Chapter 29
***
"Eyu ayos ka lang?" nagaalalang tanong sa akin ng babae.
"May masakit ba sayo? Patawad dapat ay dikita binitawan kanina" naluluhang sabi nung babae.
Hindi ko maintindihan, bakit niya ako tinatawag na Eyu? Niyakap niya ako, Ramdam ko ang tulo ng kanyang luha sa aking likod. Ramdam ko rin ang tuloy tuloy na buhos ng aking luha. Nakakaramdam ako ng takot.
Nanlaki nalang ang mata ko ng may tumama na pana sa likod nung babaeng nakayakap sa akin. Lalo akong lumuha sa nangyari at halos magsisigaw sa sakit ng nararamdaman. Sobrang sakit saakin na makita itong babae na unting unting bumagsak.
"E-Ey..u" banggit niya at tuluyan ng nawalan ng hininga. Mabilis ko siyang niyakap at mas naiyak pa.
Hindi ko siya kilala pero bakit ganon sobrang sakit ng epekto saakin ng pagkamatay niya.
"Elianaaaaaa!!!!!!!!!!!!GISENG!!!!!!!! " sigaw ni Jhasmine saakin, agad kong iminukat ang aking mata. Nanaginip nanaman ako.
"Umiiyak ka naman habang natutulog sumisigaw sigaw ka kanina kaya pumunta agad ako dito" sabi niya na nagaalala.
"Anong isinisigaw ko?" pagbabakasali na baka pangalan ang isinisigaw ko.
"Sabi mo kanina 'WAAAAAAAH!!!" sabi niya at isinigaw rin yung huli. Napatakip na lamang ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Ganon din ba kalakas ang pag sigaw ko kanina?"
"Ahmm.. Oo kaso yung sigaw mo may pag piyok dahil umiiyak ka. Grabe nga paghagulgol mo jan kanina" sabi niya pa.
“Isang bangungot nanaman ba?”nagaalalang tanong niya.
“Mukhang ganon nga”sagot ko.
"Oh sya tumayo ka na riyan may pasok pa tayo" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Napahawak ako sa dibdib ko, ambilis ng tibok nito at ramdam na ramdam ko. Ramdam ko parin yung sakit na naramdaman ko kanina sa panaginip ko. Haysstt mabuti pa't iligo ko nalamang toh.
***
Irish Pov.Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Roselyn na ang ngiti ay hanggang taynga. Ano nangyari don?
Tapos niyan tinawag niya ako.
"Irish!!!" tili niya. Ang ingay talaga nito.
"Bakit?" tanong ko.
"Ahh kasi may good news ako sayo" sabi niya sakin kaya nakinig ako. Siguraduhin mo lang na good news talaga yan.
"Sa susunod na daw na linggo ang labanan kaya daw maghanda tayo" sabi niya kaya napasimangot naman ako.
"Yun lang naman pala eh... bakit ang saya saya mo?" tanong ko pero iniwan ako ng babaitang iyon. Tignan mo bigla bigla nalang nagiiwan hay nako!.
Pagdating ko ng Classroom, katulad parin nang dati may mga maiingay parin. Nandun na sila ate nakaupo. Lumingon naman ako kay Marianne na nakikipag bangayan dun kay keisha na kaibigan nila.
Naupo ako sa tabi ni Eliana. Sa pwesto ko. Napalingon agad ako sa kakapasok lang na si Roselyn abot tenga ang ngiti niya halatang halata ang pag kasaya niya. Kasunod nito ang adviser namin sa likod niya na si Sir. Hades.
Umayos kami ng mga upo namin. Kasunod na pumasok ni Sir. Hades ay si Sir. Ramis. Anong ginagawa ni Sir. Ramis dito?
"Class, Starting today I am not longer your adviser" sabi ni Sir na ikinabigla namin. Wag mong sabihin na----
"Ako na ang adviser nyo simula ngayon" maotoridad na sabi ni Mr. Ramis. Paktay, sa daming guro dito sa Academy pero bakit siya pa?
Nagpaalam na si Sir. Hades na umalis at pumunta na sa harap si Sir. Ramis.
"Bago ako magsimulang magturo sainyo gusto kong baguhin ang sitting arrangement nyo dahil ayaw ko na may nagkwekwentuhan sa oras ng klase ko." sabi ni Sir, hala sir wag naaa baka kung sino pa makatabi ko dyan di ako makakopya pag exams charooot. Di kasi ako sanay na diko close ang katabi ko. Aishh bahala na.
Andaming nagreklamo sa mga kaklase ko pero syempre ayaw nilang marinig o malaman ni Sir na nagrereklamo sila dahil parusa abot nila.
"Stand up students and get your things!" Sir. Ramis said.
"First row, Jasper dun ka sa right side sa dulo, next to him, Jerelle, next Bright , next Cherry, next Clint, next Trish."
"Second row, simula sa left, Janelle, next to her Bryan, next Roselyn, Rafael, Marianne and Irish" naupo agad ako sa pwesto ko pagkabanggit ng pangalan ko. Haysst buti naman at si Marianne lang ang katabi ko, okay naren. Makikita sa mukha ng mga kaklase ko ang hindi pag sang-ayon sa nagaganap sa oras na ito.
"Third row, simula right. Zayn.., Cean, Tristan and Eliana" sabi ni Sir.
"Hi Irish" nakangiting sabi ni Zayn sa likuran ko. Shemay!! Bat yang mokong na yan ang nasa likod ko?! Tiyak na bwibwisitin ako niyan. Diko nga katabi nasa likod ko naman kalabit ng kalabit sa balikat ko. Kung Minamalas ka nga naman.
"Ahmm... Sir. Ramis" sabi ni Eliana kaya napalingon kami sakanya. "Sino po yung katabi ko sa kaliwa?" napansin ko rin yung bakanteng upuan sa tabi niya. Oo nga noh? Hindi naman sila naglalagay dito ng sobrang upuan, laging sakto lng.
"Kasi ma----" di natapos ang sasabihin ni sir ng may kumatok.
Eliana Pov.
Binuksan ni Sir ang pinto. Pumasok ang isang lalaking nakayuko.
"Siya ang bago nyong kaklase, please introduce yourself"
Inangat nito ang ulo niya "I'm Shaun Rain Garcia" nakangiti niyang sabi.
!
!
!
O__O
!
!
!Anong ginagawa niya dito?!!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...