Chapter 24
****
Pinagsawalang bahala ko na yung tungkol sa barrier fruit. Sila dapat ang bahala dun at di na dapat akong makielam. Ganun nadin sa libro kinalimutan ko nalang muna yun, para saan ba yun? Eh story lang yun ng mga naging reyna at hari ng Encantasia Kingdom.
Ang kailangan ko ngayon pag tuunan ng pansin ay ang kapanguarihan ko. Isang linggo na pala ang nakalipas nung nangyari yung sa black Forest.
Tagal na ren pala ang pag eensayo ko kay Goddess Liarra. Unti nalang pala ay controlado ko na ang tubig. Nakakagawa narin pala ako ng Ice, yun ang pinagaaralan kong conrolin ngayon. Lumipas na rin ang mga araw tas di parin nila nadidiskubre ang kapangyarihan ko, kaya ang alam nila ay wala pa akong kapangyarihan. Di kasi ako makahanap ng tyempo na ilabas yun at kung may tyempo man ay nakakalimutan ko. Hayysstt.
Paulit ulit rin ang training dito sa school na to kaya lagi kaming pagod. May training na kasama ko lahat ng kaklase ko, meron din training na kasama ko ay sila jhasmine lang. Kaya nakakapagod.
"Eliana!" tawag saakin ni Marriane.
"Bakit?" tanong ko.
"Tatanong ko sana kung pwede kaba bukas? Yayayain sana kita mag mall" masigla niyang sabi. Ano ba ang gagawin ko bukas? Wala kasi kaming pasok bukas kaya pede kaming lumabas ng Academy.
"Wala naman akong matandaang gagawin bukas kaya sige sasama ako" nakangiting sabi ko. Lumawak naman ang ngiti sa kanyang labi.
"Yun oh! Bukas ah, walang bawian ha, sasama ka" sabi niya at umalis. Mabait si Marriane, nakakasama korin siya madalas pero hindi lagi. Minsan boyish yun. Tas minsan naman girly. Masaya siya kasama, laging nakangiti. Maputi siya at may kulay berdeng buhok na talagang bagay sakanya. Madalas niyang kasama si Bryan na bestfriend niya since bata pa sila.
Gwapo rin si Bryan pero mas gwapo si Trist---- este....... basta may itsura din si Bryan, maputi siya, matangkad, matangos ang ilong at may kulay tsokolateng buhok.
.
.
.
.
-
-
Ilang oras na kaming nagpapractice dito nila jhasmine sa training room. Excuse daw kami sa klase namin dahil kailangan daw naming maging handa sa kung ano mang sakaling mangyari ,di daw masabi kase baka daw bigla nalang sumugod ang mga taga dark world .Nakakapagod na rin talaga mag training halos araw araw nalang kasing may training.
Ikaw ba naman magten laps sa isang napakalawak na field? Unbelievable, right? ay kung sa bagay mas malala yung unang training namin ni Goddess Liarra dahil mas malawak ang field dun. Haysstttt.......Ganun din pala kasi dito naman ay lagi naming yung ginagawa .
"Miss Eliana, pinapatawag po kayo ni Ms. Shane sa office niya. May importante daw po siyang sasabihin sa inyo" nakakagulat naman tong babaitang to bigla bigla nalang nagsasalita.Tumango na lamang ako sa kanya at lumapit kay Sir.Tyler
"Sir I just need to go somewhere.Babalik na lang po ako mamaya" paalam ko kay Sir. Tyler na abala sa pagaayos ng bag niya. Tumango na lamang ito saakin bilang pag sangayon sa pag alis ko.
"Alis muna ako guys"sabi ko kila jhasmine at irish.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Irish.
"Pinapapunta ako ni Ms. Shane sa office niya"sabi ko sakanya.
"Oh sige magiingat ka ,Eli ''sabi ni Irish habang nag uunat ,Tumango na lamang si Jhasmine.
Ngumiti naman ako at tsaka nag lakad na papunta sa office ni Ms. Shane. Ayoko namang mag teleport kasi masasayang lang yung beauty ko kung walang makakakita noh? Ohh di ko papala nasabi sainyo ,marunong na akong magteleport kasama yun sa mga tinuro saakin ni Goddess Liarra.
Pagdating ko sa harap ng pinto ng office ni Ms. Shane huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang pinto.Pagbukas ko ng pinto,nagulat ako ng makita ko si Marriane. Anong ginagawa niya dito?
Naupo na lang ako sa tabi niya at tsaka nginitian lang siya pati si Ms. Shane. Ngumiti rin saakin si Ms. Shane at tska nagsimula ng magsalita.
"Okay girls, Kaya ko kayo pinatawag dahil I have to tell you something very important. I want na kayo ang maghanap sa nawawalang perlas" sabi niya. Nagkatinginan lang kami ni Marriane at pareho kaming nagulat sa sinabi ni Ms. Shane saamin.
"As in kami lang ba maghahanap? Saan? kelan?" tinadtad ng tanong ni Marriane si Ms. Shane. Ngumiti lang siya at tsaka umiling.
"Hindi lang kayo ang sasabak sa mission na ito. Syempre may tatlo kayong makakasama. Sila Vera , Dash, at Josh. They are the transferees from the North at sigurado akong kakailanganin niyo ang tulong nila" sabi ni Ms. Shane.
"Bakit naman po biglaan?" nanghihinayang na sabi ni Marriane.
"It will make our barrier stronger. Mapapahaba din nito ang magiging bisa ng fruit barrier. Humihina na ang barrier natin ngayon at maaring anong mang oras ay mawala na lamang ito, at iyon ay hindi maaring mangyari." mahabang paliwanag niya. Nakakuha na sila ng barrier fruit?
"Eh bakit hindi nalang po sila Jhasmine ang maghanap ng perlas eh mas sanay naman po sila sa mga mission kaysa samin ni Marriane." sabi ko.
"May ibang mission na akong ibinigay sa kanila" nakangiting sabi saamin ni Ms. Shane
"Ano pong mission?"tanong ko pero di iyon pinansin ni Ms.Shane
"Bukas ng umaga 5:00 ay dapat nasa gate na kayong lahat. Magdala na lang kayo ng packed foods and extra clothes" sabi niya at tumango na lamang ako.
"And one more thing. Sa enchanted forest kayo maghahanap ng perlas" pahabol pa niya.
"Enchanted forest? Ano yun, yung sa frozen 2?" mahina kong sabi.
"Frozen 2?" sabay sabi nila Marriane at Ms. Shane na nakatingin rin sa akin.
"Ah hehehe wala po yun" nahihiyang sabi ko. Wala nga pala silang yun dun.
"Pwede na kayong magpahinga" sabi niya kaya naman umalis na kami sa office niya.
"Pano ba yan, di tuloy bukas" sabi ko kay Marriane pag labas namin ng office.
"HAHA may next time pa naman, sige kita nalang tayo bukas ah" nakangiti niyang sabi at nag lakad na paalis.
Siguro yung Barrier fruit ang mission nila Tristan.....
To be continued...
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasiaEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...