Richard
Nakatitig lang ako kay Rachel.
Minsan kinakantahan ko sya.Minsan rin dito ako kumakain para kasama ko ko sya.
"Love, gumising kana."Ito nanaman ako."Pag nagising kana dyan, matutuwa ka sa gagawin ko.Promise!"
"Rachel?"Gulat akong napatingin sa isang daliri nyang gumagalaw.Napatayo naman ako.
"John!!!"Malakas na sigaw ko."John!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto."Bakit anong nangyari?"Natatarantang tanong nyang palapit saakin.
"Gumalaw ang daliri nya, bilis tawagin mo ang doktor!"
Mabilis naman syang tumakbo palabas.
Nakita kong kinukuha na ng mga nurse ang mga nakakabakit sakanya maliban sa oxygen na nasa may ilong nya.Nandito kaming lahat sa kwarto nya.
Lumapit naman saakin ang doktor."Antayin nalang natin ulit ang pag galaw ng daliri nya at pagkatapos nun, it's time to wake her up.Excuse me."
"Thank you!"
Kaagad akong lumapit sa magulang ko at magulang ni Rachel."Kunting antay nalang po, magigising na po sya."
"Praise God!"Sabi ng mommy ni Rachel."Hindi tayo pinabayaan ng Diyos!"
Kaagad naman nila akog niyakap.Kailanman hindi nagalit ang magulang ni Rachel saakin noong sinabi ko sakanila ang totoo and I'm very happy dahil hindi nila ako sinumbatan.Inintindi nila ako.Laking pasalamat ko rin sa pamilya ko kasi nandyan sila noong panahong lugmok na lugmok ako at hindi ko alam kung nasaan si Rachel at ang mga anak ko.At ngayon na hinarap ko naman itong pagsubok na ito hindi nila ako pinabayaan.Andyan sila na handang tumulong saakin at sa mga anak ko.
Nandito ang lahat sa loob ng silid ni Rachel.Bumalik sila Alice at Albert at pati na rin si Joey at Anjo.
"Ito ang ginagamit namin para gisingin ang isang comatose patient."Pakita ng neurologist ni Rachel sa isang bagay.Nakikinig naman ang lahat sakanya."Pag idinikit ko ito sa noo nya, and when I press this button.It's either magigising sya o hindi, pero pag hindi don't worry we'll wait parin."
Halos lahat ng santo tinawag ko na habang dinidikit sa noo ni Rachel ang bagay na 'yon.
"Richard?"Gulat naman akong napatingin ako kay Vince, the neurologist.Sininyasan nya ako na lumapit.
"Press this."Utos nya saakin.Napatingin ako ako sakanya.
"Why me?"
"Sige na."
Nanginginig ang hinlalaki ko.Nanginginig na pinindot ko ito.
Nakita ko ang unti unti nyang pagmulat.Narinig ko naman ang pag iyak nila sa tuwa.lalo na ang mga bata.
Ipinikit nya muli ang mga mata nya.Niyakap naman ako ni Alice na umiiyak rin sa galak.m
"S-she's a-awake."Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yeah..She is."
Pumunta ako sa nay Garden.Naabutan ko si Albert.Kaagad nya akong hinarap.At malakas na sinuntok sa pisnge.Hinawakan nya ang kwelyo ng polo ko."Gago ka!"At sinuntok nya ako sa may puson at kaagad na akong bumagsak.Pumaibabaw sya saakin at hinawakan muli ang kwelyo ko.
"Inintindi kita at naiintindihan kitang hayop ka!Pero pasuntok!"At kaliwa kanan ng pisnge nya akong sinuntok.
"Tama na!"Sigaw ni John at malakas na hinila si Albert.Kaagad naman akong inalayan ni James at binigyan ng panyo dahil putok ang labi ko.