Chapter 44
***
Shaun Rain POV.Tumatakbo ako papuntang canteen ngayon para bumili ng isang burger at pumunta agad ng kwarto ni Eliana dahil hindi ako papayag na maunahan nanaman ako ni Tristan sa pag babantay.
Pagdating ko ng Canteen ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makitang ang haba ng pila. Ang sabi kasi samin ni Jhasmine ay hindi kami pwedeng pumunta doon ng hindi pa kami kumakain ng lunch.
"Sayang pagtakbo mo bro" nakangising sabi ni Cean habang tinapiktapik pa ang aking balikat.
Tss ang bibilis naman nilang mag lakad."Saan galing yan?!" tanong ko sa kanila at tinuro si Tristan na kumakain ng sandwich habang naglalakad palapit sa amin.
"Baon niya yan dude" natatawang sambit ni Zayn sa akin. Tss bakit nga ba kasi di ko naisipang mag baon?!
Dalawa ang hawak na sandwich ni Tristan at mukhang nagsisimula palang niyang kinakain ng isa dahil unti palang ang kagat niya doon.Lumingon ako sa paligid at nakita ko yung isang babaeng may hawak na tray ma may lamang isang spaghetti at isang orange juice, nilapitan ko agad ito.
"Hi Ms!"tawag ko sakniya kaya napalingon naman siya saakin.
"H-Hello"nahihiya niyang sambit. Yun! Mukhang pwede! Sana naman gumana.
"Ang sexy mo naman" sabi ko sakaniya with my husky voice.
"A-Ahh t-talaga?" nahihiya ngunit nagpapacute niya ring sabi.
"Alam mo bang nakakataba yang hawak mong pagkain? Iwasan mo yan sayang naman ang pagkasexy mo" sabi ko with matching kindat.
"Ay Oo nga ahmm... sige dikona kakainin to oorder nalang ako ng hindi nakakataba" sabi niya na hindi na nahihiya pera nag papacute parin.
"Osige order kana, akin na muna yan" sabi ko at kinuha sakaniya yung tray.
"Sige antayin moko dyan haa!"sabi niya ng nakangiti saka umalis para umorder ulit. Asa naman siyang aantayin ko siya tss... pero thanks to her dahil hindi ko na kailangan pumila. Hihihi.
"Ohh bilis naman nyan. Dat sinabay mo na kami ng order, gutom na rin ako eh" sabi ni jhasmine. Napatingin naman ako kay Tristan na malapit ng matapos sa pag kain kaya agad kong sinunggaban ng kain ang spaghetti.
Subo
Nguya
Subo ulit ng marami
Nguya
Subo ulit agad
Nguya
Nabulunan ako!!
Inom ng juice agad
Subo ulitt
Nguya
Subo ulit agad
Hanggang sa maubos ko agad spaghetti. Pero agad nanlaki ang mata ko ng naglalakad na paalis si Tristan kaya agad akong tumayo at tumakbo.
Ng maabutan ko siya ay nakita ko ang mukha niyang nakangisi, binilisan niya ang lakad niya kaya mas tumakbo ako. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makapasok na ako ng dorm nila Jhasmine at pumasok sa kwarto ni Eliana.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...