Chapter 40
***
Eliana Pov.Kanina pa ako badtrip na naglalakad kasabay itong dalawang tong kwentuhan ng kwentuhan. Pano ba naman ako hindi mababadtrip yung dala kong pagkain at yung binigay sakin na bag ni keisha na may kasama ring pagkain ay inubos na nila kanina. Mga sarap na sarap pa ang mga loko sa pagkain at kampante na may pagkain pa para sa susunod.
"Eliana, sorry naa"sabi ni Rafael pero hindi ko pinansin. "Sorry na Elianaa,hindi naman kasi namin alam na last na pala yun eh"sabi naman ni Zayn.
"Kasibaan niyo kasi,pano nayan bukas??wala na tayong makakain!"inis kong sabi sa kanila. Andami kasi nun tapos hindi manlang nila tinipid! Ako nga kaunti lang ang kinain ko tapos sila inubos na nila!
"Maghahanap nalang kami ng makakain natin"sabi ni Rafael.
Ano sa tingin niya?makakahanap siya ng pagkain dito sa gubat na ito? Eh halos patay na nga lahat ng halaman dito. May nadaanan nga kaming batis na halos matuyot na tapos makakain pa kaya?"Sige nga, sa tingin mo makakahanap ka ng makakain natin dito?"tanong ko sakaniya at lumingon s kaniya habang nakapamewang.
"Hehehe oo nga noh, wala pala ako mapagkukunan" sabi niya at sabay napakamot sa batok.
"Mabuti nalang at may isang tumbler na tubig pa tayong maiinom" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nanatili lang kaming tahimik habang naglalakad mabuti nalang at hindi nila sila umimik dahil maiinis lang ako sa mga boses nila.
Lalo akong naiinis sa dinadaanan namin dahil para lang kaming umikot, bakit ganon?!!! Tinignan ko yung paligid at para ngang nadaanan na namin ito.
"Bakit parang umikot lang tayo?!" inis ko tanong. '' Zayn painom ngang tubig "sabi ko sakaniya dahil gusto ko munang mawala manlang yung inis ko sa pamamagitan ng pag inom ng tubig dahil nauuhaw narin ako.
"Ahmm.. Eliana... wala ng tubig, may butas pala yung tumbler" sabi ni Zayn. Shett kalma self kalma..
"Si Rafael kasi binagsak ata kanina" sisi niya kay Rafael. "Anong ako? Eh ikaw ang may hawak niyan eh" sagot naman ni Rafael. "Ikaw may hawak nito kanina" sabi ni Zayn.
"Oo ako nga may hawak pero hindi ko binagsak yan baka ikaw?" sabi naman ni Rafael. Mga bwisit na toh nag sisihan pa nakuuu bwisit talaga naiinis na talaga ako.
"Luh! Wag ako ang sisihin mo, mas lalong hindi ako ang nakabagsak nito" sabi naman ni Zayn.
"EIHHHHHHH!!!!!!! BWISETT!!!" tili ko ng malakas at tumakbo papunta sa kanang direksyon. Hindi ko na kaya, naiinis na talaga ako sa dalawang yun kahapon pa, ngayon alam ko na kung bakit madalas ay inis na inis si Irish at Roselyn sa dalawang iyon. Bakit kasi sa dinami-rami ng makakasama ko ay sila pa talagaa...
Agad naman akong napatigil. Shit! Wrong move, dapat hindi ako humiwalay sa kanila. Pinakinggan ko yung paligid at halos mangiyak ako ng ang tahitahimik. Sumubra ata ang pagkalayo ko sa dalawang iyon...
Nakakainis naman eh!! Bakit ko pa kasi pinairal yung inis ko edi yan tuloy! Magisa nanaman ako, Pinagtagpo lang ata kami ng tatlong yun para makakain sila ng ilang araw tapos ngayong wala ng pagkain nagkahiwalay na kami.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...