Chapter 53
Pag-amin
***"Can i have this dance?" Shaun said. Tumango nalamang ako at tinanggap ang kamay niya at tsaka sabay kaming pumunta sa gitna.
Inilagay ko ang aking kamay sa balikat niya at saka kami nag simulang mag sway.
"Eli, namiss kita, namiss ko yung dating tayo," hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, "Parang nung mga bata palang tayo ay ako ang madalas mong makasama maliban nga lang tuwing pumunta ka dito, sayang lang at hindi mo na maalala" sabi pa niya at ngumiti ng mapait. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"Nakapunta na ako rito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Oo dahil madalas ka isama ng iyong lola at ina rito, hindi ko lang malaman ang dahilan kung bakit bigla ka nalang nawalan ng alaala" napaisip naman ako sa sinabi niya na naging dahilan upang hindi ko na siya nasagot. Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto ng biglang magsalita muli siya.
"Eli.. One galaxy, eight planets, one hundred ninety six nations, seven seas, seven billion people, yet my heart still runs after you"he said na nagparamdam sakin ng pagkailang. 'Sa mga araw, linggo, at buwan na lumipas gusto ko namang kasama si Shaun pero may kulang... pakiramdam ko ay para bang kaibigan nalang... gusto ko nalang na maging kaibigan ko nalang siya, sa totoo lang ay madalas kong pakiramdaman ang sarili ko tuwing kasama ko siya kung may nararamdaman paba ako sa kaniya pero hindi ko masabi na wala pero hindi ko na maramdaman yung dating ibang saya tuwing kasama ko siya.
"Saan mo naman napulot yang line nayan?" pabiro kong tanong.
"Eliana... Seryoso, may chance pa ba ako sayo? Iba kasi ang pakiramdam ko" tanong nito at ngumiti na may lungkot sa mga mata. 'hindi ko malaman ang sasabihin ko sakaniya ng hindi siya nasasaktan ngunit kahit anong gawin ko masasaktan parin siya.
"S-Shaun sa totoo lang... hindi ko na alam.. Sorry Shaun, pero diko na maramdaman yung nararamdaman ko dati sayo,h-hanggang k-kaibigan nalang s-shaun" nauutal ko sabi. Pati sarili kong nararamdaman ay hindi ko maintindihan pero yun na ang sinabi ko kay shaun dahil dina ako sigurado at ayoko ng mas umasa siya at mas masaktan.
Ngumiti naman ulit siya ng mapait na may lungkot sa mga mata, "Alam ko ng iyan ang isasagot mo, alam ko ng friend zone nalang ako sayo ngayon, pero sorry ha kasi diko mapigilan yung sarili ko mahal parin talaga kita eh, pero wag ka mag alala dinako aasa. Kase may laman nayang puso mo diba?"
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.
"Si Tristan. Siya na diba? Alam kong iniiwasang mo lang siyang pag tuonan ng pansin dahil nahuhulog kana sakaniya sa di mapaliwanag ang dahilan, hindi ba?" Nanatiling tikom ang aking mga bibig.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...