Ruben
"R-ruben?"
Kaagad akong lumapit sakanya ng gumising sya at nagsalita."Rachel!"
Dali dali namang tinawag ni James si Vince.At ang sabi nito, okay na sya.Kung kaya na nya pwede na syang umupo.
Tuwang tuwa naman ang lahat.Lalo na ang mga anak nya.
"Mama!"Sam."Ma...Gising kana!"Umiiyak na sabi nito.Napangiti naman si Rachel.Sumunod naman si Javi na tuwang tuwa rin at ang daming dinaldal.Si Matthew naman emotional na niyakap ang ina.At si Belle naman nung una alinlangan na yumakap pero ng alokin sya ni Rachel ng yakap ay tuwang tuwa.Nagpaalam naman ang apat at ipaghain daw nila ng pagkain ang ina.
Kaagad nama syang lumungkot at napahawak sa tyan nya."Ang baby ko?"Maluha luha nyang sabi.
"Shhhh!She's fine!"Masayang sabi ko sakanya.Kaagad naman syang ngumiti at naiiyak nalang sa tuwa.
"I want to see her."Sabi nya.Humiling naman sya na uupo na sya dahil kaya nya na raw.Nakaalalay naman kaming tatalo ni John at James sa pagpapaupo sakanya.
"Okay lang?"Tanong ko.Tumango lang naman sya.
"Gusto ko syang makita."Kaagad namang lumabas si John para kunin si Lia.
Ingat na ingat namang inilagay ni John sa bisig ni Rachel ang sanggol.
Tumulo ang luha ni Rachel habang nakangiti."Baby ko."
"Ang ganda nya!"Sabi nya saakin.Nakangiti lang naman kaming tatlo sa nakikita namin.Bigla ko tuloy naalala si Richard.Naisip ko kung ano kaya ang naging reaksyon nya ng makita nyang gising na talaga si Rachel.Siguro iiyak yun ng todo sa tuwa.
Narinig ko naman ang pag ingit ni Lia.Kinuha naman ito ni John sa bisig ni Rachel para ihili.
Nako!Si Richard naman kasi ang palaging nagpapatigil ng iyak nyan.
Kahit anong sayaw pa ang gawin ni John ay hindi parin ito tumigil sa kakaiyak at mas lalo pang lumakas.
"Si Richard lang kasi ang napapatahan nito e-"Napansin nya siguro ang pagiging tahimik naman."Ay sorry! kunin ko na muna feeding bottle nya."Paalam ni John at lumabas ng kwarto habang nasa bisig ang sanggol kasama si James.
"Nandito pala sya? Bakit hindi man lang nagpapakita saakin?Akala ko sumama nanaman sa kerida nya."
Napakamot naman ako ng batok."Ah eh, Oo.H-hindi.Nabugbog nga nya."
Gulat namang napatingin sya saakin."G-ginawang nya y-yun?"
Tumango ako."Oo, sobrang wasak nga nung mukha, kung hindi naabutan ni John at Alice, mapapatay na nya yun.."
Bahid parin sa mukha nya ang pagkagulat."P-pero bakit nya ginawa yun? Nagawa nga akong lokohin ulit para sumama nanaman doon."
Ipinaliwanag ko naman sakanya ang lahat.Napatulala nalang ito habang tumutulo ang luha.
Inabot sakanya ang envelop na inabot ng mommy ni Richard saakin."W-what's this?"
"Open it."
Nakita ko ang pagtulo ng luha nya habang binabasa ang papel."Yan yung original na Annulment."
"Ano? ganon ganon nalang yun?"
"Gusto ka na nyang pakawalan, dahil ayaw na nya na masaktan ka."
"No! Hindi pwede ito, I want to see him! gusto ko syang makausap!"
"I'm sorry, b-but he l-left."
Rachel
"I'm sorry, b-but he l-left."
Maintindihan ko naman sya eh! Mapapatawad ko sya! pero bakit!
"W-what?"
Tumango si Ruben."Umalis na sya, hindi para sa sarili nya kundi para sayo at sa mga bata.Naisip nya siguro na, andami na nyang nagawang masasakit sa buhay mo at sya nalang ang nagdala ng lahat ng pasakit sa buhay nyo at umabot pa sa ganito.Nahihirapan pero, pero kinaya nya."
"I'm not saying this para kaawaan mo sya o ano.I'm saying this dahil yun yong nakikita ko sakanya eh.Malungkot pero kinaya nya para sa mga bata habang naka coma ka."
"Sobrang galit din ng panganayy mo sakanya."
"S-saan sya ngayon?"
"Wala kaming alam, kahit si Tita, hindi nakakuha ng impormasyon kung saan sya but Rachel, we tried to convince him na huwag na umalis pero buo na talaga ang desisyon nya.Hindi na kayang pigilan."
"P-pwede naman namin yun pag usapan pero ang umalis sya?Hindi ko maintindihan.Kahit nakita ko sila ni Alex ng ganon, ilalaban ko naman sya, kaya nga bumalik ako diba? kaso ito yung nangyari.Napaka mali ng desisyon nya."Umiiyak kong sabi.Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
"Ganoon ka nya ka mahal."
"Kung mahal nya ako hindi nya ako iiwan."
Kaagad akong niyakap ni Ruben."Siguro balang araw magkikita kayo, masabi mo ito sakanya."
"Pero kailan!"Kaagad kong tinignan ang papel. a hawak ko at marahas itong pinunit."Walang nag aanul! wala!"
"Rachel, tama na! kagigising mo lang, baka mabinat ka nyan."
"Wala akong pakialam!"Humahagulgol kong sabi."Ang kailangan ko si Richard, kailangan ko sya...hanapin nyo please."Pagmamakaawa ko kay Ruben habang hinahawakan ang kamay nya.
Umiling sya."Rachel, paano? hindi namin alam kung nasaan sya."
"Edi gumawa kayo ng paraan!Kahit anong paraan! gawin nyo!Kahit saang lupalop ng mundo hanapin nyo!"Galit na sigaw ko sakanya."Ruben, please kayo nalang ang makakatulong saakin ngayon, kayo nalang.Maawa ka saakin at sa mga anak ko.Please."
Dahan dahan naman syang tumango."S-sige."Niyakap ko sya ng mahigpit.
Nandito ako sa kwarto habang nagpapalit ng diaper ni Lia.Yes kahapon palang ako nagising pero sobrang lakas ko na at galaw na ako ng galaw.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Richard.Saan kaya sya ngayon? anong ginagawa nya? mag isa sya? Gusto ko na syang yakapin.Tanong ng tanong si Javi pero waa akong matinong paliwanag na ibibigay sakanya.Kinakausap ko na rin si Matthew dahil hindi nya nagawang intindihin ang ama nya at good thing nakinig naman saakin.
Nang tapos ko ng palipatan si Lia ay kinarga ko ito para patulogin na.Hinihele ko sya habang nakikinig ng balita."Tulog kana, anak."Tapik ko habang sumasayaw.Lia is just one month old baby.Sleep at iingit lang ito kapag nagugutom sya.
"Headline for today!"Napalingon naman ako sa Telebesiyon para makinig.
Eroplanong papuntang Italy, Sumabog kaninang hating gabi!
Bakit bigla akong kinabahan?
Napansin ko naman na nakatulog na ang anak ko.Dahan dahan ko syang inilapag sa kama.Kasabay naman nun ang pag ring ng telepono ko.Si Sandra?
"Hello, Sandra?"
"Maam!"
Napalayo ko nanan ang cellphone ko sa tenga sa lakas ng boses nya."Sandra kung makasigaw ha!Bakit?"
"Maam, ano kasi..."
"Ano?"
"A-ano po."Parang kinakabahan nitong sabi.
"alam mo.Diretsuhin mo nalang ako, sige na."
"Alam mo na po ba ang headline ngayon?"Napakunot noo naman ako.Talagang big deal sakanya yung headline?
"Oo, bakit?"
"Si ano po kasi."
"si?"
"Si a-ano po.....S-si D-doc po, p-papuntang Italy yung eroplanong sinasakyan nya."
Parang nawala ako sa sarili at basta nalang natulala ng marinig ko ang sinabi ni Sandra...
********************
Naghihinayang parin ako sa account ko💔
BINABASA MO ANG
The Continuation (Completed)
Fiksi PenggemarTHIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM