Chapter 49
***
Eliana Pov.Simula ng sampalin ako ni Irish dahil sa bagungot ko ng madaling araw ay hindi na ako nakatulog pang muli.
Miss na miss ko na si lola, kailan ko ba siya makikita muli?
Apat na oras akong tulala sa dingding na kawayan ng kwarto hanggang sa lumiwanag na. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto, pagkalabas ko ay nakasalubong ko agad si Goddess Liarra ngumiti lamang ito at inaya akong magkape.
"Kailan na ang muli nating pagsasanay?"mahina kong tanong. dahil wala akong ibang maisip na itanong sakaniya upang makausap siya.
"Kapag umilaw na ulit ang kwintas mo...." sabi niya ng nakangiti at humigod sa kape niya, "Hindi na tayo lagi magkikita eliana, kaya bihira nalang iilaw ng kulay puti iyang kwintas mo" isa papalang katanungan ang kwintas na ito.
"Ano bang nagagawa ng kwintas na ito? Alam kong hindi lang ang pagkikita natin ang magagawa nito" sabi ko. Humigop muli siya ng kape at ngumiti. Bat ang hilig ngumiti ni Goddess Liarra?
"Siguro oras na para ang tungkol dyan ay malaman mo.." sabi niya at humigop ulit sa kape niya at pinatong na ito sa lamesang gawa sa kawayan, "Kung naisip mo na katulad ng kwintas mo ang kwintas nila keisha.. ay tama yun.. pero iba ang sayo, ang kwintas mo ay may kapangyarihan katulad ng nasa kwintas nila keisha pero ng lakas nito ay tatlong beses na mas malakas. At ang iyong ina..."paliwang ni goddess Liarra na pintol niya.
"Anong meron sa aking ina?" tanong ko.
"Nandyan din sa iyong kwintas ang ang kapangyarihan ng iyong ina" sabi ni Goddess Liarra na ikinabuka ng bibig ko.
"Pano? Pwede ba yun?"
"Bago mamatay ang ang iyong ina ay alam niya ng mamatay siya kaya kinausap niya ako para ilagay dyan sa kwintas ang lahat ng kapangyarihan niya oras na mawalan na siya ng hininga" paliwanag niya. Nagugulahan parin ako pano yun?
"Paano?" tanong ko.
"Haystt.. sa mundong ito eliana pede mong ibigay o isalin ang lahat ng kapangyarihan mo sa isang tao pero kamatayan ang kapalit noon... at nung panahon na namatay ang iyong ina ay ibingay niya muna ang lahat ng kapangyarihan niya sakin at nilagay ko diyan sa kwintas katulad ng gusto niya." Paliwanag ni Goddess Liarra.
"Paano ko ito maga-"
"Magandang umaga!" bati ni Zayn na mukhang kakagising lamang dahil may muta pa sa mata.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasíaEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...