Chapter 11

1.3K 70 8
                                    

Chapter 11
Takbo

***

Nandito ako ngayon kumakain ng lunch. Ang balak kong kumain ng marami ngayong lunch ay hindi natuloy. Ang tahimik naaakward ako ngayon ko lang sila nakasabay lahat, si Jhasmine at Irish palang ang close na close ko kesa sa kanila.

"Ano ba yan antatahimik nyo" sabi ni Rafael. Mukhang hindi niya na nakayanan ang katahimikan.

"Wala naman kasing pag uusapan, bigay kang topic para may mapagusapan" sabi ni Roselyn.

"Ahmmm.....pag usapan nalang natin kung saan nanggaling yang kwintas mo Roselyn"sabi ni Rafael.

Kaya napatingin kami sa kwintas ni Roselyn,heart na kulay violet ang pendant nito at mukhang bago lang.

"Sa pwet mo hinugot ko may kasama pangang tae nung nakuha ko"inis na sabi ni Roselyn.

Nanlaki naman ang mata namin at napabuga sa kinakain namin.

"Roselyn!"inis na tawag ni Tristan sa kanyang pangalan.

"Ay hala sorry HAHAHA"Sabi niya habang tumatawa.

"Seryosong sagot kasi''sabi ni Rafael habang at nag pout.

"Wag ka ngang mag ganyan di bagay sayo"sabi ni Roselyn.

"Eh anong bagay sakin? Ikaw?" Nangaasar na sabi ni Rafael at ngumisi.

Namula naman ang pisngi ni Roselyn at kitang kita naming lahat yun.

"Uyy... i smell something fishy" sabi ni Irish.

"Isda ulam mo" sabi ni Zayn na kinatawa namin kaya yun nakabusangot ang mukha ni Irish.

"Che!" Inis na sabi ni Irish.

"Oo nga pala Eliana kasama ka sa training namin bukas" sabi ni Cean.

"Anong oras?" Tanong ko.

"Pagkatapos ng lunch break" sabi ni Cean.

"Ahmm... Eliana'" tawag sa akin ni Zayn.

"Sorry nga pala sa nagawa ko nung una tayong mag kita" sabi niya pa. Natigilan ang lahat at napatangin saming dalawa ni Zayn.

"Bakit anong ginawa mo?" Tanong ni Tristan.

"A-Ah A-Ano K-Kasi munt--"

"Wala yun nabangga niya lang ako nung tumatakbo kasi siya" putol ko sa sasabihin niya.

"Be careful next time" sabi ni Tristan.

***

Eto na yung gabi na sinabi sa akin ni goddess Liarra. Tulog na nga pala si Jhasmine.

Tumingin ako sa kwintas at hinawakan ito.

"Goddess Liarra..."

Humiga ako ng biglang umilaw ang kwintas at dun na nag dilim ang lahat.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon