Chapter 50

930 64 6
                                    

Chapter 50

***

Eliana Pov.

Lumipas ang ilang minuto ay malapit na akong sumunod and i can't focus. Yung mga sumunod sa mga nabanggit ko kanina ay medyo maayos na at seryoso na sa ginagawa nila. Kinakabahan ako lalo dahil alam kong ilang minuto nalang lilipas ay ako na ang lalabas sa back stage na ito.

"Psst..." tawag ko dun sa babaeng nasa harap ko. Pagharap niya ay napatulala ako, shtt ang ganda niya! Mananalo pa ba ako?

"Itatanong ko lang kung dapat ba talaga may kasabihan na sinasabi?" nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman siya na lalong nag paganda sa kaniya, pero wait parang pamilyar siya sakin.

"Hindi naman noh, sadyang trip lang yun nung unang candidate and then gumaya na yung iba.. mga bago lang din sa ganto" sabi niya ng may maarteng tono.

"Ahh ganon? Eh ikaw ba gagayahin mo ba rin sila?" tanong ko.

"Hindi noh! That's so jeje! But anyway you look familiar to me, what's your name?" tanong niya na  may maarteng tono.

"Eliana." sabi ko at ngumiti.

"Ngayon ko lang narinig yung name mo pero familar ka talaga sakin" maarteng sabi niya na parang nagiisip.

"Tss.. mamaya nalang kita iisipin gurl naiistress lang ang beauty ko sa kakaisip" maarte niya pang sabi at humarap na sa harap. Naiirita ako sa pananalita niya ang arte. Sino ba kasing may sabing isipin niya ko? Tsk.

Hindi nagtagal ay lumabas na siya at nagmodel nasa stage. Pagkatapos ay humarap na siya sa mic.

"Good morning! I'm Chantal Aivy Vasquez, one and only beautiful Chainy in this academy! I'm a fire user, mwahh thank you!"maarteng pakilala niya saka nag palakpakan at nagsigawan ang mga audience.

0_____0

Siya yun? Yung tinutukoy sakin ni Roselyn nung nakaraan.

"huy ikaw na" sabi nung babaeng nasa likod ko at tinulak ako, muntik pa kong ma out of balance. Pero ng marinig ko ang sigawan ng mga tao ay  kaagad akong napaderetso ng tayo at naglakad. Kinakabahan ako at nahihiya pero kailangan kong gawin to, nandito na ako at ayaw kong mapahiya.

"GO ELI!!!" malakas na tili ni Roselyn kaya napangiti na lamang ako.

"I am Eliana Cloui Rivarias, water user and i believe that Elegance is the only beauty that never fades! Thank you!" confident kong sabi habang nakangiti ng napakatamis. Nagsigawan at nag palakpakan ang mga tao at pag katapos nun ay bumalik na ako agad sa back stage.

Gusto ko pa sanang panoodin yung sa mga lalaki para malaman ko kung sino ang partner ko pero may tatlong babae na humila agad sakin papuntang dressing room. Sila daw ay pinapunta ni Roselyn para ayusan ako ulit para sa susunod.

Pagkatapos nila akong ayusan at pinasuot sakin yung damit na sunod kong susuotin ay pinapunta agad ako sa back stage.

Ngayon ay makasabay naman daw namin ang mga kapareha namin. Hindi ko pa nakikita kung sino ang kapareha ko dahil nasa kabila sila at ang naiisip ko ngayon ay baka si Shaun ang kapareha ko dahil hindi ko siya nakitang kasama nila zayn kanina.

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon