Chapter 51
***
Third person's Pov.
Pitong araw na ang lumipas at bukas ng gabi nila itutuloy ganap, ang hindi natuloy na Encantasia Ball. Ilang araw naren na hindi lumalabas ng kwarto si Eliana simula ng mawala ang kaniyang lola, ni isa sa mga kaibigan nito ay hindi pa siya nakakausap.
Pero sa araw na ito ay napagisipan na ni Eliana na lumabas na ng kwarto matapos niyang mapanaginipan ang kaniyang lola.
"Eli!" bati ni jhasmine at niyakap siya kaagad.
"Ayos ka na ba? Nagalala kami sayo, ang sabi ng tita mo ay hayaan ka na muna namin" nakangiting sabi ni jhasmine.
"Ayos na ako" sagot ni Eliana at ngumiti, "tara at kumain, nagugutom na ako"
"Sa dining hall na tayo kumain, tiyak na naroon sila Irish" nakangiting sabi ni jhasmine.
"Nakabalik na ba dito si Rafael?" tanong ni Eliana na ikinawala ng ngiti ni jhasmine.
"Hindi pa rin, nagaaalala na nga rin kami sakaniya lalo na si Roselyn, gusto niya daw kasi na mahanap muna ang kapatid niya, sinabi na nga naming mahahanap rin si Rica at hayaan niya nalang muna ang mga kawal dahil baka mapahamak siya ngunit ayaw niya parin" mahabang salaysay ni Jhasmine.
Pagkarating nila sa dining hall ay naroon nga ang mga kaibigan nila at tulad ni jhasmine ay sinalubong din nila Roselyn at Irish ng yakap si Eliana. Lahat sila ay natutuwang makita si Eliana.
"Bukas na ang gaganapin na Encantasia Ball may susuotin na kami Eliana at yung sayo ata ay ang tita mo na ang pumili" sabi ni Roselyn habang kumakain.
"At may fireworks daw na magaganap pag kagat ng alas dose ng gabi" masayang sabi ni Irish.
"At dapat ako ang kasama mo dun my loves" sabi ni Zayn with matching kindat kay Irish.
"Tss Asa ka na makikita mo ako sa oras na yun!" sabi ni Irish at inirapan si Zayn.
"Ano bang meron dun?" tanong ni Eliana sakanila.
"Kung sino daw kasi ang makakasama mong manood ng fireworks sa oras na iyon ay siya daw ang makakatuluyan mo" sabi ni jhasmine habang ngumunguya.
"Nagpapaniwala kayo don?" sabi ni Tristan.
"Oy wag ka! Yung mga magulang ko ay nagkatuluyan dahil dun" sabi ni Cean.
"Tss."
Pagkatapos nilang kumain ay dumaretso naman si Eliana sa kwartong tinutuluyan ng tiyahin niya.
"Tita Malia.." banggit ni Eliana sa pangalan ng tiya niya ng makita niya ito.
"Mabuti naman at ayos kana, umupo ka muna dito at kailangan nating mag usap" naguguluhan namang naupo si Eliana dahil seryoso ang pagkakasabi niyon ng tiya niya kahit na nakangiti.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasiEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...