Chapter 17
****
Roselyn Pov.
Nagsasarili sariling training na sila dito sa training room. Si Eliana inaaral niya ata yung mga natutunan niya sa martial arts, si Tristan todo ensayo sa Element power niya na Fire, ganon din sila irish, rafael, at cean. Wala si Jhasmine susunod nalang daw sabi ni Eliana pero hanggang ngayon wala pa.
Si Cean naman pansin ko... pero pansin ko lang ahh, na malungkot siyang nag eensayo ngayon, kanina ko payan napansin nung sinabi Ni Eliana na susunod nalang si Jhasmine. Ano kaya problema nun?
Nagpapahinga lang ako ah, baka kasi isipin nyo na hindi ako nageensayo at nakatunganga lang ako. Nakakapagod kaya noh duhh.
****
Tapos na ang training namin pero walang nag pakitang Jhasmine. Ano kayang problema nun?
Papalabas na kami ng makita namin si Jhasmine.
"Oh ate bat ngayon kalang? Bat di ka nag training? '' tanong ni Irish.
"Papunta na ako dito kanina kaso tinawag ako ni Ms. Shane at may pinag usapan lang kami" sabi niya at ngumiti ng pilit.
"Eh bat parang malungkot ka?" tanong ni Eliana.
"Wala ah sige pupunta lang ako ng Canteen" sabi niya at ngumiti ulit ng pilit. Tumalikod na siya at aalis na pero hinawakan siya ni Cean sa kamay.
"Jhasmine.... I'm Sorry for what happened yesterday"malungkot na sabi ni Cean. Ano kayang problema nila?
Ngumiti lang ng pilit si Jhasmine "let me go Cean"malumanay niyang sabi. binitawan naman siya ni Cean at tuluyan ng umalis.
Napatingin kami kay Cean na nakayuko ngayon. Nakita namin na may pumatak na luha sa sahig mula sakanya.
"A-Ahmm sige guys mauna na ako" sabi niya na pilit inaayos ang boses para di namin malaman na umiiyak siya. Wag kami Cean di kami tanga alam namin na umiiyak ka. Umalis na siya na hindi manlang tinutunghay ang ulo niya at nanatili lamang itong nakayuko.
Di kami makaalis sa pwesto ng pagkakatayo namin ngayon dahil sa nangyari.
"May nakakaalam ba sainyo kung anong nangyari dun sa dalawa?" tanong ni Tristan. Agad naman kaming nagsi-ilingan.
Napabuntong hininga na lamang si Tristan at umalis na. Sumunod na rin si Zayn sa kuya niya kaya naiwan kaming apat.
"Alis na ako BABE" bulong ni Rafael sa akin na diniinan pa ang pagkakasabi ng babe. At umalis na agad bago pako makareact.
"Uyy namula. Anong binulong niya?" Tanong ni Eliana na may halong pangaasar.
'' Wala! Tara na nga'' sabi ko.
"Edi wala" sabi ni Eliana na natatawa pa.
Hoyyyy for your information po hindi ko yun boyfriend ah, wala kaming relasyon nung kupal na yun. Inaasar lang ako nun sa pag tawag ng babe sakin!
****
Kasama ko si Eliana at Irish. Napag usapan kasi namin na aalamin namin kung anong problema ni Jhasmine at Cean."kanina pa natin sinusundan kung san nag punta si Jhasmine ehh nakakapagod'' reklamo ko.
BINABASA MO ANG
Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]
FantasyEncantasia Academy, ang paaralan na kung saan ay dadalhin si Eliana sa isang mahiwagang paglalakbay sa kanyang buhay upang malaman ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Ang isang mahiwaga at panibagong mundo na hindi niya inaasahang totoo ay magdada...