Chapter 55
***
Roselyn Pov.
Halo halo na ang nararamdaman ko hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakipaghiwalay sakin yung taong mahal na mahal ko tapos kinuha niya pa si Eli na isa narin sa mahalagang kaibigan para sakin.
Nung una ay hindi ako naniniwala sa ibinalita saamin ni Tristan dahil kahit nakipaghiwalay sakin si Rafael at galit ako sakaniya ay hindi ko maisip na magagawa niya yon. At ang pinagaalala namin ay kung saan niya dinala si Eliana... May hinala si Tristan na baka sa dark world dinala ni Rafael si Eli at pinipilit nitong traydor si Rafael. Pero wala kaming sapat na dahilan upang malaman kung totoo o maari ba yun. Dahil parang napakaimposible namang magkaroon ng siya ng connection sa mga taga dark world.
"Napaisip ako... alam kong pareparehas natin iniisip na impossible na magkaroon siya ng connection dun sa mga taga dark world dahil madalas natin siyang kasama noon.."
"Pero pano kung ang mga taga dark world ang kumuha sa kapatid niya at si Eliana ang kapalit ng pagsauli ng kapatid niya?" sabi ni Cean.
"Tama si Cean.. pano kung ganon nga?" sambit naman ni Zayn.
"Hindi ko alam, Pero pano kung dinala lang ni Rafael sa isang lugar si Eli at ibabalik din naman niya?"-Jhasmine
"Iba yung ngisi niya ng makita niya ako! Kaya sigurado akong hindi yun ganon lang dahil kung ganon lang yun ay hindi naman niya siguro kailangang iturok kay eliana ang ganong bagay para lang masama o madala niya!" galit na sabi ni Tristan. Lahat kami ay nagulat sa pag sigaw niya at kitang kita namin sa mga mata niya ang galit at pag aalala.
"S-Sigurado ka bang talaga na si Rafael yun?" paninigurado ko.
"Hindi ba't sinusundan ka niya?" napatango na lamang ako.' Ano bang problema at ginawa mo ito rafael? '
****
After 3 days.....Halos hindi na kami mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa namin nahahanap si Eliana o mas kahit si Rafael ay talagang hindi na nagpakita sa amin.
Nagpunta kami sa Ice kingdom kahapon... wala doon si Rafael.... at ang hari ay nakahiga sa kaniyang kamang hindi na humihinga.
Hindi namin maintindihan ang mga nangyayari lahat kaming magkakaibigan ay natatakot na baka ang kingdom namin ang isunod.
Kaya sa ngayon ay walang namamahala sa Ice kingdom. Si Ms. Shane daw ang mamahala muna doon hanggang nagluluksa parin ang hari. Ice user si Ms. Shane kaya hindi naging problema.
Buong Encantasia yata ay nalibot na namin ngunit wala talaga. Maski si Liarra ay hindi mahanap si Eliana dahil may kumokontra sa kapangyarihan niya.
Pero dahil hindi nga namin sila mahanap sa buong Encantasia ay hindi kami tanga para hindi maisip na si Eliana ay siguradong nasa mundo ng kadiliman ngayon.
Hindi lahat ng estudyante dito sa Academy ay alam na ang nangyayari. Kaya mga kampante lang silang nag aaral at nageensayo.
"B*llsh*t!! Pag nakaharap ko yang traydor na yan lulunurin ko siya hanggang mawalan siya ng hininga!!" galit na sigaw ni Shaun Rain. Nilibot ko ang tingin ko sakanilang lahat at doon ay napansin kong kulang kami.
"Nasaan si Tristan?!" tanong ko kayat nagsilingunan sila sa paligid at mukhang doon lang din napansing nawawala si Tristan.
"Hindi maganda kutob ko" sabi ni Zayn na napapailing.
"Bakit?!" tanong ni Irish.
"Sana mali ang nasa isip ko." sabi naman ni Jhasmine. Nagtataka akong tumingin sa kanila.
"Sa tingin niyo gagawin niya yun?" tanong ni Cean.
"Sh*t da't sinama niya tayo!!" inis na sigaw ni Shaun Rain. Ano bang sinasabi nila?!
"May sinabi siya sakin kaninang umaga na isinawalang bahala ko dahil akala ko ay galit lang talaga.... Ngayon ko lang naintindahan ang sinabi niya." sabi ni Zayn.
"Ano bang sinabi niya?" tanong ko.
"Ang sabi niya ay 'pag kakita ko sa traydor na iyan ay hindi na ako magdadalawang isip na sunugin siya ng buhay na buhay.. antayin niya lamang ako ay malapit na ang kamatayan niya'"
O_____O
"Papayin niya si Rafael pag nagkita sila... tulungan niyo ako pigilan natin siyaa" sabi ko.
Hindi magawang magalit ng nararamdaman ko sayo Rafael. Alam kong hindi mo magagawa yon.
"Susunod tayoo.."
***
Eliana Pov.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal dito sa loob ng kwartong ito dahil wala manlang kabinta-bintana at napakadilim. Nakailang tulog na ako at nagugutom na rin ako.
Anong bang kailangan nila sakin at pati si Rafael ay ginamit nila?! Simula ng magising ako dito ay wala pa akong nakikitang may pumasok dito sa kwartong ito.
Wala akong katali tali maliban sa dalawang bakal na bracelet na nakasuot sa aking dalawang pulso na hindi ko matanggal tanggal. Madilim dito pero naaaninag ko ang buong paligid dahil may isang kandilang nakasindi sa tabi. Wala akong ibang nakikitang pinto maliban dun sa pader na may guhit na laki ng isang pinto.
Nakatitig ako doon ng bumukas ito at inuluwa ang isang nakangising babae.
Kasing edad ko lang ito at meroong maliit na tiarra sa kaniyang ulo.
Pamilya siya sakin...
"S-Sino ka?!" tumawa lamang ito at ngumisi muli.
"Talagang umepektibo sayo ang mahika ko, napakagaling!" natutuwa niyang sabi.
"A-Ano bang sinasabi mo..Sino ka?!" inis kong tanong.
"Simple lang, ako lang naman ang nawawalang prinsesa."
O__O
Nawawalang prinsesa......
To be continued...
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...