Chapter 36
***
Shaun Rain Pov.
"Sh*t niligaw tayo" sabay naming sabi ni Tristan. Nagkatinginan kami pareho ng masama at tinignan ang paligid.
"Nasaan na sila??" tanong ko.
"Sa tingin mo alam ko?" sabi niya at naglakad pa alis. Pumunta naman ako sa kabilang direksyon.
"Saan ka pupunta?" hindi pa pala siya nakakalayo.
"Sa pupuntahan" sabi ko. Bakit kasi sa dinamidami at ito pa ang nakasama ko.
"Alam mo kung saan ka pupunta?
Hindi tayo pwedeng maghiwalay ng paroroonan mas mabuti kung magkasama tayo" sabi niya with cold voice."WAAAAAHH!!!! HAAAAYOOPP NA YAAANN KUNG SINO MAN MAKARINIG SAKIN TULUNGAN NIYO AKOO EIHHHHHH HAHUHUHU T*NGINAA AYOKO PANG MAMATAYY!!!" agad kaming natigilan nang marinig namin ang sigaw na iyon.
"Boses ni Roselyn yun" Hinanap namin kung saan yun nanggaling pero hindi nanamin mahanap. Kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng walang imik.
Mahamog ang paligid at mukhang magdidilim narin. Padaan kami ngayon sa isang batis, hindi malinis ang tubig roon at mabagal ang agos ng tubig.
"TULONG!!! TULONGAN NIYO AKOO!!!" muli ay napatigil kami ni Tristan at agad hinanap kung saan nagmumula yung boses.
"JHASMINE??" tanong ni Tristan ng makita namin ang isang babae mula sa di kalayuan.
"Tristan kayo ba yan?? Tulungan niyo ako naipit ng bato yung paa ko" mangiyak niyang sigaw. Agad kaming tumakbo ni Tristan sa pwesto niya. At dun ko nakita ang isang paa niyang naipit sa isang malaking bato.
"Fuck! Ang sakit na tulungan niyo akong alisin tohh dalii" agad naming pinagtulungan ni Tristan na buhatin ang bato.
"Di ko maigalaw ang sakitt!" Daing niya habang nakahawak na sakaniyang paa. Tinulungan ko siyang tumayo at inilalayan maglakad.
"Kailangan na nating hanapin yung iba" sabi ko.
"Yun naman talaga ang gagawin natin" masungit na sabi ni Jhasmine. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
***
Irish Pov.Nanlaki agad ang mata ko ng makita si Cean na tumatakbo pa salubong samin na hinahabol ng mga baboy ramo, nanlaki rin ang mata niya ng makita kami.
"T*NG*NAAA ITO NA BA ANG MAGIGING KAMATAYAN NAMIN?!!!!!!!!"naiiyak at buong boses ni Roselyn na sigaw na halos ikapiyok niya.
Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Pagkalapit saamin ni Cean ay agad niya kaming niyakap ni Roselyn at hinila sa gilid.
Nagsalubong lang ang mga baboy ramo at bubuyog na patuloy parin sa pag takbo at pag lipad hanggang sa makalayo sila samin. Kumalas na kami ni Cean sa pagkakayakap.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...