Chapter 31

1K 72 5
                                    

Chapter 31

***

"Sinundan ka ni Rain kanina noh" sabi ni Jhasmine sa akin.

"Oo, pati ni Tristan" wala sa sarili kong sabi.

"Owwssss...... pati si pala si Tristan sumunod"  ani jhasmine.

Nasa dorm na kami ngayon.

"Ahmm... Eliana pwede ba akong mag tanong?" tanong ni Jhasmine.

"Nagtatanong kana"

"Ang pilosopo  naman neto, kilala mo talaga si Rain?"

'' Oo, nagkakilala kami sa mundo ng mga tao "

"May problema ba Eliana? Kasi kanina sa Canteen first time na hindi ka nakinig sa usapan namin. Ni hindi mo nga ata napakinggan yung balita ni Roselyn kanina"  sabi niya. Balita? Anong balita? Napalingon ako sakanya.

"Anong balita niya? '' tanong ko.

"Tss. Di nga alam, sila na raw ni Rafael" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni jhasmine.

"Sigurado kaba? Yung parang aso't pusa narin minsan. Mag jowa na ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, di naman nakakapagtaka kasi mukhang gusto din naman talaga nila ang isat isa" sabi ni jhasmine.

“Eh kayo kaya ni Cean?”pang aasar ko.

Naku Eliana tigilan moko. Sige na kukuha na ako ng makakain natin”pagiiba niya ng usapan.

“Teka sasama ako”inilapag ko ang kinocrochet ko atsaka humabol sakanya.

“May pag-asa ba si Cean sayo?”tanong ko sakanya.

“Huwag ka ng sumama, Eliana”sagot niya.

“Satingin ko meron ”sambit ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

“Eh ikaw? Si Shaun o si Tristan?”biglang sagot niya. Natigilan ako at hindi agad nakasagot.

“A-Ano bang klaseng tanong yan, bilisan mo na ngang mag lakad. Gutom nako”sagot ko atsaka inunahan siyang maglakad. Narinig ko pa ang patuloy niyang pang aasar ngunit hindi ko na iyon pinansin at mas binilisan pa ang lakad.

~Fast forward~

Patulog na ako ngayon, inaantay na lamang umilaw ang kwintas ko para magkita nanaman kami ni Goddess Liarra. Hindi ako excited pero inaabangan ko lang kasi baka biglang umilaw ito ng may ginagawa ako.

Di nagtagal ay umilaw na nga ito at napunta na naman ako sa lugar niya.

"Maligayang pagbabalik ulit Eliana" nakangiting sabi ni Goddess Liarra. Ngumiti na lamang  ako sakaniya pabalik.

"Anong klaseng pageensayo naman po ang gagawin natin ngayon?" tanong ko.

"Magrerelax" sagot niya.

"Huh? Magrerelax talaga? As in wala tayong gagawin?" tanong ko.

"Maguusap lamang tayo, parang day off lang ganon. Day off mo ngayon sa pagtratraining" sabi niya.

"Night off kasi gabi" sabi ko na ikinatawa niya.

"Umupo ka nga rito sa tabi ko" sabi niya kaya naupo naman ako.

"Ano namn pong pag uusapan naten Goddess Liarra?"

"Ewan ko" tila bored sabi niya.

"Seryoso??"

"Haha biro lang, Syempre paguusapn natin lahat ng mga nangyari o nangyayari" sabi niya.

"Ganto nalang may apat ka saking aaminin at ganon din ako sayo, tapos magtanong karin sakin ng lima at magtatanong rin ako sayo ng limang beses" sabi niya. Tumango na lamang ako bilang pag sangayon. Ano naman kayang trip ngayon ni Goddess Liarra?

"Ok game ako nalang una, may aaminin ako sayo. Una, ako ang gumawa niyang kwintas mo at sinadya kong inilagay yan sa may puno. Pangalawa ilusyon lang lahat ng napupuntahan natin para mag training, katulad nalang una yung malawak na field, nasa kapatagan lang tayo non ginawa ko lang field para mas ok tignan den yung sa dagat nasa talon lang tayo nun  at yung iba din ganon rin ilusyon lang din"

"Pangatlo, sa isang forest ako nakatira Eliana, malapit sa isang talon. Pag-apat hindi ka talaga natutulog, tuwing iilaw ang kwintas mo ay automatic na magteteleport ka dito sakin" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. All this time akala ko sa panaginip ko lang yun tapos hindi pala ako natutulog at umabot pa yun ng buwan na hindi ako natutulog!!

"Seryoso kaba Goddess Liarra?"

"Opss maya na ang tanong, ikaw naman ang umamin" eh ano naman kayang aaminin ko?

"Una, wala akong childhood memories. Wala akong maalala sa mga nangyari sakin nung bata ako.
Pangalawa, hindi ko kilala ang nanay ko basta ang sinasabi lang nila lola ay Elleyne ang pangalan ng nanay ko. Pangatlo, naguguluhan din ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon kaso diko lang masyadong iniisip. Pang apat, isang beses umilaw na kulay ginto itong sa may pulsuhan ko na ipinagtataka ko kung bakit nagkaganon " nagulat naman si Goddess Liarra sa huli kong sinabi.

"Ok it's time to ask, ako muna, anong nangyari nung umilaw yang sa may pulsuhan mo?" agad na tanong niya. Naging interesado siya nang dahil sa sinabi kong iyon.

"Masakit ng kaunti, pero panandalian lang ang ilaw nun dahil agad din itong nawala'' sabi ko. Nangyari iyon ay oras ng lunch break, mabuti nakang at saktong nasa Cr ako.

"Second question, anong nabasa mo sa libro dun sa library, yung libro na bigla nalang nawala?" tanong niya. Pano niya nalaman yun? Nagtataka man ay sinagot ko iyon ng walang halong kasinungalingan.

"Tungkol sa Encantasia kingdom, tungkol dun sa Ciezra at Cristina hanggang kay reyna Sierra at kila Maliana at Elleyn---"natigilan ako.

"Goddess Liarra pede ba akong magtanong? Gusto kong malaman bakit ganon bakit kapangalan ni lola yung Cristina dun at kapangalan ni tita yung Maliana at yung Elleyne, pangalan ng nanay ko yun" hindi ko alam kung tama bang mag assume. Pero nagkataon lang ba ang mga iyon?

"Kung ano man yung mga pangalan don ay totoo pero wag kang maniniwala sa kwento sa librong iyon. Hindi lahat ng naroon ay totoo, iwasan mong magbigay agad ng tiwala sa isang taong hindi mo pa lubusang kilala" sabi niya at tumalikod.

"Goddess Liarra, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko"

"Bumalik ka na sa iyong kwarto Eliana"

"Pero Goddess Liarra..."

"Malalaman mo rin sa tamang panahon ang lahat....... maalala mo rin ang lahat pero hindi pa sa ngayon"

Isang kurap ko lamang ay nasa kwarto na agad ako. Ang unfair naman ni Goddess Liarra.

Bakit ba ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko?


To be continued...

Encantasia Academy: Elemental School [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon