Chapter 18

1.2K 69 0
                                    

Chapter 18
Potion Class

***

Nakahiga ako ngayon at pinagiisipan ang mga napagusapan namin ni Cean kanina.

~~flashback~~

"Tulungan mo ako Eliana, ayaw kong galit siya sa akin" sabi niya. 

"Ano ba ang magagawa ko para matulungan ka?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung paano pero gusto ko lang naman ay makausap siya para maipaliwanag ko sakanya na hindi ko iyon sinasadya,pero ayaw niya akong makausap" nakayuko niyang sabi.

"Sige Cean tutulungan kita ako na ang bahala, mag iisip ako ng paraan para mag kausap kayo'' sabi ko. Napangiti naman siya sa aking sinabi.

"Salamat Eliana, aasahan ko ang tulong mo" masaya niyang sabi.

~~~End of flashback~~~

Kaya iniisip ko ngayon kung paano ko sila mapaguusap. Hindi ko papala nakakausap si Irish kung ano ang napag usapan nila ni Jhasmine kanina.

*****

Nag aral lang kami ni Goddess Liarra sa pag cocontrol ko sa kapangyarihng tubig kagabi. Lumabas na ako ng kwarto at nakaayos narin dahil may pasok pa kami.

"Good morning Jhasmine" bati ko sakanya.

"Good morning" nakangiti niyang sabi. Totoo ang ngiti niya mukhang masaya nman ang umaga niya pero parang di kumpleto ang saya nya, may kulang dahil may nakikita rin akong lungkot sa mga mata niya.

"Tara na pasok na tayo'' sabi ko.

****

Sa totoo lang wala pakong naiisip na plano para makapagusap sila Cean at Jhasmine.

Nakaupo kami sa Classroom ngayon at nag aantay na lamang sa aming guro.

"Good morning" bati ni Ms. Luciana.

"Good morning Ms. Luciana" bati namin.

****

Nakatulala ako habang nakatingin sa mga boteng nasa aking harapan. Nasa isang potion Class kami ngayon at ito ako di malaman ang gagawin. Ano nga ba kasing alam ko dito?!

Samantalang itong kapartner ko nakadukmo sa kanyang desk. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol dito
Kaso ang seryoso ng mukha nyan simula kanina pa Ewan koba kay Ms. Luciana ay yan pa ang pinartner sa kin. Para kasing pag kinalabit ko to ay magiging abo ako haysss......

Kanina pa tapos sila Jhasmine, Cean, Irish, Zayn, Roselyn at Rafael. Pero bawal sila tumulong kaya hanggang tingin nalang sila.

Tinignan ko yung papel na bigay ni Ms. Luciana.

"Luha ng dragon" basa ko at tinignan isa isa yung nga bote.

Ano ba kasi rito iyon?

"Sampung minuto na lamang" sabi ni Ms. Luciana.

Wala na akong nagawa kundi mag saboy ng kung ano sa aming kawa nagulat ako ng bigla itong umusok ng itim.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon