Chapter 37

1K 68 0
                                    

Chapter 37

***

Irish Pov.

"Malaki ba talaga tong Forest na toh?" tanong ni Roselyn habang naglalakad.

"Malay ko, di ko naman nakita ang mapa nitong forest na to, ikaw ba irish nakita mo ba yung mapa ng forest na to?" tanong sakin ni Cean.

"Hindi rin, si ate at si Tristan lang ang nakakita ng mapa at may hawak nun nung una nating punta rito" sabi ko, napasimangot na lamang si Roselyn. Halos di na namin malaman kung anong gagawin namin, kanina pakami lakad ng lakad at hanap ng hanap sa iba naming kaibigan pero hanggang ngayon wala parin kaming nakikita sa kanila kahit manlang isa, hindi na nga rin namin matandaan kung saan ang daan palabas rito dahil kanina lang ay napagusapan naming hanapin ang daan palabas at kung sakaling mahanap namin yung daan palabas ay isa samin ay babalik ng academy para manghingi ng tulong kay Ms. Shane para mahanap namin ang iba, pero kahit ang daan palabas ay hindi na namin mahanap ngayon.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kanila habang naglalakad parin kami.

"Wala tayong ibang magagawa kundi hanapin yung iba para mabilis tayong makalabas dito" sabi ni Cean na diretso lang ang tingin sa daan.

"Pero kanina patayo hanap ng hanap sa kanila, dapat ay may iba tayong gawin" sabi ni Roselyn.

"Wala na nga tayong choice.... bakit may naisip ka bang ibang paraan?" tanong ni Cean na parang naiinis dahil sa walang maisip na paraan.

"W-Wala...."-Roselyn.

"Han---" di ko natapos ang sasabin ko ng biglang nagsensyas si Cean samin na manahimik. Pinakinggan namin ng mabuti ang paligid ng may marinig kaming agos ng tubig, mahina lang ang naririnig naming tunog marahil ay malayo kami roon ng kaunti.

Sinundan lang namin ni Roselyn si Cean na maglakad patungo kung saan nagmumula ang tunog ng agos ng tubig. Naglakad lang kami ng naglakad at palakaa narin ng palakas ang tunog ng agos ng tubig. Hindi pa kami nakakalapit doon ay napatigil si Cean sa pag lalakad kaya napatigil rin kami.

'' May tao doon wag kayong maingay "bulong niya samin. Agad naman akong kinabahan dahil doon.

'' Hindi kaya serena iyon? "kinakabahang bulong sa akin ni Roselyn na mas lalo kong ikinadagdag ng kaba sa aking dibdib.

"Shhh.." patahimik samin ni Cean habang ang hintuturo niya ay nasa tapat ng kanyang labi. Sinilip namin kung sino ang tao roon pero hindi namin malaman kung ano o sino yun dahil natatakpan ito ng halaman at kung mas lalapit kami o hahawiin ang halaman ay tyak na mapapansin nila kami, malapit kasi sila sa aming pwesto. Sa isang maliit na talon  nagmumula ang agos ng tubig na aming naririnig kanina.

Napakalinis ng tubig nito at magaganda at maayos ang mga halamang nasa paligid nito, hindi katulad ng mga halamang aming nadadaanan kanina, mga patay na ang mga halaman na iyon. Ano ba ang gagawin namin? Hindi pwedeng dito nalang kami hanggang mamaya. Gusto kong makausap si Cean na umalis nalang kami o kaya kung ano mang gagawin namin ay gawin na dahil hindi pwedeng nandito lang kami na nagtatago, pero hindi ko siya makausap dahil sa takot na baka marinig kami.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon