Chapter 25
***
Dinilat ko ang aking mga mata matapos ang lumiwanag ng aking kwintas. Nilibot ko ang paningin ko, nasa loob ako ng isang malaki ang magandang bahay, ang ibang mga kagamitan at mukhang gawa sa ginto at kimikislap pa ang paligid dahil sa sobrang linis.
"Goddess Liarra?"tawag ko sakanya ng hindi ko siya makita.
"Hello Eliana!"napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng bigla itong lumitaw sa harapan ko.
"Ano naman ang gagawin natin ngayon, Goddess Liarra?" tanong ko. Dahil kahit anong isip ko ay hindi ko talaga maisip kung anong klaseng training ang gagawin namin sa loob ng bahay na may mga halatang mamahaling mga kagamitan.
"Tuturuan kitang kontrolin ang mga bagay. Palutangin, o paggalawin, iyan ang gagawin mo ngayon"nakangiting sagot saakin ni Goddess Liarra. Napangiti rin ako at naexcite sa narinig.
Lumipas ang ilang oras at mukhang hindi pako nasanay kay Goddess Liarra. Sa loob ng ilang oras na aking binanggit, pinagbuhat niya lang naman ako ng mga kung ano anong bagay. mayroong mga pinggan, libro, bato at kung ano-ano pa. At hindi lang yun, nasaloob kami ngayon ng isang silid na may napakaraming libro at bookshelf. Yes, magkahiwalay dahil walang laman ang mga bookshelf at nakatumpok lang sa sahig ang mga libro.
Inutusan ako ni Goddess Liarra nailagay ang lahat ng libro sa Sampung bookshelf na naririto sa loob ng silid, magrereklamo pa sana ako ngunit agad na naglaho siya sa tabi ko. Wala na akong nagawa kundi gawin ang ipinagagawa niya saakin. Nung una ay ayos lang ngunit nung tumatagal ay nahihirapan at nangangalay narin ako. Mabuti sana kung may Cart na mapaglalagyan ko ng mga libro, ngunit walaa! Hawak at dala-dala ko lang ang mga libro at ang iba ay mabigat pa dahil mayroong makakapal.
"Goddess Liarra! Ayaw kona, pagod nako. Ang sabi mo tuturuan mo ako ngunit pinagbuhat at pinagod mo lang ako"sigaw ko kahit hindi ko alam kung maririnig ba ako ni Goddess Liarra. Hindi naman sa mareklamo ako o madaling sumuko pero hindi ko lang kasi talaga alam kung bakit kailangan ko yung gawin. Syempre kailangan mong malaman ang pinaglalaban mo noh para alam mo kung talagang hindi mo susukuan ang bagay na iyon.
" Sumusuko kana? Akala koba ay gusto mong matututo"hindi na ako nagulat sa biglang paglitaw niya sa harapan ko dahil mukhang hilig niya yon.
"Hindi naman po sa ganon, hindi ko lang maintindihan"sagot ko sakanya.
"Malapit ka ng matapos ngunit ngayon mo lang naitanong yan? Dalawang shelf nalang ang walang laman at ngayon kapa susuko? Nagsimula ka ng hindi mo maintindihan ang ibigsabihin ng ginagawa mo. Bakit hindi mopa tinapos upang malaman mo ang sagot? Tumigil ka , nag-isip, at nagbabalak sumuko. Sa tingin mo malalaman mo ang sagot? Alam mo, nagsayang kalang ng oras."
Hindi ako nakaimik. Hindi ko rin namalayan kanina na dalawang shelf nalang ang walang laman. Ang laman lang ng isip ko ay ngalay at pagod nako.
" Nasa saiyo kung gusto mong magpatuloy. Hawakan mo ang kwintas kung susuko kana, diretso kang magigising sa kwarto mo pag ginawa mo yon,"sambit ni Goddess Liarra. " Maging positibo ka at wag ang mga paghihirap mo ang isipin mo, kundi sa kung ano ang kalalabasan at sa kung ano ang matututunan mo."matapos nun ay naglahong muli si Goddess Liarra. Napatulala ako at napaisip sa huling mga salitang binitawan niya. Tinignan ko ang mga librong nasa sahig at ang kwintas ko.
Humakbang ako papalapit sa mga libro at dumampot roon. Malapit ng matapos, ngayon paba ako susuko?
Matapos ng halos isang oras ay dinampot ako ang nagiisang makapal na libro sa sahig, napangiwi pako dahil sa bigat nito, nang matantya kona ang bigat nito ay lumapit ako sa huling bookshelf. Napabuntong hininga ako ng makitang kapantay ng ulo ko ang nagiisang espasyo para sa librong hawak ko. Tiis bigat ko siyang inilagay doon at napangiti rin nang magawa ko yon. Nakakailang hakbang palang ako papalayo roon ng may marinig ng tunog, nilingon ko ang shelf na nilagyan ko nung huling libro.Gulat na patakbo akong pumaroon ng malalaglag ang librong kalalagay ko lamang. Napapikit ako nakahanda ang kamay ko pansalo pero walang lumapat na libro sa kamay ko, pati ang tunog ng pagbagsak nito sa sahig ay wala akong narinig.
Minulat ko ang kanang mata ko at sumunod ang kaliwa dahil sa gulat nang makitang nakalutang ang librong iyon.
"Kailangan mong malaman ang ibat-ibang klaseng bigat ng mga bagay upang makontrol at mapalutang mo sila. Binabati kita Eliana, nagawa mo" huling salitang narinig ko bago nagdilim ang lahat.
****
This is it! Kakagising ko lang at lumabas ako ng dorm para mag pahangin lang saglit.
"Eliana!" sigaw ng isang babae. Who the heck naman is she? Bakit kilala niya ako?
"Uhmmm.. kilala ba kita?" tanong ko sakanya ng nay mataray na boses. Napasmirk lang siya saakin at tsaka ngumiti.
Ewan ko ba pero iba ang mood ko ngayon.
"Oh sorry, I'm Vera Santiago by the way. I'm one of the transferee from the North and I am also going to be one of your groupmates in the mission" mahabang paliwanag niya saakin. So siya pala si Vera.
"Nice to meet you Vera. Mauuna ako sayo. Babalik na ako sa loob para maligo at mag ayos. 3am palang naman so, see you later" sabi ko na lang at tsaka umalis na sa harapan niya.
Pumunta na ako sa loob at tsaka naligo. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at tsaka ng T-shirt. Nag rubber shoes na lang ako at tsaka pinusod ang buhok ko.
Ready na ko.....
Tinignan ko ang oras. 4:40 palang naman. Kinuha ko na yung bag ko na may lamang extra damit, pagkain, tubig, at kung ano ano pa.
Dumaretso na ako sa gate at nakita ko na agad si Marriane at Vera at may dalawang lalaki din. Naguusap usap sila ng makita ko. Napatingin naman sila saakin ng dumating ako.
"So i guess ready na kayo" sabi ni Ms. Shane mula sa likod ko.
Pumunta siya sa unahan at tsaka dahan dahang iwinawasiwas ang kamay niya para gumawa ng portal.
"Tergios ima atsol fo tre" pagsabi niya ng magic spell ay lumabas ang isang malaking portal. Isa isa naman kaming pumasok doon at tsaka bumungad saamin ang isang nakakatakot na tanawin.
Nandito na nga kami. Ang napakaganda at napakaaliwalas na forest. But you'll never know that creatures are staying to that forest.
Beautiful but dangerous...
Di na ako makapag intay alamin kung anong ang nandito....
To be continued...
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...