Chapter 2
The Academy***
Nandito kami ngayon sa tapat ng isang malaking gate. Ginamit ni lola ang kakayahan niyang mag teleport kaya't isang kisip mata ko ay nandito na kami.
"Nasaan tayo lola anong ginagawa naten dito?" Tanong ko. Sa laki ng gate ay diko alam kung mansion ba o palasyo ang nasa loob. Sa mga napapanood ko kasi ay ganon ang nasa loob ng mga malalaking gate.
"Paaralan ito apo para sa ating may taglay na mahika dito sasanayin ang iyong mahika" sabi niya. Napabuka ang bibig ko sa aking narinig. School to? Gate palang malaki na pano pa kaya sa loob?
Bumukas ang mataas at malaking gate at pumasok na kami.
"Pero lola mukhang wala naman akong mahika" sabi ko. Buong buhay ko wala naman akong maalalang may kakaiba sakin, walang mahika mahika na yan ang naranasan o nakita ko.
"Meron apo meron kang mahika di pa kasi ito lumalabas" sabi ni lola.
Nang makaapak kami sa harapan mismo malapit sa malaking gate ay bigla kaming napunta sa loob. Tanaw ko ang malalaking building, malawak ang paaralan na ito, para lang ren ito katulad ng sa mundo ng mga tao, may mga Classrooms den, pero ang ganda den talaga ng paligid malinis at yung mga building parang bagong pintura mahahalata talagang may mahika sa lugar na ito. Walang mga estudyante, siguro ay na sa kanilang mga silid.
Pumasok kami ni lola sa isang silid, Pag pasok namin may isang babaeng nakaupo, mukhang office to at baka yung babae yung principal.
"Cristina! Nagagalak akong makita kang muli, kay tagal ng panahon ng muli tayong nagkita, kumusta kana?"tanong nung babae na yumakap kay lola
"Ayos lang naman ako shane"nakangiting sabi ni lola.
"Tumanda na ang itsura mo lolang lola kana haha"sabi ni ate shane,ate shane tawag ko matanda sya saken eh haha
"Dahil nga sa mundo ng mga tao ako nanirahan ng kay tagal na panahon at hindi kona ginagawa kung ano man ang ginagawa mo dyan sa itsura mo dahil magtataka ang mga taong makikilala ko kung di ako tatanda" sabi ni lola
"Hayaan mo at pababatain kita para katulad ko haha"sabi ni ate shane.
Pababatain?! Si lola pababatain? Seryoso ba yun?
"Sino nga pala ang napakagandang dalaga na iyong kasama?"tanong ni ate shane.
"Si Eliana"sabi ni lola
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni ate shane at napangiti rin agad.
"Eliana anlaki muna"sabi niya ng nakangiti.
"Kilala nyo po ko?"tanong ko
"Oo naman magkaibigan kami ng iyong lola huling kita ko saiyo ay napaka liit mopa"sabi niya ng nakangiti.
"Shane nasundan kami sa mundo ng mga tao at 17 naren naman sya dinala ko sya rito para malaman at mapag aralan nya na ang kapangyarihan nya"sabi ni lola
"Ako ang bahala Cristina ligtas dito ang iyong Apo"sabi ni ate shane.
"Apo dito kana mag aaral simula ngayon. Aalis ako apo babalikan ko ang tita mo dadalaw dalaw ren naman ako sayo rito pero madalang nga lang" sabi ni lola.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...