paalam.




Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sa akin at sa pamilya ko bakit pa ako papayag sa gusto ni Alex.Eh kaso ang tanga ko, sobrang tanga.





Pero iniisip ko lang naman kasi ang panilya ko.Gusto kong maging tahimik kami.Yung walang nang gugulo at matiwasay ang pmumuhay namin at walang kinakatakutan.




I hate this kind of life! pero alam kong hindi ako pababayaan ng panginoon.Alam kong kasama ko sya sa lahat ng laban ko.



Rachel, hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo nahahanap.


"Ang simple simple ng inutos ko sa inyo hindi nyo magawa ng maayos?!Umalis kayo, nandidilim paningin ko sainyo.Alis!"



Sigaw ko sa limang hinired kong private investagator.Ang simple simple hindi magawa ng maayos.



Napasapo nalang ako sa noo at pakiramdam ko para kahit anong oras iiyak na ako.



Rachel, asan na ba kasi kayo.Miss na miss na kita at ang mga bata.Parang wala ng silbi ang pamumuhay ko sa mundo kung wala ka.Almost 2 months na nung umalis ka.



Parang mababaliw na ako kakahanap sakanya.Baka hindi ko kayanin ito at pagpapakamatay nalang ako.

Ruben

"Nag resign na ako sa trabaho.Mas importante si Rachel and the baby kaysa doon."

"Thank you so much John, Si Richard?Kamusta?"Tanong ko kay James.

"Nag hire sya ng private investagator, marami rami pero hindi parin natuntun."

"Yes sabi ni Ian sya na raw bahala nun, Dapat hindi nya malaman ito."

"Yes but he is the husband, I think may karapatan syang malaman ito, hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko sya but do you think tama itong ginagawa natin?"John.

"Para sa taong mahal ko ang mali ay nagiging tama tandaan mo 'yan, John."Sabi ko.

"Tama sya, hindi habang buhay maitatago natin ito kay Richard, sa mga bata at sa magulang ni Rachel.I think it's time para malaman nila ang totoo we've been hiding this for almost 2 months."Alice.

Kaagad akong napaisi sa sinabi nya.

"At sinasabi ko, kritikal ang kundisyon ni Rachel."John.

"50/50 ang chances nya-"

"Tumahimik ka."

"Anytime pwede sya-"

Kaagad akong napatayo."I said shut up! kahit 20/20 pa yan wala akong pakialam!"

"Pero isipin mo rin ang pamilya maaapektuhan dito! Naintindihan kita.Pero please puso naman ang pairalin mo."James."Huwag ang galit, alam kong pinoprotektahan mo lang si Rachel, pero imulat mo ang mga mata mo, may asawa't mga anak sya dapat nila itong malaman."

"Yung asawang ginagago sya."Tumatawa kong sabi.

"Sige, sabihin na nating nagloko sya at nangaliwa ulit.Yun yung nakikita natin eh pero hindi ba pwedeng pakinggan rin natin ang paliwanag nya? maaring nagkamali sya pero hindi mo maitatanggi na mabuting tao sya.Nagkamali lang sya pero hindi sya masamang tao."John.



"Yes, ginagawa nya kang yun dahil akala yun yung tama.He's been seeking the happiness na matagal na nyang hinangad, akala nya doon nya makukuha."

Tama siya.Nagkamali lang sya pero hindi sya masamang tao.

Napabuntong hininga nalang ako."Sige, sasabihin na natin sakaniya ang totoo."

********************

The Continuation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon