Richard
Humahagulgol akong napaupo sa maliit na sofa sa clinic ko habang sapo sapo ang mukha ko.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?!"Sigaw ko sakanya habang nakatingala ako dahil umiiyak syang nakatayo sa harap ko."Bakit!"
"Dahil sa kagustuhang maging akin ka ulit, dahil anak nalang ang hindi naibigay ni Rachel sayo nung panahon na 'yon."Pagpapaliwanag nya."P-pero, Richard, maniwala ka o sa hindi noong akala ko rin na sa'yo ang dinadala ko, 11 years ago doon ko nalaman, tinago ko dahil nagkamabutihan na tayo."
"P-paano mo iyon nagawa?!"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.Kaagad akong tunayo."Napaka makasarili mo!Hindi mo iniisip ang kapakanan ng anak mo!"
"Alam ko! alam ko 'yon, kaya nga nandito ako para sabihin sayo ang totoo."
"Kung kailan ano?! kung kailan okay na yung bata saamin? kung kailan minahal na sya ng pamilya ko?"
"I'm sorry..."Humahagulgol nyang sabi."Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo sabihin, pero nandito lang naman ako para linisin ang konsensya ko bilang isang ina, patawarin mo ako."Dahan dahan syang lumuhod sa harap ko.
"Ano kukunin mo saakin si Belle? huwag ka ng abala, dahil hindi ko ibibigay sa'yo si Belle dahil anak ko sya! anak ko!"
Kaagad naman sya napatayo."No! her father needs her, he needs her child."
"Sa tingin mo madali saakin 'to?"Naramdaman ko ang pagtulo muli ng luha ko sa pisnge."Minahal ko ang anak mo na akala ko ay akin, tapos pupunta kalang dito para sabihin na hindi ako ang nakabuntis sayo at iba!Pinaniwalaan kita noong sinabi mong anak ko ang dinadala mo dahil virhen ka nung may nangyari saatin, nasira ang pamilya ko dahil inuna kita, hindi ko napanindigan ang asawa ko, hindi ko nahawakan ang anak ko sa sa unang araw nya dito sa mundo.Nasira ang lahat ng dahil sayo at ngayon sisirain mo ulit ito!"
"Gustuhin ko mang hindi kunin si Belle sainyo pero...kailangan rin nyang makilala ang totoong ama nya."
"Patawarin mo ako, pero hindi ako makakapayag pasensya kana."Hindi ako tumingin sakanya."Mahal ko si Belle, mahal ko ang anak ko! mahal na mahal."
"Pero kailan ko bang paulit ulit na sabihin sayo na she is not yours! wala kang karapatan kay Belle!"
"W-what a-are y-you saying?"
Kaagad kaming napalingon ng makita namin si Belle sa haba ng pintuan.
"Nababaliw ka na ba? noong una gumawa ka ng kabaliwan at nasira ang pamilya ni daddy ngayon naman ito, sige sabihin mo saakin ngayon ng harap harapan, walang karapatan? ikaw ang walang karapatan saakin dahil hindi ka naging mabuting ina.Please iwan mo na kami ni daddy, masaya na kami na wala ka sa buhay namin."
"H-he is not your d-dad."
Napakunot na napatingin saakin ang anak k- si Belle.Dahan dahan naman akong lumapit sakanya at hinawakan sya sa balikat."She is telling the truth."Mahinang sabi ko sakanya.Nakita ko ang pag tulo ng luha nya at lumapit sa ina nya.
"So you gave, Dad, all the responsibilities?Dinaya mo sya? dinaya mo ako? you made me believe all those years that I'm his daughter!Bakit hindi mo kaagad sinabi?"
"I did not know! Anak, please hear me out."
"So ano? you were sleeping around, ilan? ilang ang possible kong ama?!"
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
FanfictionTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM