Chapter 14

1.2K 71 1
                                    

Chapter 14
Paghinga sa tubig

***
Jhasmine Pov.

Tumayo na si Eliana at Tristan at pumunta sa gitna. Kanina napansin ko ang takot sa mukha ni Eliana pero ngayon na nasa gitna na siya Seryoso na ang kanyang mukha.

'' Go Eli!! "Sigaw ni Roselyn.

Eli??

Nagkatinginan kami ni Irish na parehas ang mukha na may pagtataka.

"Let's Start!!"sigaw ni Sir. Tyler.

Unang sumugod si Tristan na Seryosong Seryoso ang mukha. Sumuntok si Tristan pero nailagan ito ni Eliana.

Sunod nun ay sumuntok naman si Eliana pero nailagan din ito ni Tristan pero di niya alam na dinestract lang siya nun kaya di niya napansin na sisipain na siya ni Eliana.

Sadly hindi siya nakaiwas sa malakas na sipa ni Eliana kaya naman tumalsik siya.

"Ok so th--" magsasalita na sana si Sir nang mabilis na nagteleport si Tristan sa likod ni Eliana upang sipain ito but sadly naiwasan iyon ni Eliana pero di niya alam na susuntukin pala siya ni Tristan sa tyan buti nalang at nahawakan niya ang kamay nito at tinulak.

Malakas ang pagkakatulak ni Eliana kaya napatalsik ito ng malayo sakanya. Woahh iba talaga ang Girl Power ni Ate.

'' Go Eli!!!'' Cheer ni Roselyn. Natawa nalang kami ni Irish.

Nagteleport ulit si Tristan sa harapan ni Eliana. Ang lapit ng mukha nila sa isat isa. Nakita ko pang namula ang mukha ni Eliana.

Ano yun? Seryoso? Namula si Eliana? Woahhh i smell something ahh....

Pero napalitan yun ng pout ng sipain siya ni Tristan. Pero agad namang lumayo si Eliana.

'' Nice kick "nakangising sabi ni Eliana. Pagkasabi nun ni Eliana ay agad naman siyang sumipa kay Tristan.

Natamaan si Tristan kaya napalayo ito. Sumugod naman si Eliana kay Tristan na puro suntok. Puro iwas naman si Tristan kaya di niya namalayan na sisipain siya sa ulo ni Eliana.

Mabilis ang pangyayaring iyon kaya hindi na nakaiwas si Tristan. Kaya natumba ito. Lumayo naman si Eliana.

Pero hindi talaga nag papatalo si Tristan kaya agad itong tumayo. Pero hindi iyon napansin ni Eliana dahil nakayuko siya sa pagod.

Yun ang pagkakamali na dapat hindi niya ginawa kaya agad na nag teleport si Tristan sa likod niya at agad itong sinipa ng malakas. Tumalsik si Eliana at nawalan ng malay.

Nagulat kami sa nangyari kaya agad kaming napasigaw "Eliana!!" Tumakbo agad kami dun sa pwesto ni Eliana.

"Ok so ang panalo ay si Tristan!! Pero dahil grupo kayo Tie lang ang laban" sabi ni Sir.

Pinalutang ko si Eliana gamit ang kapangyarihan kong hangin at inihiga siya sa bench ng training room.

"Healer!" Sigaw ni Irish.

May kakayahan din si Irish na manggamot pero hindi niya pa alam kung paano. Meron din kaming mga kakayahan gamit ang kapangyarihan namin na hindi pa namin nagagawa o kaya.

***

Eliana Pov.

Kakagising ko lang at nandito ako sa kwarto ko. Naalala ko yung nangyari sa laban. N-Natalo a-ako...... Antanga ko kasi, dapat di ko inalis ang tingin ko sakanya.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon