Chapter 15

1.3K 70 0
                                    

Chapter 15
EYU

****

Apoy......

Ang daming apoy sa paligid.....

Ang daming sugatan.....

At ang dami rin patay......

Medyo dumidilim na rin.

Nakakatakot bakit ganon nasaan ba ako? Nanginginig na ako sa takot.

Marami akong naririnig na pag sabog, sigawan, at ang pagtunog ng mga espada. Naglakad lakad ako may mga nakita akong mga naglalaban.. nagpapatayan.

Anong nangyayari?

Nakatayo ako ngayon nanginginig sa takot at lumuluha na nang biglang may humawak sa braso ko.

Nakakatakot ang itsura niya katulad niya yung sumugod sa bahay namin na tatlong lalaki. Nagpupumiglas ako sa paghawak niya sa braso ko pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya.

'' kailangan mong mamatay hindi pwedeng matupad ang nasa propesiya!! "sigaw nung lalaki sa akin. Nakakatakot ang boses niya. Hindi ko maintindihan yung sinasabi niyang propesiya, ang naintindihan ko lang ay papatayin nya ako. Ayaw ko... ayaw ko pang mamatay hindi ako pwedeng mamatay!!

Sinakal niya ako at tinaas hanggang lumutang na ang aking mga paa. Nahihirapan na akong huminga wala akong magawa kundi umiyak.

'Ayaw ko pang mamatay hindi pwede' mahina kong sabi. Tuloy tuloy ang pag bagsak ng aking luha.

May hawak na espada ang lalaki at balak niya itong isaksak saakin. Nahihirapan na akong huminga... Mamamatay na ata ako... hanggang dito nalang ba talaga ang buhay ko?...

Isasaksak na sa akin ang espada pero bago niya iyun masaksak ay may humagis sakanyang water ball.

'' Eyu!!! "sigaw nung babaeng nag hagis ng water ball sa lalaki. Nabitawan na ako ng lalaki kaya habol hininga na ako ngayon pero tuloy tuloy parin ang aking pag iyak.

.
.
.

"Eliana!!" sigaw ng isang babae habang niyuyugyug ako. Kaya napangon agad ako pag dilat ko.

Isang panaginip.. isang masamang panaginip.

Napansin kong tuloy tuloy ang pag patak ng luha ko ngayon.

"Ayos kalang Eliana? Binabangungot ka ata kasi kanina sumigaw ka ng" ayaw ko pang mamatay'' "hindi ako pwedeng mamatay" kaya napapunta agad ako sa kwarto mo, pagpasok ko naman tulog ka hawak mo ang leeg mo at umiiyak ginigising kita kaso ayaw mong magising kaya tinawag ko sila'' sabi ni Jhasmine.

Napatingin ako sa tinutukoy niyang sila....

Sila Tristan, Irish, Zayn, Cean, Rafael, at Roselyn...

"Ayos ka lang ba Eli?" Nag aalalang tanong ni Roselyn.

"Ayos lang ako wag na kayong mag aalala isang masamang panaginip lang'' sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha at ngumiti sa kanila ng pilit.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon