Chapter 41***
Eliana Pov.
Inidilat ko ang aking mga mata nang may maramdaman akong humawak sa aking braso. Nakatulot ako sa ilalim ng puno kanina dahil sa pagod. Kinusot ko pa ng isa kong kamay ang aking mga mata dahil medyo antok pako at wala sa ayos ang tulog ko.
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa gulat at takot, napatili ako sa takot at agad akong napatayo. Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso ko. Nakakatakot ang itsura nito kaya agad akong tumakbo papalayo sakanya. Kahit naman sino ay siguradong mapapatakbo at matatakot kung unang gising mo ay iyon ang bungad sayo.
Hinabol nila ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Oo tama, NILA dahil hindi lang siya nag iisa, madami sila. Hindi ako matatapos sa pagtakbo kung tatakbo lang ako ng tatakbo kaya kailangan ay may dapat akong gawin.
Naghagis ako ng water ball sa kanila habang tumatakbo pero ganon nalang din ang gulat ko sa bilis nila sa pag ilag kaya bawat pag tira ko sa kanila ng water ball ay baliwala. Hindi ko mawari kung anong klaseng nilalang sila, para silang tao na pandak na hanggang beywang ko lang ang tangkad, kulay kayumanggi ang kanilang kulay ng balat, meron din silang matutulis na ngipin at mga kuko, kulay itim din ang kanilang buong mga mata, meron din silang dalawang maliit na matulis na sungay sa kanilang ulo na lalo kong ikinatakot sa kanilang itsura.
Nang mapansin ko na mas napapalapit sila sakin ay lalo akong nangamba at mas lalong natakot. “TULONG!! EIHHHH!!!!TULONG!!!”mas lalo silang napapalit sa akin kaya ako'y napatili. Itinigil ko na ang pagtira ng waterball sa kanila dahil dumadagdag lang ang bagal ng aking pagtakbo dahil dun.
Ramdam ko na ang pagtulo ng aking nga luha sa aking pisngi ng dahil sa takot. Bakit ba kasi ako humiwalay kila Rafael o kaya naman bakit hindi manlang nila ako sinundan edi sana manlang ay may kasama ako sa pagtakbo ngayon. Grrr kasalanan ko talaga to eh dapat hindi ako humiwalay sa kanila. Bakit ba kasi ang hirap ng mission na ito mas mahirap pa dun sa pagkuha naming sa perlas eh samantalang mas mahalaga at nagiisa lang ang perlas kaya dapat diba mas mahirap yung dun? Eh yung mahiwagang puno pede pa namang mamunga noh Arghh!! Kainis ano ba tong pinagiisip ko eh hinahabol na nga ako ni kamatayan. Nasaan na ba kasi sila jhasmine! Alam kong inililigaw talaga ako ng bruhang kharla na iyon dahil paulit-ulit lang ang dinadaanan ko! Bwisit talaga yang bruhang kharla na yan! Papatayin ko siya pag nagkita talaga kami niyan kahit ate pa siya ni keisha!
Shiitt! Ano yun?! Napaluhod ako bigla dahil sa may isang bagay na tumusok sa binti ko. Hinawakan ko ito at tinignan, ganon nalang ang panginginig ko ng makita ang isang arrow ng pana na nakatusok sa aking binti at ang pag agos ng dugo ko mula doon. Napalingon nalang ako sa mga humahabol sa akin ng marinig ko ang paghagikhik nila. Ramdam ko ang unti-unting pamamangid ng binti ko at tila may mga gumagapang sa loob nito na kumakalat sa buong binti ko.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...