Chapter 45

1K 63 0
                                    

Chapter 45

***
Irish Pov.

Inaalam na nila Ms. Shane ang nangyari kay Vera, ang sabi ni Ms. Shane ay wag nalang daw muna namin iyon isipin at sila na ang bahala doon ng mga teachers. Pero hindi parin talaga namin maiwasang isipin ang tungkol doon.

Isang araw na pala ang nakalipas simula ng magising si Eliana, nakakapagtaka nga ang biglang pagkaclose nila ni Rain at si Tristan naman ay parang naging wala sa mood lagi kapag nakikita si Eliana at Rain na magkasama at syempre hindi naman kami b*b* para hindi malaman na may something haha.

Tinatanong din namin si Eliana tungkol sa pagtagal ng paggising niya at dun sa mga sugat niya pero ang sinabi niya lamang ay hindi niya alam, ang huling natatandaan niya lang daw ay nasa gubat siya, tinanong pa niya kung paano daw kami nakalabas at nung sinabi namin na dahil sa kwintas niya ay napangiti nalang siya. Isa pa yan sa diko maiwasang hindi isipin, tungkol dyan sa kwintas niya, kasi sa pagkakatanda ko nung makarating siya dito ay wala pa siyang kwintas na suot nun. Saan kaya niya nakuha yun?

"Masyado mo naman akong iniisip niyan My loves"bulong ni Zayn mula sa likod ko. Lumayo din sya agad ng sabihin niya yun dahil alam niyang masusuntok ko nanaman siya. Pero wala naman talaga akong sa mood para makipag talo sakaniya.

"Guyss!! Eto na yung mga foods natin!" sigaw ni Roselyn na kadadating lang na may dala dalang mga pagkain. Nagyaya kasi itong magpicnic kaya nandito kaming lahat sa garden. Ay hindi pala kaming lahat dahil wala pa si Rafael.

"Wala parin ba si Rafael?" tanong ni Cean.

"Obvious naman" sabi ni Jhasmine.

"Ahhm... wala talaga siya dahil umalis siya kanina pupunta siya ng kingdom nila"sabi ni Roselyn.

"Bakit hindi ko alam?"tanong ni Cean. Oo nga naman bakit di nagsabi samin? Kay Roselyn lang.

Nagsimula nalamang kaming kumain at mag kwentuhan ng kung ano ano at syempre nananaig ang pagdaldal nila Roselyn, Zayn, Rain, at Cean.

"Oo nga pala, hindi ba ay Royalties kayo? Prinsesa at prinsipe? Eh bakit di manlang kayo masyadong pinapansin ng mga ibang estudyante dito? Yung ibig sabihin ko ba eh yung pagusapan manlang kayo ganon" sabi ni Eliana.

"Dinagdag ni ate sa rules" natatawa kong sabi.

"Oo nga eh kj yang sister in law ko, di tuloy masyadong mapagusapan ang kagwapuhan ko" sabi ni Zayn.

"Anong Sister in law ka dyan?! ASA KA!!" sigaw ko sakaniya at hinagis ang basong nasa tabi ko sakaniya. Don't worry hindi naman babasagin yun, bakal yun... charott..

"Nakakaasar lang kasi yung ganon Eliana" sagot ni ate na hindi pinansin ang sinabi namin ni Zayn. Kumain nalang kami ng kumain Hanggang sa mapatingin kami kay Eliana na namumula.

"Eli anong problema?" tanong ni Roselyn.

"T-Tub-big!" sabi niya. Yun pala ang hinahanap niya kaso ubos na ang tubig ko kaya dinampot ko yung tubig ni Zayn saka akmang iaabot sakniya pero hindi kona itinuloy ng makitang nagabot na si Rain sakaniya. Napatingin naman ko kay Tristan na masamang nakatingin ngayon kay Rain, may hawak itong bottled water na mukhang iaabot niya sana kay Eliana.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon