Chapter 8

1.4K 76 6
                                    

Chapter 8
Encantasia Kingdom

****
Eliana Pov.

Habang nagaantay ako kay jhasmine kanina ay nagbasa na lamang ako sa higaan ng librong nakita ko sa mesa, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

So eto ako ngayon babangon palang dahil kakagising palang.

Pagbangon ko napatingin ako sa bintana. Bakit parang andilim sa labas? Paglabas ko ng kwarto ko nakita ko agad si jhasmine na nakaupo at may iniinom.

"Jhas bat ang dilim sa labas?" tanong ko.

"7:30 na ng gabi Eliana"

"Ano?!! Bat dimo ko ginising?? Hindi ako nakapasok pano yun edi absent? Halaa namann! Jhasminee bakit?? Bakit dimoko ginising??" Sabi ko na pamanktol.

Kahit sa dating school ko never pa akong umabsent. Wala naman akong natandaan dati na nagkasakit ako para maging dahilan ng absent ko kaya wala talaga akong absent. Ngayon langg!!!Wahh pano yun??

"Relax kalang Eliana, kabago bagong gising mo lang eh" sabi niya na natatawa "walang klase bukas nalang daw"

"Wehh? Talaga? So ibig sabihin hindi ako absent!"

"Oo di ka absent" sabi niya.

"Yownn akala ko talaga absent ako eh never pa kaya akong umabsent"sabi ko.

"Nga pala Eliana. Nagtagumpay na sina Rafael at Roselyn sa mission nila, nahanap na nila si Jamila kaya bukas pinapapunta kami sa Encantasia Kingdom kasama si jamila, ay hindi lang pala kami kasi sabi ni Ms. Shane kasama kadaw" sabi niya

"Huh? Ako? Bakit naman? Ano namang gagawin ko ron?"

"Hindi nga rin namin alam eh basta daw sasama ka" sagot niya.

"Sige Sama ako gusto ko rin makita kung anong itsura ng Encantasia Kingdom" sabi ko.

"Ehh pano yun bukas may pasok ibig sabihin aabsent ako?" Sabi ko at nanlaki ang mga mata.

"Don't worry about it Excuse kanaman" sabi niya.

"Hehehe okayy"

***

Nandito na kami ngayon sa labas ni Jhasmine kasama narin namin si Irish at si Roselyn. Nung una ay nailang pa ako kay Roselyn pero nawala rin yon dahil sa pagkafriendly niya.Mabait din si Roselyn at nakakasundo ko na rin.

Di nagtagal dumating na sila Tristan, Cean, Rafael, at Zayn.

At kasunod na dumating ay Si Ms. Shane.

"Oh kumpleto na ba kayo?" Tanong ni Ms. Shane.

"Opo Ms. Shane" sabi naming lahat.

"Ahmm Ms. Shane" tawag ko.

"Ano yun Eliana?"tanong niya.

"Bakit po kailangan na kasama ako dito?"tanong ko na ikinatingin ng lahat kay Ms.Shane na nagaantay ng sagot.

"Malalaman mo rin yan"sabi niya at ngumiti ng napakatamis.

"Mag handa na kayo" sabi pa ni Ms. Shane.

Maya maya may dumating na lumilipad na apat na kabayo. Woah unicorn? Ay hindi, walang sungay sa noo eh.

"Sila ang sasakyan nyo para mabilis kayong makarating ng Encantasia Kingdom"sabi ni Ms. Shane.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon