Richard
"Italy?"
Well, see you in a bit, Italy.
Kaya ko ba talaga?
Pinagmasdan ko muli ang ticket na hawak ko.
"Sana tama itong desisyon ko."
At kaagad ko itong pinunit.Hindi ako aalis.Kaagad na akong lumabas ng Airport at nagmaneho na kung saan saan.Kung saan ako dadhin ng gulong ko.Doon ako.
Nang mapagod na akong magmaneho ay itinabi ko naman muna ang kotse ko at kaagad na inadjust ang upuan ko pahiga at tuluyan ng natulog.
Kaagad akong napamulat ng pinukpok ng bato salamin ng kotse ko.Kaagad ko itong binuksan at marahas na sinigawan ang bata.Kaagad naman itong nagsitakbohan."Gago yun!"Galit na sabi ko.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.Tinignan ko na muna ang paligid at mukhang pamilyar sya saakin.Tinignan ko ang maps ko sa cellphone at nasa Legazpi pala ako.Ang layo ng narating ko.Atleast dito tahimik.
Napansin ko naman kaagad ang babaeng naglalakad at mukhang pagod na.Nakita kong naghihintay sya ng masasakyan.Hindi ako makalabas dito sa pinapark ko dahil nasa may unahan sya ng kotse ko.Parang nakakabastos naman ata ko pipituhan ko.
Kailangan kong makahanap ng matitirhan ngayon.Hindi naman pwede mag hotel ako dahil alam kong mahahanap ako ni Dad.
Inayos ko na muna ang buhok kong magulo bago lumabas at kausapin ang babae."Hi miss."
Nakakunot noong napatingala naman sya saakin."I just want to ask lang sana, kung saan malapit na mauupahang bahay dito o kahit kwarto lang."
Ngumiti naman sya saakin."May alam po akong boarding house, doon po ako nangungupahan ngayon.Kung gusto nyo po sumama po kayo saakin."
Napangiti naman ako."Sige, sumabay kana saakin?"
"P-po?"
Ngumiti naman ako."Sige na."
Tahimik lang naman syang habang nagmamaneho ako."By the way ilang taon kana?"
"25 po."
"Ang bata mo pa pala."
"Kayo po?"
"23."Biro ko."Halata naman diba?"
Tumawa naman sya."Mapagbiro ka naman pala, May asawa ka po?"
Tumango naman ako."Yes at may limang anak."Pagmamalaki ko.
"Halata pong mahal na mahal nyo po sila, sa ngiti palang eh."
"Oo naman! mahal na mahal ko ang mga yun, lalo na nung mommy nila."May malaking ngiti sa labi na sabi ko.Gising na kaya yun? Hinanap kaya nya ako? namimiss?Malamang hindi!Ginago mo nga tapos mamimiss ka pa.
"Ay oh naman! kinikilig pa oh!"
Humalakhak naman ako."Di naman."Pag dedeny ko.
"Ay oo nga pala, ano nga pala ang pangalan mo?"Tanong ko.Palipat lipat lang naman ang tingin ko sa kalsada at sa kausap ko.
"Cathy, po."
"I'm, Richa-."Hindi pwedeng sabihin ko sakanila ang totoo, paano kung matuntun ako ni Dad."Ricky."
"Ah kuya Ricky!Itabi nyo na muna!"Nagulat naman ako at kaagad na itinabi."Doon nyo nalang po ipark itong kotse nyo."Turo nya sa isang abandonadong bodega.
"Ha? bakit? pwede naman tayong magkotse papunta doon, sa pupuntahan na tin."
"Eh ano kasi, mukhang pera kasi yong mga kasamahan ko sa boarding house, baka pag nalaman na yayamanin kayo baka peperahan lang kayo."