Last Chapter
***
MARIANNE'S POV
Ilang araw matapos mangyari ang kaganapang iyon ay marami na kaagad ang nagbago. Madaming namatay na katulad namin ngunit pasalamat na lamang kami dahil may mga natira pang buhay samin katulad ko at ni bryan.
Wala na ang reyna ng Encantasia at ikinulong ang hari. Dahil nalaman ng lahat ang kanilang kataksilan.
Hindi ko man alam kung ano man ang past nila ngunit nasaksihan ko ang present nila.
Malayo ako nun kitang kita ko si Eliana na pinatay ang hari ng mga kalaban. Masaya akong makita siyang bumalik , masaya akong masaksihan at malaman na siya ang itinakdang magliligtas at tatapos sa kasamaan.
Pero agad napalitan ng gulat at takot ang mga ngiti ko ng oras na yun ng makitang lapitan siya ng reyna at saksakin siya ni Elisha. Tumakbo ako ng mabilis upang makapaunta sa kanya ngunit malayo ang kinaroroonan ko. Naiinis ako ng mga oras na iyon dahil pakiramadam ko ay ang bagal bagal kong tumakbo.
Bago man ako makalapit ay tumigil na muna ako ng makita kong lumapit na sakanya sila Roselyn. Habang nakangisi naman sa gilid si Elisha. Ngunit bago pa makaalis si Elisha ay nanigas siya ng parang bato at tila nawawalan din ito ng hininga. Bumaling ang tingin ko sa kung saan nanggagaling ang kapangyarihan.... At nanggagaling ito kay Irish at Jhasmine. Kitang kita sa mga mata nila ang galit ,habang tuloy tuloy ang mga buhos ng luha nila.
Naiiyak narin akong nagpatuloy sa paglalakad papalapit kay Eliana. Pero letseng napatigil muli ako dahil sa gulat ng mabilis na tumayo si Tristan at gumawa ng malaking apoy saka hinagis ito kay Elisha.
Ayun ang huling kita ko kay Elisha hindi ko alam kung patay na ba siya o buhay pa. Dahil pakiramdam ko ay wala akong pakialam na mag tanong at hindi ko narin sadyang ginawang mag tanong dahil hindi ko na masyadong inisip ang tungkol sakanya.
Kung napapaisip ka kung sino ang pumalit na reyna.... Ito ay ang tiya ni Eliana. Ikinulong siya nung mga nakaraan pa kaya pala hindi namin siya masyadong nakikita. Siya ang pumalit na reyna.
----
Isinama nila ako sa kanilang salu-salo sa palasyo upang ipagdiwang ang pagkapanalo namin. Ngunit hindi rin talaga namin maiwasang mawala ang lungkot na aming nadarama.
Lumapit ako kay Roselyn at kinalabit ito, ngumiti naman ito na nginitian ko naman agad pabalik.
"Halo-halo ang nararamdaman ko... Masaya akong narito na si Rafael at naipaliwanag niyang wala siyang kasalanan sa nangyari ngunit..."-Roselyn.
"Hey! Kumain na kayo!"nakangiting yaya ni Irish. Oo nga pala magkayos na sila. Nagkabati na silang magkakaibigan...
"Ahmm tara na"yaya ni Roselyn sakin.
Umiling naman ako,"mauna ka na muna"sabi ko. Kaya tumango naman siya saka naglakad papalayo.
Lumabas ako at pumunta sa hardin dahil gusto ko munang magpahangin. Napakasarap ng hangin dito parang gugustuhin ko atang matulog dito dahil sa magaan na pakiramdam na pinararamdam sakin ng hangin.
Umupo ako sa bermuda at nahiga.
"Miss ka na namin Eliana.."mahinang wika ko habang nakatingin sa mga bituin.
Pero agad akong napabangon ng mapansin kong may kasama ako rito sa hardin. Lumingon lingon ako sa paligid ng biglang may nagtakip ng bibig ko mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
Viễn tưởngEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...