Chapter 58
Ayaw na kitang makita***
ELIANA’S POV.
Ilang linggo na ang lumipas at unti unting nagbabago ang lahat...
Hindi ko maintindihan.... Ang sakit sa pakiramdam.... Ang sakit sa dibdib na para bang araw araw nalang ako tinutusok ng maraming pako sa dibdib ko...
Sa ilang linggo na lumipas ay hindi ko na sila masyadong nakakasama. At sa ilang linggo ring yun... hindi ko naranasang sumaya.. lahat nalang ng bawat ngiti... bawat tawa... peke. Peke lahat... mapakita ko lang sa kanila na ayos lang ako.. pero ang totoo? Sobrang hindi ako ayos. Wala oras na hindi nawala sa isip ko ang pag uusap namin ni Elisha non. Gusto ko ng mapagsasabihan pero bawal.. mapapahamak lamang si Rafael at ang kapatid niya.
Naawa ako kay Rafael... Nawalan siya ng ina.... at ngayon nakakulong naman sila ng kapatid niya... Sinisisi ko yung sarili ko dahil kasalanan ko naman talaga. Ako naman kasi talaga ang target nila eh at dahil sakin nadamay pa siya.
Tuwing nakikita ko si Elisha ay gustong-gusto ko siyang parusahan sa lahat ng ginawa niya.. pero kung gagawin ko yun sa sitwasyon ngayon ay ako lang ang magmumukhang masama.
"Eliana!" tawag sakin ni Marianne kasabay ng mahinang pag tulak niya sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Mm.. bakit?" pilit ngiti at kunwaring siglang sabi ko sakaniya.
"Alam mo hindi ko na matiis.. ilang araw, ilang linggo ka ng ganyan.. ano bang problema? Pede mo naman sabihin sakin ih" sabi ni Marianne, kita ko ang pagaalala sa mga mata at ayaw kong makita iyon.
"Wala.. kaya wag kang magalala, okay?" sagot ko na ikinasinghap n lamang niya.
Nasa dorm nga pala kami.. dito siya nagdodorm dahil daw para may kasama ako. :)
Si jhasmine kasi... nandun siya nakadorm kasama si Elisha, wala daw kasing ka dorm mate si Elisha.
"Tara Eliana, for sure inaantay na tayo nila Shaun at Roselyn dun" sabi ni Marianne.
Ngumiti na lamang ako ng pilit at sumunod na sakaniya. Ayaw ko man sanang sumama ngunit wala akong magagawa.
Training kasi namin ngayon at kasama sila Jhasmine... lahat kaming prinsesa't prinsipe.. pumayag din si Sir Tyler na sumama si Marianne kaya kasama namin siya.
Nakasalubong namin sina Roselyn at Shaun sa hallway kaya sabay na kaming dumating sa Training Room.
Pagkarating namin dun ay parang unti-unti nanamang dinudurog ang puso ko dahil pagkapasok ko mismo ay hinalikan ni Elisha si Tristan sa labi. Bakas ang pagkagulat ni Tristan dun ngunit ngumiti lamang siya pagkatapos... sila Cean naman ay tuwang tuwa at inaasar pa sila tristan.Shitt ansakit.. kailan ba matatapos to..
Nagulat nalang ako ng bigla akong hilain ni Roselyn at pinaupo.
"May gusto ka kay Tristan, hindi ba?" tanong ni Roselyn sakin na ikinayuko ko nalamang.
"Wag mong ikasanayang lagi siyang tignan... ako ang nasasaktan para sayo" nakangiti niyang sabi.
"Pati ako.." gulat akong napalingon sa likod ko ng magsalita si Shaun, "pati ako nasasaktan tuwing nakikita kong nasasaktan ka pag nakikita mo siyang kasama si elisha.. alam kong wala na akong pag-asa sayo at tinatanggap ko yon pero wag mong hayaan na masaktan ka ng ganyan.. iwasan mo nalang siya Eliana... may elisha na siya wala na tayong magagawa dun" malungkot na sabi ni shaun. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko na lalong ikinasikip ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...