Chapter 9
Necklace***
Pagkatapos ng mga nangyari sa Encantasia Kingdom ay bumalik
na kaagad kami sa Academy. Hanggang ngayon tanong parin sa aming isip kung nasaan na ang prinsesang itinakda.Sino nga ba kasi ang prinsesa, ano ba talaga ang pangalan niya.
Simula ngayong araw nga pala, inutos ng Hari at Reyna ng Encantasia kingdom na ipahanap na ang prinsesa. Hinahanap naman talaga nila ang prinsesa simula palang ng mawala ito pero ngayon ay mas dumoble pa ang mga naghahanap rito.
Kailangan na raw nila mahanap ang prinsesa sa lalong madaling panahon. Dahil kapag hindi nila nahanap ang prinsesa, matatalo sila laban sa mga taga Dark World. At pag natalo sila, aangkinin na ng mga taga dark world ang Encantasia at sila ang mamumuno dito. Sa madaling salita, mawawala ang kapayapaan sa mundong ito.
Nalaman din ng Hari at Reyna na hinahanap na rin ng mga taga Dark World ang prinsesa kaya maraming kawal na ngayon ang nag lilibot at naghahanap sa prinsesa sa buong Encantasia.
Anyway nandito ako ngayon sa classroom. Hindi ko kasama ngayon si jhasmine at Irish, nasa office sila pinatawag kasi sila ni Ms. Shane.
"Eliana!!" Tawag sakin.
Sino yun?
"Eliana!!" Tawag ulit saakin.
"Ano ba yun?" tanong ko. At tinunghay ang mukha.
Nakayuko kasi ako.
Nakita ko yung babaeng tumatawag sakin kaklase ko ito pero diko kilala.
"Ako nga pala si Marianne, pinapatawag ka ni Ms. Shane sa Office niya" sabi niya.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Hindi ko alam, sige na pumunta kana dun" sabi niya at tumayo na ako para pumunta sa office ni Ms. Shane.
Pagkarating ko sa tapat ng office ni Ms. Shane ay agad akong kumatok.
"Pasok ka" sabi ni Ms. Shane.
Pumasok ako. Tinignan ko ang paligid wala dun sila jhasmine.
"Kung ang hinahanap mo ay ang mga kaibigan mo, Nasa dorm na sila ngayon" sabi ni Ms. Shane.
"Bakit nyo po ako pinapunta?" Tanong ko.
"Sumama ka saakin" sabi niya at naglakad palabas ng office.
Sumunod ako sakanya hanggang nakarating kami sa isang kwarto na malawak, pumasok kami don. Isa itong training room. Naipakita na kasi saakin ni jhasmine ito dati ng maglibot kami kaya di ako nagkakamalinh training room ito.
"Ano pong ginagawa natin dito Ms. Shane?" tanong ko sakaya.
"Ang sabi saakin ng iyong lola ay marunong kang makipaglaban.
Gusto ko sanang kalabanin mo ngayon si Cean gusto kong makita ang iyong kakayahan" sabi ni Ms. Shane."Hi Eliana!" sigaw ni Cean na kakapasok lang ng Training Room. Nagulat pa ako sa biglang pagsigaw niya ngunit agad din akong nakabawi sa pagkakagulat.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...