Chapter 5
Kingdoms***
Nasa dorm kami ngayon ni Jhasmine kakauwi lang namin kanina. Si Irish naman nandun na sa dorm nila.
"Ganto ba talaga dito? First day labanan agad?"Tanong ko. Sa dati kong school ay wala pa kaming ginagawa pag first day. Sabagay nasa kakaibang school ako.
"Gusto lang nila makita ang kakayahan natin kaya ganon" sabi ni Jhasmine. Nagiging interesado ako sa mundo at paaralang pinasukan ko.
Bukas kaya anong naman ang aming gagawin?......
****
Nagising ako dahil sa araw na tumapat sa aking pisngi mula sa bintana.
Sakto naman nun ay ang pag tawag saakin ni Jhasmine.
"Eliana!"
"Gising nako, saglit lang" kaagad na sabi ko.
Bumangon na ako sa aking higaan at naligo naren dahil may pasok kami ngayon. Pagkatapos ko mag ayos ay napagdisyon ko ng lumabas ng Kwarto.
"Good morning Jhasmine" bati ko sa kanya na nakaupo sa upuan.
"Good morning. Tara na sa Cafeteria tayo kakain" sabi niya, sa Cafeteria na kami kumakain ni Jhasmine kapag walang lutong pagkain dahil parehas kaming tinatamad magluto tuwing umaga.
***
Sa Classroom na kami dumaretso ni Jhasmine pagkagaling namin ng Cafeteria.
Pagpasok namin ay maraming mga nagkwewentuhan at naguusap, naupo na kami sa likod. Sa pwesto namin kahapon. Nandoon na si Irish na nakayuko mukhang natutulog ata.
Lumapit naman sakanya si Jhasmine at nilapit ang mukha niya sa ulo ni Irish, "Irish!" sigaw ni Jhasmine. Napatayo naman si Irish sa gulat.
"Tae ka ate kainis!"
"HAHA kung nakita mo lang yang facial expression mo baka matawa kadin HAHA" Sabi niya ng natatawa.
"Happy kana non?" Sabi ni Irish.
Naputol lang ang pagtawa ni Jhasmine nang dumating na ang aming guro.
"Good morning Class Eto ang unang pasok ko sa Section nyo at kung pwede ay pumunta kayo isa isa dito sa harap, ipakita nyo ang elemental magic nyo at ipakilala nyo ang inyong sarili" sabi ni Ms. Agatha
Nakalimutan kong nasa paaralan pala ako kung saan may mga kung anong kapangyarihan ang mga estudyante. Ano bayan andaming alam may palabas labas pa ng kapangyarihan.
Aishh ang sabihin mo self wala ka kasing kapangyarihan kaya mapapahiya kalang. Kasi naman bakit nga ba ako nandito at bakit ba ayaw pa lumabas kapangyarihan ko. Kung meron man talaga.Sa kakaisip ko kung anong gagawin ko si jhasmine na pala ang nasa harap ngayon. May binulong si jhasmine at nagkumpas ng kamay. Lumipad lahat ng gamit namin sa ere gamit ang kapangyarihan niyang hangin at binalik nya naman uli ito ng maayos.
"I'm Jhasmine Frenster-Air" sabi niya at umupo na.
Ang galing nung ginawa niya pano kaya yun. Sana all kaya yun. Nakikita kona yon sa mga Movie pero iba parin pala talaga pag personal mong nakita.
Tumayo naman si Irish at pumunta sa harap.
Wala siyang ginawa sa harap kundi nakatayo.
Wala ba siyang gagawi----
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...