~CHAPTER 3~

10 1 0
                                    

MAKE HER MINE
Written by:
zhekeiaahhh
~
Josh Cullen Santos

~CHAPTER 3~

JOSH's POV

"Jonas!!!" isang mautoridad na boses ang narinig namin kaya napahinto kami lalo na si Jonas at tumingin sa nagsalita....

"D-dad.." kinakabahang sabi ni Jonas..

Tatay niya pala 'to..

"What are you doing??!" galit na sabi ng tatay niya sa kanya kaya hindi na siya nagsalita.. Binitawan naman kaagad ako ni Eric at Fred kaya napa-upo naman ako..

Nakita kong kasama ng tatay niya ang nanay niya at..... Si Dahlia???

Tumakbo patungo sa akin si Dahlia at parang chinecheck kung ok lang ba ako..

"Ok ka lang ba?? Ang dami mong pasa sa mukha.." sabi niya at marahang hinawakan ang pisngi ko.. "Aray" react ko kaagad nung nahawakan niya ang may sugat.. "Sorry.."

"Ikaw ba ang tumawag sa mga magulang neto?" tanong ko sa kanya. "Oo"

"What did you do to him?!" galit na sabi ng tatay ni Jonas sa kanya.. Hindi naman siya nagsalita at nanatiling nakayuko kasama ang mga kaibigan niya..

"Jonas..." nagbabanta na sabi ng tatay niya sa kanya..

"What happened here?" biglang dating nung dean..

Wow! Timing na timing ka dean ahh! Hindi pa nga ako nabugbug..

d–_–b

"Josh.. Tayo ka na.." sabi ni Dahlia sa akin at inalalayan akong tumayo..

"Oh? Mr. Santos are you okay?" baling sa akin nung dean..

Ok po ako dean, ok na ok.. Kaya ko nga pong tumambling ngayon sa harapan niyo ehh..

"Uy, nasabi mo!!" biglang suway sa akin ni Dahlia kaya pagtingin ko kay dean may tanong ang mukha niya.. "Ok lang po" bawi ko..

"Ms. Trinidad, take him to the clinic. And afterwards, take him to my office..." baling niya kay Dahlia. "Yes, dean"

"Mr. Garcia, Mr. Gonzaga and Mr. Opeña please follow me to my office and Mr. and Mrs. Garcia please follow" sabi ni dean at senenyasan sila na sundan siya..

"Josh, tara na.." sabi ni Dahlia at inalalayan akong tumayo pero hindi niya ako kaya..

Kaya may isang estudyante na lalaki ang lumapit sa amin na nagmula sa madlang pipol na nanood ng Showtime kanina..

"Salamat" sabay naming tugon ni Dahlia.. Si Dahlia ang nasa kanan na side ko at yung lalaki naman ang nasa kaliwa..

"Pasensya na 'dre kung hindi kita natulungan kanina ahh.. Natakot kasi ako kay Jonas ehh" sabi nung lalaki na tumlong sa amin.. "Ok lang 'dre.."

"Bakit ka niya sinuntok ng ganito??" tanong ni Dahlia.. "Ewan ko dun.. Tatlo daw ang rason kung bakit niya ako sinuntok.." sabi ko sa kanya..

"Seryoso?? Ano naman?" tanong ulit ni Dahlia..

"Una daw, dahil napahiya siya kanina sa canteen. Pangalawa, dahil may gusto ako kay Vaughn at pangatlo, nanggigigil daw siya dahil tinalo ko siya sa Overwatch kagabi! Hahaha!!" at tumawa ako..

"Talaga? Hahaha grabe naman!! Pero alam mo bang sumusugal yan siya? Kaya siguro nagalit siya sayo sa pangatlo niyang rason dahil baka may sinugal siyang something na mahal.." sabi ni Dahlia..

Tumango-tango naman ako..

"Aray! Ang sakit na ng mukha ko saka katawan ko! Napuruhan talaga ako!" sabi ko dahil ang sakit talaga ng katawan ko..

Make Her Mine (SB19's Josh Cullen Santos' Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon