Chapter 12

1.3K 73 2
                                    

Chapter 12
Water

***

Dinilat ko ang aking mga mata.

Puro puti! Bat parang naiba ang higaan ko? Nasan ako? Nandito nanaman ba ako sa lugar ni Goddess Liarra?

"Oh gising kana pala! Pasensya na wala ako pag dilat mo, nag CR lang kasi ako"

Nilibot ko ulit ang paningin ko at dun ko napagtanto na nasa Clinic ako.

"Anong nangyari?"

"Hala! Nagkaamnesia ka?"gulat na tanong ni Roselyn.

Si Roselyn lang ang nandito para bantayan ako.

"Wag kang O.A! Ang huli ko kasing naalala ay tumatakbo ako sa field kahit masakit ang katawan ko"sabi ko.

"Ahh.. kala ko amnesia na eh haha, tumatakbo ka non ng bigla ka anlang himatayin, buti nalang nasa likod mo si Tristan nung time na yun kaya nasalo ka niya, at siya nga rin pala nagdala syo dito" sabi ni Roselyn.

"Ahh.. eh nasan na siya?" Tanong ko.

Tumingin siya sa Orasan "Nasa training room na sila tapos narin kasi ang lunch break" sabi niya.

"Kanina mo paba ako binabantayan?"tanong ko.

"Hindi, ngayon lang din pag katapos ng lunch break. Kaninang umaga nung time ni Sir. Hades si Tristan ang nagbantay sayo, tumakas sa pagtakbo ang loko! Tas sila jhasmine at Irish na ang sumunod na nagbantay sayo.
Alam mo ba kanina nag away si Zayn at Cean mga nagtatalo kung sino ang magdadala sayo dito sa Clinic mga gusto kasing tumakas sa pag takbo "

Magsasalita na sana ko ng magsalita pa siya.

"Sasali pa nga sana si Rafael sa pagtatalo nila kaso eto namang si Tristan agad kang binuhat at dinala rito sa Clinic kaya wala na silang na gawa haha, dapat nga bumalik agad yun pag dala nya sayo dito kaso di na bumalik tumakas rin mukhang ayaw rin tumakbo ng loko!" Natatawang kwento niya sakin.

"Tinatanong ko lang kung kanina kapa ba dito tas andami mo ng sinabi" natatawang sabi ko.

"Ay hahaha pasensya na sa pagiging madaldal ko ah" sabj niya

"Haha ayos lang, ahmm... Roselyn Salamat nga pala sa pagbantay saakin dito sa Clinic ah, dahil sakin di ka tuloy naka pag training"

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon